"Oo!" Kaagad kong sagot. Meron din akong mga naririnig tungkol sa congressman Macaspac na yun, pero hindi ko na lang yun iintindihin. Ang importante ay kumita ako ng malaki mamayang gabi para makumpleto ko na ang pang-treatment ni gelai para sa buwang ito.
Pagkatapos kong maligo ay nagpunta na ako sa ospital kung saan nagpapagamot ang anak ko.
"Mama!" Masayang salubong ni Gelai sa akin. Nakaunat ang mga maiiksi n'yang braso habang nanakbo pa papunta sa akin.
"Huwag kang tumakbo, at baka madapa ka!" Saway ko. Niyakap ko s'ya at hinalikan sa noo, pagkatapos ay inayos ayos ko ang suot niyang mask at ang bonnet n'ya sa ulo. Palagi ko siyang sinusuutan ng bonnet kapag nagpupunta dito sa ospital at kapag lumalabas ng bahay kasi wala na siyang buhok.
Matapos akong makalikom ng 500,000 para sa operasyon ni Gelai, mahigit dalawang taon na ang nakakaraan ay inakala kong doon na matatapos ang problema. Hindi ko naisip na ang kasunod naman niyon ay ang treatment n'ya. Muli akong namroblema dahil mas malaki ang kinailangan kong malikom at buwan-buwan pa iyon hanggang sa gumaling s'ya. Ang halagang pinagsisikapan kong kitain buwan-buwan ay 610,000 kaya wala akong magawa kung hindi ang pumasok na lang sa maruming mundo ng pagko-call girl, pag-e-escort at p**n industry, dahil dito madaling kumita ng pera.
Bagaman hindi naging maganda ang naging karanasan ko nung unang beses akong mag-escort ay tiniis ko pa rin ang pasukin ang larangang ito. Sa pag-eescort kasi ako nagsimula bago ako napasok sa pleasure delight company, na siyang pinagtatrabahuhan ko ngayon bilang isang p**n star.
Inakala ko nung una na madali lang ang pag-eescort katulad ng sinabi nung may-edad na babae, na siyang nag-recruit sa akin. Ang hindi ko alam ay kasama pala doon ang pag-galaw sayo ng kliyente mo, kaya nabigla na lang ako nang sabihin ni Mr. Ruiz na gusto na niya akong ikama matapos ko siyang samahan sa isang gatherings. Hindi ako pumayag kaya may pamumuwersa na nangyari.
Matapos ang araw na iyon ay na-trauma ako dahil nababoy ako, pero nilunok ko ang takot at ang pandidiri sa sarili ko dahil kinailangan naman ng treatment ni Gelai,
kaya kailangan ko na namang lumikom ng pera.
Masasabi ko na sa awa ng Diyos ay nagawa ko namang tiisin ang lahat, kaya nga nandito ako sa kinalalagyan ko ngayon. Ang hindi ko lang magawang tiisin ay ang sakit na dinaranas ng anak ko sa tuwing sumasailalim s'ya sa chemo at radiation.
Nang mag-iisang taon na si Gelai ay palagi na siyang umiiyak bago isagawa ang treatment n'ya, yumayakap s'ya nang mahigpit sa akin at ayaw bumitaw dahil alam na n'ya ang gagawin sa kanya.
Kinailangan ko siyang tiisin at kahit masakit sa kalooban ko ang makita ang pagmamakaawa n'ya sa akin na huwag ko siyang ibigay sa mga doktor na nagsasagawa ng treatment sa kanya, ay kinailangan kong patigasin ang kalooban ko, dahil iyon ang kailangan kong gawin para mabuhay s'ya.
Kapag naaalala ko ang mga pinagdaanan naming iyon ay nanlalambot ako at para akong pinanghihinaan ng loob, mabuti na lang ngayon ay hindi na ganun. Masasabi kong nag-mature na nga yata ang baby girl ko.
"Kumusta naman ang treatment ng bebe ko? Umiyak ka ba?" Tanong ko sa kanya habang nakakandong s'ya sa akin.
"kay lang~ brave... brave..." Aniya habang tinatapik tapik pa ang kanyang dibdib.
Hindi ko mapigilang maluha. Salamat sa Diyos dahil pinatatag n'ya ang gelai ko sa paglipas ng panahon habang nakikipaglaban s'ya sa sakit niyang leukemia.
"Mama, cry?" Pinunasan n'ya ang luha ko.
"No. Napuwing lang si mama."
Maya-maya ay dumating ang nagmamadaling doktor ni gelai:
"Pasensya na sa paghihintay ha, nagka-emergency kasi. Let's go to my office..."
Pagpasok namin sa office ni Dr. Gavin ay pinag-usapan namin ang tungkol sa kalagayan ni gelai. Natuwa ako nang sabihin niyang nakikitaan na ng improvement ang anak ko, pero nawala ang ngiti ko nang bigla niyang itanong kung saan ko kinukuha ang 610,000 para sa treatment ni gelai buwan-buwan, nitong nagdaang dalawang taon.
"Sa tingin ko ay hindi n'yo na dapat pang intindihin ang tungkol doon. Huwag kang mag-alala doc, dahil pinagtrabahuhan ko ang perang ibinabayad ko para sa pagpapagamot ng anak ko. Nanggaling yun sa dugo't pawis ko at hindi ko yun ninakaw." Hindi ko mapigilang mainis, bakit ba kailangan pa niyang uriratin ang tungkol sa maruming trabaho ko?
Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang kinasadlakan ko, pero wala na akong magagawa pa, para sa anak ko, wala na akong pakialam kahit magpakarumi pa ako.
Sa iritasyon ko ay hindi na ako nagpaalam kay doctor Gavin na uuwi na kami, kumaway-kaway na lang sa kanya si gelai.
Kinagabihan ay nag-gayak na ako. Nagsuot ako ng lingerie at maiksing dress, at naglagay din ng makapal na make up sa pagbabakasakaling matatakpan ko kahit paano ang mukha ko.
Nang pumunta na ko sa hotel kung saan ang naging usapan namin ng kliyente ko ay hindi na ako nagtaka nang sa isang VIP suite ako napunta. Isa ba namang bigatin at corrupt na congressman ang kliyente ko e.
May susi na ibinigay sa akin ang receptionist para mabuksan ko ang kuwarto, ngunit pagpasok ko ay natigilan ako nang makita ko ang kliyenteng paliligayahin ko ngayong gabi. Hindi ako naman umaasa ng guwapo o bata pa, pero, nang makita ko s'ya, ay talagang nalula ako.