Haru's POV
I exhale before knocking the door of my father's office room. He called me early in the morning. I am fvcking nervous because he only calls me when it's important. And if my hunch was right, he calls me because of Nisha.
“Come in.”
Binuksan ko na ang pintuan, and there I saw my father sitting in a swivel chair, busy with his work. Umangat ang mukha niya at sumalubong sa akin ang masamang tingin niya dahilan para bumaba ang paningin ko sa lapag.
“Garrett's assistant came here and ordered me to cancel your engagement with her daughter,”
natigilan ako sa sinabi niya.
“W-What?”
Seryoso talaga siya no'ng sinabi niya na gusto niyang itigil ang kasal? Dammit.
“Why do you think Nisha wants to cancel your fixed marriage with her?” kalmado ang kaniyang boses ngunit ang tingin niya ay sumasaksak naman sa akin.
“People change just like the seasons, and so do I. My feelings for you changed.”
Her feelings for me changed, that's why she canceled our marriage. How can I say that to my father? I'm sure he will get disappointed in me. The reason why my father is desperate to get me to marry Nisha is because her family is powerful, but what should I do now that she wants to cancel our marriage? Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
“I-I don't know, Dad.”
“Bullshit!” umalingawngaw ang malakas na paghampas niya sa table dahil sa galit. “I told you to be gentle towards her, and at least pretend that you love her but you didn't follow me!”
“I-I'm sorry, Dad. But I think this is enough, you can't fix us into marriage when we don't even love each other.”
“You ungrateful bastard! What are you saying?! She's madly in love with you, she always does what you say!”
Dad's right, it's impossible for her feelings to suddenly change. She always follows me around, gets easily jealous when she sees me with another girl, and does whatever to please me. But how about me? I don't even love her.
“You know what to do. For now, I don't want to see your face until you bring good news to me.”
“Yes, Dad.”
Umalis na ako sa office room niya at pumunta sa room ko, saktong nakita ko si Sebastian sa labas ng kuwarto ko. Si Sebastian ang tauhan ko, he is the one I assigned to spy on Nisha para malaman ko kung ano ang ginagawa niya at kung nasaan siya.
“Sebastian,” tawag ko sa kaniya.
“Sir Haru, nasa mall po ngayon si Miss Nisha.”
“Good, you can go now,” ngiting sagot ko.
It's time to get her back.
Pumasok na ako sa kuwarto ko at tinawagan si Soleil, thank god I have her para matupad ang plano ko.
“Haru, you called me?”
“Are you free today?”
“Y-Yes, I'm free! Why?”
“Can you go out with me?” naupo ako sa single sofa at bumuntong hininga.
“D-Date?”
“Yes,” ngiting sagot ko.
“Sure!”
“I will pick you up at your house,” huling litanya ko at binaba na ang linya.
I'm sorry, Soleil. But let me use you to get her back.
Nisha's POV
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin matapos ko na mag ayos.
“Mirror, mirror on the wall! Who's the fairest of them all?!” I acted like I was surprised when I looked in the mirror. “Oh my gahd! Me?! I am the fairest of them all.”
I am wearing a black fitted dress, stiletto, my hair is tied in a messy ponytail and I put a heavy makeup on my face.
Napagkasunduan namin ni Chelsey kahapon na mag kita sa mall, tutal it's weekend na naman kaya wala kaming pasok ngayon.
Nag paalam na ako kay Mommy at hinatid rin ako ni Manong Albert sa mall. I saw Chelsey waiting for me when I got to our meeting place.
Pangmanang na nga ang uniform niya pati ba naman ang damit na suot niya?! I don't want to change her style, but we're in this era where everyone will judge you.
“N-Nisha, n-nandito ka na pala,” she forced herself to smile then stand up to greet me.
Nag salubong ang kilay ko sa inaakto niya, she's still stuttering and can't look into my eyes because of fear. If she will be my right hand, she needs to be fearless.
“B-Bakit?” nataranta siya nang makita niya ang salubong kong kilay.
I get that she's scared because I am a villain pero dapat matuto na siyang makipag-usap sa akin ng maayos para naman hindi kami uncomfortable. Well whatever, mawawala rin naman ang takot niya sa akin kapag tumagal-tagal.
“Let's go,” I smiled at her to make her feel comfortable with me.
“S-Saan bang lugar ang napagplanuhan mo? Naghihintay na ba sila sa atin?”
“Yup. They are on standby,” nag lakad na ako habang siya naman ay nakasunod sa akin.
Maraming napapatingin sa dereksyon namin lalo na ang mga lalaki. Sanay na naman ako na may nakatingin lagi sa akin pero si Chelsey ay nakababa ang mukha, ayaw niya siguro na center of attention siya.
Pumasok kami sa kilalang parlor dito sa mall. By the way, pag-aari nga pala ng pamilya ko ang mall kaya naman nang makapasok kami ay binigyan ako ng special service ng mga empleyado doon.
“Welcome, Ms. Zelenia,” pag bati ng babaeng empleyado doon then she bowed to give me a respect na tinanguan ko lang.
“Where is Queenie?” tanong ko sa babae.
Ayon sa novel si Queenie ang nag aalaga sa katawang lupa ni Nisha. Queenie is a gay, close siya kay Nisha and I can say na sa lahat ng naging kaibigan niya ay siya lang ang hindi plastic kaya naman I feel at ease.
“Queenie is here po. Please follow me,” she lead us the way to VIP. “You can sit here, Ms. Zelenia. I Will call for her,” ngiting iniwan nito kami para tawagin siya.
Wala pang isang minuto ay masayang sinalubong ako ni Queenie.
“Oh my gahd! You're here Nisha, I miss you!” nakakabingi ang irit niya.
Agad niya ako niyakap at pumipilantik pa na humalik sa magkabilang pisngi ko, that's how she greet Nisha so I played along.
“Oh my gahd! Tumaba ka gohrl,” tumawa ako ng mapang-asar kaya naman sumama ang mukha niya.
Queenie is a super stylish na bakla.
“No, I'm not! Gaga ka, lumayo ka sa harap ko't nagdidilim ang paningin ko sa'yo!”
“Charizz lang! How are you gohrl?!”
“Ito, maganda pa rin! My gahd! Being beautiful is such a problem!”
“Saan banda?”
“Sa lahat teh! Huwag mo nga ako kontrahin, 'di mo naman ako kinokontra dati ah!”
“Charizz lang, bakla! 'Di ka naman mabiro!” hinawakan ko siya pero maarte siyang lumayo sa akin na ikinataas ng isang kilay ko.
“Hmp!” nagtatampo niyang asik pero natigil rin ang pag iinarte niya nang mapabaling sa kasama ko ang kaniyang paningin.
Nakababa na naman ang mukha ni Chelsey na parang isa siya sa mga makahiya na halaman.
“Who is that lame nerd girl? Your new slave?” tumawa siya ng maloko dahilan para sumama ang mukha ko.
Bakit ba lahat na lang sila ay sinasabing new slave ko ang babaeng ito? Gano'n na ba kasama si Nisha para maging ganiyan rin kasama ang view nila sa kaniya? My gahd.
Napansin ko rin na minamata niya si Chelsey, mula ulo hanggang paa.
“Nope. She's Chelsey Perez, my right hand. I want you to give her a special treatment or else I'll fire you,” nanlaki ang kaniyang mata sa huling salita ko at hinampas ng mahina ang aking braso.
“How dare you! You can't fire me Nisha, I am the most popular beautician and hairdresser in the whole world!”
“I won't fire you unless you do great, I want a new Chelsey Perez.”
“Hmp! You are so cruel talaga, don't worry I will treat her VVIP and transform her into a goddess!”
“Good, I will count on you bakla!” natatawa kong sambit at nilipat ko ang aking paningin kay Chelsey.
“Why are we here? Akala ko ba may mission tayong gagawin ngayon?” naguguluhan niyang tanong.
“You are one of my mission. And besides, kanang kamay kita kaya dapat nakakaintimidate ang mukha mo para naman may mag seryoso sa'yo.”
I don't mind what everyone thinks about her, but I know she minds. Kung gusto niyang maiba ang trato na binibigay sa kaniya ng lahat ay dapat mag iba rin siya, change for the better. I want to give her more confidence, pero 'di ko magagawa iyon kung binababa niya ang kaniyang sarili because of her conscious na mga salitang naririnig sa mga tao. She should look fearless para naman hindi siya napagtitripan.
“P-Pero wala akong pera pambayad dit–” pinutol ko ang kaniyang sasabihin.
“Don't worry, It's all on me.”
“B-But---”
“I am filthy rich. Barya lang para sa akin ang gagastusin ko dito,” nanatili pa rin siya na nakatayo, pinag-iisipan pa ang lahat. “No but's and no second demotion. This is my order,” she bites her lower lips then nodded.
“Let's go gohrl! Believe in my power. You will be new after this,” naguguluhan man ay sumunod pa rin sa akin si Chelsey.
Nang pumalakpak ng dalawang beses si Queenie ay pumunta sa direksyon niya ang lahat ng employee at inasikaso si Chelsey. Tulad ng sinabi ko ay ginawa niyang VVIP nila si Shelsey.
When we get in here, they closed the salon kaya naman kami lang ang customer ngayon.
To be continued!