KUNG tama ang hinala ko ay bukas na papasok sa eksena si Soleil pero ang unang pagkikita nila ay bago siya mag transfer sa school, ibig sabihin ay magkikita sila ngayon sa labas ng school.
Ano nga ba ang nangyari sa kanilang tatlo no’n? Ah! Haru almost run her over by a car then nakita iyon ni Nyx kaya tinulungan niya agad si Soleil.
Nyx will fall in love at first sight because of her beauty when he saw her without glasses. Tapos lalabas sa sasakyan niya si Haru at pilit na isasakay si Soleil sa sasakyan niya para dalhin ito sa hospital, naiwan si Nyx na tulala.
Punta kaya ako kung saan ang scene? Parang nanonood na rin ako ng sine na-live action kapag gano’n but before that I should buy popcorn first.
”Manong Albert, stop mo ang sasakyan sa bilihan ng popcorn pagkatapos ay mauna ka nang umalis. Uuwi ako magisa,” baling ko kay manong albert.
”Po? Pero baka magalit si Madam Akesha at baka kung anong mangyari sa’yo sa daan. Wala kang kasama,” nagaalala niyang sagot.
“It's okay Manong. Kaya ko ang sarili ko and walang mangyayari sa akin dahil I am strong enough para ipagtanggol ang sarili ko,” proud kong tugon.
Sa una ay nagaalangan siya pero sa huli ay wala rin siyang nagawa kung hindi pagbigyan ako nang ginamitan ko siya ng puppy eyes ko, kekeke.
“Sige po, Lady Nisha. Pero umuwi rin po kayo ng maaga,” ngiting tumango ako sa kanya tsaka niya itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada kung saan ang marketplace.
Nagpaalam ako sa kaniya bago na bumaba sa sasakyan, nagaalala pa si manong albert dahil first time ko lang daw sa marketplace. Baka daw magkasakit ako, ang OA lang.
Papasok na sana ako sa entrance ng marketplace nang may marinig ako.
“Miss, palimos po,” napatingin ako sa batang lalaking palaboy na nakaupo hindi kalayuan sa akin.
May hawak itong lata, dinadaanan lang siya ng mga tao hanggang sa may babaeng tumigil sa harapan niya.
”What's your name, sweetie?” napaka-lambing ng boses nito, hindi lang mala-anghel ang mukha niya kung hindi maging ang boses niya ay mala-anghel din.
‘Soleil had an angelic face with an angelic voice; she was sweet and merciful. Her hair is white and her eyes are like a sunrise; she's wearing glasses and simple clothes. She looks innocent and beautiful even without makeup.’
Natigilan ako sa biglang pag pop up ng mga linya sa utak ko, nanlaki ang mata ko nang lahat ng linya ay nakareference sa kanya ‘My gahd, It's Soleil! I can't believe this!’ I should watch what's going to happen.
“Tantan po,” the kid is mesmerized in her beauty, sino ba naman kasing hindi.
”Tantan, here you go buy some food,” binigyan niya ng pera yung bata.
”Salamat po!” masayang sambit niya.
“You're welcome, Tantan. Take care,” matamis ang ngiting tugon niya tsaka na siya umalis habang yung bata naman ay naiwang tulala sa babaeng papalayo na.
Teka lang, pakinengsyet! Hintayin mo ako Soleil, bibili lang akong popcorn!
Bubuksan ko na sana ang pinto pero natigilan na naman ako dahil may humawak sa uniform ko, siya yung batang lalaki na palaboy!
“Hey, move away your dirty hand! Ew!” nandidiring sambit ko, sobrang dumi kaya ng kamay niya.
Nag hirap pa naman si manang na labhan ang uniform ko para lang mapaputi ito pero dudumihan lang ng batang to?! My gahd.
“Move!” hahawakan ko na sana ang kamay niyang nakahawak sa uniform ko but on the second thought, 'wag na lang pala dahil madudumihan ang kamay ko. Alaga pa naman ni mommy ang kamay ko, ayaw niyang nadudumihan ako.
”Palimos naman po,” nagmama-
kaawa niyang salita at inalis ang kamay niya sa akin nang mapansin niyang gusto ko paalisin ang kamay niya sa uniform ko.
”What the hell?! Binigyan ka na nung babae kanina ah,” inis kong sigaw sa kanya.
Ayoko namang i-spoiled 'yong bata, dapat hindi siya sinasanay namamalimos na lang. Dapat pinaghihirapan niya ang pera na gagastusin niya at isa pa ay may kamay at paa naman siya para mag trabaho, maiintindihan ko pa kung baldado siya o matanda na.
Nasaan ba ang pabaya niyang magulang?! Pinapabayaan ang anak nilang mamalimos lang sa kalsada imbis na pumasok sa school, kinaiinisan ko talaga ang mga magulang na pabaya sa kanilang mga anak. Pagkatapos na magpakasarap itatapon ang mga anak sa lansangan o di kaya'y ipamimigay.
My gahd, I can't help but to remember myself on him as Angel in reality. I have a family but it feels like I don't have one to lean on, pero nag sikap naman ako at tumayo sa sarili kong mga paa.
Kaya kahit wala akong suporta ng mga magulang ko noon ay nakapagtapos ako ng pag aaral, naging scholar ako at naging valedictorian. Matalino kaya ako kaya dapat magsikap rin siya.
”Kulang po kasi sa pagpapagamot para sa kapatid ko yung pera, may hika po kasi ang kapatid ko. Wala akong pambili ng gamot, iniwan na po kami ng magulang namin kaya walang mag aalaga sa kapatid ko. Tanging ako at ang nakababatang kapatid ko na lang po ang natitira sa akin, ayoko pong pati siya ay mawala.”
Parang tinunaw ang puso ko sa narinig ko at sumiklab ang galit ko sa mga magulang niya na pinabayaan lang sila.
”Why are you telling me that? Do you think I care?” madiing napalunok ako at umiwas nang tingin sa kaniya.
Bakit ko siya tutulungan eh no’ng ako pa si Angel walang tumulong sa akin, tanging ako lang ang inaasahan ko kaya hindi dapat siya umaasa sa ibang tao.
”Kahit koonting tulong lang po, ate! Kailangan kong mauwian ng gamot at pagkain ang kapatid ko baka po mamatay siya sa gutom at sakit,” nakita ko ang takot sa kanyang mga mata, malungkot siyang napababa ng tingin sa lapag.
“I don't care, no one's going to help you. You should stand on your own feet, wag kang umasa sa ibang tao,” malamig kong sagot bago ko siya iniwanan at pumasok na sa market.
Nyx POV
Papasok na sana ako sa market para pasalubungan ng donut si Nanay nang makita si Nisha na nakatingin ng may pandidiri sa batang namamalimos sa kaniya, samantalang 'yong magandang babae kanina ay sobrang lambing sa bata. Makikita ang pagkakaiba nilang dalawa.
Nang pumasok na siya sa market ay nilapitan ko ang bata, then I patted his head that made him raise his face to see me.
“Smile kid, that girl is too cruel kaya hindi tatalab ang pagmamakaawa mo sa kaniya.”
“Okay lang po Kuya,” pilit na ngumiti siya.
“Ano ba ang sakit ng kapatid mo?”
“May hika po siya,” malungkot na sagot nito.
Kumuha ako ng pera sa wallet ko at binigay iyon sa kaniya ng nakangiti.
“Here. Ibili mo ng gamot ang kapatid mo then kumain kayong dalawa,” sambit ko at iniwan na siya.
Pumasok na ako sa marketplace pero pagpasok ko ay bumungad sa akin ang malakas na boses ni Nisha.
“I am Nisha Zelenia! Give me all the medicine you have for asthma! I want it now, bilisan niyo ang kilos niyo kung ayaw niyong matanggal sa trabaho!”
Pinagtitinginan na siya ng mga customer na namimili rin, habang ang mga empleyado naman ay tarantang sinunod siya dahil sa kaalamanan na siya ay si Nisha Zelenia. Kahit sa labas ng school ay kilala siya na mean, spoiled brat, at antagonist.
“Ms. Zelenia, here's the medicine,” nagulat ako sa isang kahon na puno nang medicine na binigay niya kay Nisha.
“Very good! I need a kargador, now!”
”I'm sorry, miss. Wala po kasi kaming kargador, but if you want I can help yo–”
“Me! I can be your kargador,” lumapit ako sa kaniya at ngumisi.
“Stalker?” tumingin siya sa akin nang nakataas ang isang kilay.
”Anong stalker?! It's just a coincidence, 'no! I will help you. Alam ko namang gusto mo rin,” I wink at her pero pinagsalubungan niya lang ako ng kilay at tumingin nang may pandidiri sa akin, ang sungit niya.
”Then dalhin mo 'yong box.”
”Para kanino nga pala ito?”
Baka para sa kaniya? May asthma siya, right?
“None of your business,” masungit na sagot niya. Kumuha siya ng push cart at nilagay ko ang kahon doon, “Ikaw ang mag tulak.”
Parang maid niya ako kung makapag-utos siya.
“Mahal ang bayad sa pagkakargador ko ah! Syempre, isipin mo 'yon. May guwapo kang kargador at katulong, suwerte mo naman.”
“Yeah. Whatever,” walang gana niyang tugon na ikinatawa ko.
Pumunta kami sa section ng mga pagkain. Larang aso ako na sumusunod sa kaniya. Tsk! Bakit ko nga ba siya nilapitan? Maybe because I was guilty this whole time dahil sa mga nangyari kanina, I know that it's all my fault kaya nagkaroon ng away between the two girl.
“Hmm..” sa mukha niya pa lang ay parang hindi niya alam kung ano ang mga dapat na bibilhin. “Should I just buy everything in here?”
“What the fvck?! Bilhin mo lang ang kailangan mo,” mas lalong nag salubong ang kilay ko nang hindi niya ako pansinin at nag patuloy lang siya sa pag lagay ng mga mahahagip ng kaniyang kamay.
“Hey! That's enough.”
”What?”
“Hindi natin madadala ang ganito karaming pagkain.”
“Who said na tutulungan kita mag dala? You volunteered to be my kargador, so bear with it.”
“No, tama na ito!”
“Ako ang namimili ng pagkain, I am spending my own money so there's nothing wrong of buying what I want!’
“Hoho! Lover's quarrel”
“Must be nice to be young.”
Natigil kami sa pagtatalo nang makarinig na bulungan sa paligid, nakatingin silang lahat sa aming dalawa.
“Stop it! Spoiled brat,” mahina nang sambit ko. Inirapan niya lang ako pagkatapos ay bumili ng popcorn, ”What are you going to do with popcorn?”
”Dzuh! Malamang, kakainin!”
“I mean, why are you buying it?”
”Para kainin. Pagkain ito kaya kinakain ang popcorn, unless gusto mo gawing panghugas ito ng mga pinggan.”
”Augh! Napaka pilosopo mo,” pikon ko nang sigaw, masisiraan yata ako ng ulo sa kaniya. “Para saan 'yan? Manonood ka ba ng movie theater after this?”
”Kinda,” kibit balikat niyang sagot at ngumisi.
Napailing-iling na lang ako at hindi na pinansin ang popcorn niya. Napanganga pa ako maging ang babae sa cashier nang black card ang binigay niya, masaya siguro maging rich kid.
Halos tatlong box ang dala ko, hindi man lang niya ako tinulungan at tanging popcorn lamang ang dala niya na yakap-
yakap niya nang mabuti, kala mo ay may aagaw sa kaniya.
“Where is that dirty kid?”
“Who?”
Dirty kid?
“Ah, there!”
Natulala ako nang makita ko siyang ngumiti. It was a pure smile without a scent of evilness, which is new to me. Nakatingin siya sa ibang direksyon at tumakbo sa kung saan man.
“Hoy! Bata! Bata!”
Sinundan ko siya ng tingin, nagsisigaw-sigaw siya at patakbong nilapitan ang bata hindi kalayuan sa amin.
“Mukhang paalis ka na, mabuti na lang ay naabutan kita.”
Natigilan ako nang ma-realized ang balak niyang gawin sa pinamili namin.
“Hoy! Anong tinutulala mo diyan?!” salubong na naman ang kilay nito nang bumaling sa akin ang paningin niya kaya agad akong lumapit sa kanila kahit na nahihirapan ako dahil sa mga dala ko.
“Ah, Kuya! Nakalimutan ko na mag pasalamat sa'yo kanina, malaking tulong na rin po ang binigay mo sa akin.”
“Kilala mo siya?”
“Humingi siya sa akin kanina.”
”Anong kailangan niyo nga po pala sa akin?”
”Here!” kinuha niya sa akin ang kahon at inilapag sa harapan ng bata. “Iuwi mo 'yan sa inyo, may medicine na diyan at mga food.”
Pinanood ko ang bawat kilos ni Nisha. Ang emosyong nilalabas niya ay kala mo'y walang pakialam sa mundo, ngunit iba naman ang kilos na ginagawa nito sa sinasabi ng emosyon niya.
”Salamat po Kuya. Binigyan mo na nga po ako ng pera, nag abala ka pa po na mamili.”
“Ahh no, you should thank he--”
“Sa susunod ay 'wag ka nang aasa sa ibang tao! Dapat matuto kang pagsikapan ang kakainin at kabuhayan niyong mag kapatid!”
Nag salubong ang kilay ko, hindi niya tinama ang bata. It looks like I take all the credit. But I saw her other side that no one else know, what a lucky day.
“Iniwan na kayo ng magulang niyo kaya dapat tumayo ka sa sarili mong mga paa, 'wag kang umasa na may tutulong sa'yo lagi.”
“Opo, Ate.”
“You must stay strong for your sibling and for yourself,” bawat salitang binibigkas niya ay madiin na tila pinapaintindi iyon ng maigi sa bata. Walang lambing sa boses niya, hindi katulad sa magandang babae kanina.
“Opo, Ate."
”Sige na, lumayas ka na. Ang baho mo!”
“Hindi niya kayang buhatin mag isa ang tatlong kahon na ito.”
”Aba! Hindi ko na iyon problema, makaalis na nga.”
“You're not going to help him?”
“Don't care."
“Don't worry, tutulungan ko na lang siya buhatin ito at sasamahan ko siya hanggang sa bahay nila.”
“I said, I don't care!” iritable nang sigaw niya na tinawanan ko lang tsaka na siya tuluyang umalis daladala nang mahigpit ang kaniyang popcorn.
“Thank you po, Kuya. Malapit lang naman po ang bahay namin ng kapatid ko.”
“Don't thank me, hindi ako ang bumili nito kun'di ang babae kanina.”
“Po?” gulat na tumingin siya sa akin.
“Hindi ka makapaniwala? Ako rin eh.”
“Hindi ko siya napasalamatan,” malungkot na bumaba ang paningin niya sa lupa. “Puwede po bang pasabi na lang kay ate na salamat?”
“Sure.”
“Ang bait naman po pala ni Ate, hehe.”
“Right…”
Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon dahil ayon sa rumor sa school namin ay masama siya sa lahat, I guess she's not too cruel.
Nang maihatid ko na siya sa kanila ay napansin ko ang maliit nilang bahay na ano man ang oras ay gigiba na kapag tinamaan ng bagyo, nag pasalamat siya sa akin bago na ako umalis.
Nag bike ako papunta sa bahay, nakalimutan ko pa ang pasalubong ko kay Nanay kaya tumigil pa ako sa isang tabi bago nag pedal muli.
Rather than a car, I like bike more. Binili rin ako ni Tito Matthew pero hindi ko naman nagagamit dahil mas gusto ko na mag bike, Tito Matthew is my step-father and Haru's father.
”KYAAAHHHH!” I stop when I hear a girl scream, muntik na itong masagasaan nang sasakyan.
“Oh my gahd!” she's trembling from shocked and fear, itinabi ko ang aking bike at nilapitan ang babae.
That car is familiar, I think it's Haru's car. That asshole!
“Miss! Are you okay?” tinaas niya ang paningin niya sa akin, nabigla ako nang makilala ko ang babae. Siya 'yong magandang babae na nag bigay ng pera sa bata kanina.
“O-Okay lang.”
”Here are your glasses.”
”Thank you.”
“Tsk! Stupid,” sumama ang muka ko sa boses na iyon. “Why the hell are you suddenly crossing? What if nasagasaan kita?”
”B-Bakit ikaw pa ang galit? I-Ikaw na nga ang muntik na makasagasa,” naiiyak nitong sagot, nang makita ko iyon ay galit akong bumaling kay Haru.
“Are you fvcking insane, arsehole?! You should apologize to her, but instead you shouted and insulted her!”
“Why the hell are you here? Don't meddle with my business.”
”No, kapag nalaman ito ni Tito Matt---”
“Shut up,” he gave me a death glare.
”What? Are you afraid to let him know that his perfect son almost ran over a girl?" ngising sambit ko habang nagtatakang papalit-palit ang tingin sa aming dalawa ang babae.
“Fvck off!” iritable niyang sigaw sa akin tsaka bumaling sa babae. ”You! Can you stand up on your own?”
”A-Ah, Oo,” tatayo na sana ito pero hindi kinaya ng kaniyang paa. “A-Aw!” dumaing ito at muling napasalampak sa sahig.
”Of course she can't, moron!"
“Come with me,” tinulungan siyang tumayo ni Haru at hinila siya pasakay sa sasakyan nito na ikinagulat no'ng babae.
“W-Wait, saan mo ako dadalhin?”
“To the nearest hospital,” simpleng sagot nito.
Pipigilan ko na sana si Haru sa paghila sa babae nang may marinig akong pamilyar na boses hindi kalayuan sa direksyon ko.
“Ho-ho! What a gentleman.”
Kunot ang noo kong tumingin sa direksyon kung saan nagmula ang pamilyar na boses, and there I saw Nisha eating popcorn while watching us.
To be continued!