“Sino ang mauuna sa inyong dalawa?” tanong niya. Magsasalita na sana ako pero naunahan na ako ni Chelsey. “Me,” desidido niyang sagot. Salubong ang kilay ko na napatingin sa kaniya pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at humakbang na papunta sa battlefield. Gusto ko siya pigilan pero alam ko na hindi siya magpapaawat, isa pa gusto ko ang nakikitang desidido sa kaniya. Alam niya ang posibleng mangyari sa kaniya pero nag patuloy pa rin siya ng walang takot na pinapakita sa kaniyang mukha. “You can do this,” I whispered. May sumampang lalaki sa battlefield na siyang kakalabanin ni Chelsey. “READY?!” nag salita ang referee na nasa pagitan nilang dalawa. “GO!” bumaba sa battlefield ang referee. Ngumisi ang lalaking kaharap ni Chelsey, matapos ang ilang segundo ay humakba

