NAKARATING na kami sa mansyon ng Griffin family, sa likod namin ay may nakasunod na black car na mga tauhan ng pamilya ko. Remember? Zelenia family is a fvcking mafia.
Maligayang sinalubong kami ng pamilya ni Haru, nagulat pa si Nyx nang makita niya ako. Hindi pa niya siguro alam na kasama kami sa family dinner nila.
“You are here?” mahinang pagkausap sa akin ni Nyx, hindi kami napapansin ng mga parents namin dahil busy sila sa pagkamustahan. “Ahh! You are engage with Haru, that's why---” pinutol ko ang litanya niya.
“Just for today,” ngising sagot ko na hindi naman niya naintindihan.
“What do you mean? You're planning something?” sinundan namin ang family namin papunta sa dining area.
“Manood ka na lang."
“Where is your son, by the way?” I heard my father asked Tito Matthew, naupo na kami sa harap ng mahabang lamesa.
Parang palasyo ang bahay nila, hindi naiiba sa mala palasyo rin naming bahay. Sa labas pa lang ay ang lawak at ang ganda na, mas lalo na dito sa loob. I think maliligaw nga ako dito kapag naiwan nila ako, one week rin bago ko nasaulo ang pasikot-sikot na bahay namin at may copy pa ako nang blueprint ng bahay namin para siguradong masaulo ko.
“I'm sorry, Garret. He must be somewhere, but I already called him and on the way na siya.”
Nagugutom na ako pero hindi pa rin kami nagsisimulang kumain dahil sa hudas na pa-VVIP.
Naguusap lang ng about sa business sila Daddy kasama si Chase while my mother and Tita Ashley is talking about fashions that I can't even relate to, kaya si Nyx lang ang nakakausap ko.
”Nasaan na ba ang hudas mong kapatid?"
“Hindi ko kapatid ang hudas na 'yon.”
“Talaga? Akala ko magkapatid kayo?” umakto ako na nagulat.
Alam ko naman na hindi talaga sila totoong mag kapatid, alam ko yata ang past and future nang lahat ng character sa story na ito.
“What the hell? Stupid.”
”Parehas kasi kayong hudas kaya I thought na mag kapatid kayo."
“The fvck?!” mas lalo siyang napikon sa tugon ko.
UMABOT nang 30 minutes at sa buong minutong iyon ay puro asaran lang ang ginagawa namin dalawa.
”Bored na bored ka na ba talaga para asarin mo ako ng ganito? Grabe, ang galing mong mamikon.”
”Bakit? Pikon na pikon ka na ba?”
“Yes, can you please shut your dirty mouth?”
“Don't wanna. And fyi, my mouth isn't dirty.”
Galit na tumingin siya sa akin at handa nang sumigaw sa sobrang pagkapikon nang dumating na ang hudas niyang step-brother.
“I am here, sorry I'm late.”
Sorry not accepted!
“Haru! Why did you took so long? Goddammit. Seriously?! This is a family gathering. Your fiancee is waiting for fvcking long, nakakahiya sa pamilya niya!”
‘Kailan pa ako nag hintay sa damuho mong anak?!’ I wanted to say that, but nevermind.
Sigurado rin naman ako na nagpakasaya na ang anak mo kasama si Soleil, pinagamot niya si Soleil at nakipaglandian sa kaniya. Wala naman akong pakialam kung makikipaglandian siya pero sana naman 'wag siyang pa-VVIP dahil naghihintay ang pagkain at ang tiyan ko na kumain. Alam ko na villain ako sa storyang ito pero grabehan lang Author? Ginugutom mo ako.
“It's alright, Matthew.”
No! It's not alright, Mom! Sumama ang mukha ko pero bigla akong pilit na ngumiti nang tumingin sa akin si Mommy.
“My daughter is willing to wait but make sure not to take too long,” ngiting sambit niya tsaka binalik ang tingin kay Haru.
Alam nang lahat na may other meaning pa ang sinabi niya dahil alam nila na si Nisha lang naman ang may gusto kay Haru at ang may gusto ng kasal na ito.
“Take your seat, Iho.”
Maids started to serve us the food that made me smile, finally. Kanina pa ako nagugutom dahil sa hudas na pa-VVIP kala mong artista eh, pasignature nga hudas. Hindi ko na naintindihan ang usapan nila dahil natuon na ang aking attention sa pagkain, sunod-sunod ang pag subo ko without knowing na pinangdidilatan na pala ako ni Mommy.
”Aw!---pfft *caugh!*”
Hindi ko malaman kung anong uunahin ko, kung ang paa ko bang nasaktan sa pagkakasipa ni Mommy o ang dibdib ko na nahihirapan na makahinga dahil sa pagkakabilaok. Ang taas rin ng takong ni mommy pamatay.
“My gahd! Sweety, here,” mabilis na kumilos si Tita Ashley at binigyan ako ng water tsaka inis na bumaling sa hudas niyang step-son. ”Haru! Nabibilaukan na ang future wife mo pero kalmado ka pa rin diy---” kung kanina ay nabilaukan ako, ngayon naman ay nasamid ako sa tubig dahil sa pinagsasabi niya.
“What the…” narinig ko ang mahinang salita ni Haru sa gilid ko, may binigay siya sa aking panyo at iritableng tinatapik ang aking likod ko. ”Tsk, fvcking clumsy.”
“Fvcking moron,” bulong ko rin na tanging siya at si Nyx lang ang nakarinig.
Todo pigil sa pag tawa si Nyx, napangisi ako. Nag high five kaming dalawa ni Nyx sa baba ng table, nagkakasundo kaming dalawa.
”Awww… so sweet,” napangiwi ako sa sinabi ni Tita Ashley habang pinupunasan ang bibig ko.
“Pfft!” narinig ko na naman ang pigil na pag tawa ni Nyx kaya sinamaan ko siya ng tingin pero natigilan ako nang nag vibrate ang phone ko at nakatanggap ako ng message mula kay Mommy.
From: Mommy
You're dead when we get home! Parang hindi ka babae, you don't have a class!
Napanguso ako sa nabasa ko, nang iangat ko ang aking paningin kay Mommy ay pinandilatan na naman niya ako ng tingin.
“Sorry, tuturuan ko ulit siya ng manners pag uwi n--”
“No, It's okay Akesha. She's actually cute,” napangisi ako then I flipped my hair.
“Hey,” mahinang pag tawag sa akin ni Nyx. “Hinay-hinay lang sa pagkain, hindi ka mauubusan,” natatawang sambit niya.
“Pakialam mo ba? Sino ba ang chef niyo dito? Pakilala mo nga ako.”
“Sure, after this dinner."
May sasabihin pa sana ako pero siniko naman ako sa kabila ni Haru.
“What?” masama ang mukha ko na baling sa kaniya.
“Eat.”
“Hmp!” Kakain talaga ako.
Busy ako sa pagkain at hindi nakikinig sa pinaguusapan nila nang tawagin ako ni Mommy at mapansin ko na nakatingin silang lahat sa akin.
“Right, sweety?” ngiting tanong sa akin ni Mommy.
“Yeah, right!" sagot ko na lamang kahit na hindi ko alam ang pinaguusapan nila.
“Then that's settled,” masayang sambit ni mommy at ngiting tumango-tango lang ako. “Ikakasal kayo next month,” tsaka lamang ako natigilan sa sunod niyang sinabi.
To be continued!