Keith's POV I was just a kid, imbis na nagpapaka- saya kami ng kapatid ko ay nagta- trabaho kaming dalawa para magkaroon ng laman ang aming tiyan. Imbis na magkasugat mula sa paglalaro ay nagkakasugat kami mula sa pagtatrabaho, sa murang edad ay pinagmalupitan na kami ng buhay. Kuntento na ako kahit wala kaming ama. Kuntento na dapat ako sa buhay ko pero pati ang Nanay ko ay nawalan ng buhay dahil sa gago naming ama, siya ang pumatay sa Nanay namin. Paano niya nasikmurang patayin ang Nanay namin? Hindi niya ba minahal si Mama? Kung hindi niya minahal si Mama paano kami nag bunga? Nag bunga ba kami ng kapatid ko sa kasalanan? Bakit hindi niya kami pinanagutan? Bakit hindi niya pinanagutan si Mama? Sobrang dami kong tanong, halos mabaliw ako sa kakaisip ng mga dahilan. Pero kinaya ko

