CHAPTER 5.1

1118 Words
SHE is sitting on a bench with her legs crossed while enjoying watching us. “Fvck!” napamura ako sa galit nang pinalamon muna ako ni Haru ng alikabok galing sa sasakyan niya bago siya umalis. “Pfft!” mas lalo akong nairita dahil sa pilit na pag pigil ni Nisha ng tawa hanggang sa hindi na niya nakayanan. “HAHAHAKEKEKE!” humagalpak siya ng tawa, sumama ang muka ko sa mala-demonyo at kontrabida niyang tawa. “Are you done laughing?” ”Not yet...bwahahahakekekeke!” Masama ang mukhang tinabihan ko siya sa bench at kukuha na rin sana ng popcorn pero agad niyang tinapik ang kamay ko at iniwas sa akin iyon. Take note, habang ginagawa niya iyon ay walang tigil pa rin ang pag tawa niya. “That was fun to watch! Kekeke!” tumigil siya sa pag tawa after 3 minutes, gano'n katagal siya kung tumawa. Weird na nga siya, pati pa ang pag tawa niya ay weird rin. “Done?” poker face kong tanong. “Done,” satisfied na ngumiti siya at nag okay sign pa. “So sa simula pa lang panalo na si Haru, while you…” “What?” ”...A looser,” a string inside of my mind snapped in irritation. “Huwag mo nang ipilit dahil sa huli ay talo ka pa rin at sa kaniya pa rin ang huling halakhak. You already lose from the start,” tumatawang litanya nito. ”Weirdo,” bulong ko. “I know right, hohoho!” kumunot ulit ang noo ko sa kakaiba na naman niya na pagtawa, proud pa talaga siyang masabihan na weirdo. “Makaalis na nga!” narinig ko na naman ang kakaibang tawa niya hanggang sa tuluyan ko na siyang naiwan doon. The hell is she?! Crazy and creepy girl. Nisha's POV Nakapagtataka na hindi man lang nila ako napansin noong nasagasaan ni Haru si Soleil, parang may spotlight silang tatlo dahilan para matabunan ang mga extra at antagonist na katulad ko. This is unfair, gusto ko rin ng spotlight. Tsk! Hindi ko dapat isipan iyon, dapat maalis ang negative ko. Napabuga a at pumasok na sa mala-palasyo kong bahay, napangiti ako nang makita ang battler namin at linapitan siya. “Lady Nisha,” saglit na yumuko siya bilang paggalang sa akin. “I need you to go and take care of the boy named Tantan in the supermarket.” “Yes–y-yes?” gulat na tumingin siya sa akin. “Don't make me repeat what I said. You heard me loud and clear, now go.” “Y-Yes, Lady Nisha,” agad siyang kumilos at umalis para gawin ang utos ko. Maraming scholar ang Zelenia Family, hindi naman kawalan sa pamilya kung magdadagdag ako ng scholar at susuportahan si Tantan. Don't get me wrong guys, I am not pitying them or being nice. I am doing this because....because I am bored! Get that? No more questions. “Anong meron?” pagkapasok ko ay nakita ko sila Mommy na nakasuot ng formal attire. “Sweety! Bakit ngayon ka lang? May family dinner tayo with the Griffin family. Hurry up and get dress,” natigilan ako. Oh no! I forgot to tell them na I am against to this fixed marriage. But now that I think about it, It's good na may family dinner kami with the Griffin dahil lahat sila nandoon kaya masasabi ko na nang diretso sa kanila na ‘ITIGIL ANG KASAL!’ like that. ”Okay po,” agad na tumakbo ako papunta sa kwarto ko at mabilis na nag ayos. Nag lip gloss na lang ako dahil wala naman ako na pagpapagandahan doon tsaka baka ma-fall pa sa akin si male lead kaya simplihan lang natin. I just wear a color black skirt and a blouse then bumaba na, for the first time nakita ko na rin ang Kuya ni Nisha. Chase Zelenia, nagta-trabaho na siya sa company namin at simula senior high pa lang ay nakakatulong na sa business ng family namin. He's a fvcking genius, by the way. Nasa salas siya at nakaupo sa single sofa, he looks like a demigod with his black suit na paniguradong lahat nang babaeng makakakita sa kaniya ay mahihimatay sa kaguwapuhan niya. Kung hindi lang siya mean towards Nisha, eh baka maging fangirl na niya ako. “Nisha?! Bakit 'di ka man lang nag ayos or nag suot ng magandang dress. Marami ka naman magagandang dress, anak!” bumungad sa akin si Mommy na salubong ang kilay. “It's okay, Wife. She's still gorgeous whatever clothes she wears,” nilapitan ako ni Daddy nang may ngiti sa kaniyang labi and he kiss me on my forehead that made smile. “No! This isn't like her. I mean c'mon, we all know she likes Haru. At least wear something nice,” nagsisimula na naman sa panenermon si Mommy. Maselan siya basta talaga sa susuotin at make-ups ko. No wonder, she's a fashion designer. “You're not even wearing any accessories!” “Don't mind your Mom, princess,” niyakap ako ni Daddy. “You are beautiful,” then he sweetly said those words to me. ”Fine, whatever! You are my daughter that's why you are beautiful kahit na ganiyan ang suot mo," ngiwing sambit niya, talagang ang laki ng problema niya sa suot ko 'no. ”You should be grateful on my genes, sweety,” my Mom hugged and kissed me in my forehead like what my father did. Nisha is really a lucky girl to have a lovely parents. Sumakay na kami sa karlmann king suv namin. This car is freaking expensive, It cost $1.9 Million! Mas mahal pa ito sa bahay namin sa reyalidad. Buong byahe parang hangin ako na hindi nakikita ni Chase, It feels like he is ignoring me on purpose. I super hate him na, naalala ko na naman kung paanong lagi na nagmu-mukhang tanga si Nisha sa tuwing babatiin siya nito pero tinatapunan lang siya ng tingin ni Chase. Ang problema kasi kay Nisha pinipilit niya ang kaniyang sarili sa taong hindi naman siya gusto kaya sinapit niya ang mapait na ending sa story, sobra siya kung mag mahal na halos wala siyang itinitira para sa sarili niya. Tulad kay Haru at sa kuya Chase niya, lagi niya pinagsisiksikan ang sarili niya sa dalawa. “Tsk!” ang tanga naman kasi niya. “Sweety, may problema ba?” “Wala po." ”Don't worry. I know he will love you back,” kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mommy. “Hindi ka mahirap mahalin, baby. Magugustuhan ka rin niya,” napapoker face ako. Wala akong pakialam sa kaniya at hindi ko gugustuhin na mahalin niya. To be continued!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD