Phanter's POV
Kanina pa ako nandito sa torture room kasama si Kirv, nasa harapan namin ang lalaki na puno ng dugo habang nakatali siya sa upuan. Inip na nakatayo ako habang nakasandal sa pader, sumama ang mukha ko sa lalaki habang lumilipas ang minuto.
“Ang tigas ng ulo mo. Mag salita ka na,” sambit ni kirv.
Nararamdaman na niya ang pagkainip ko kaya iritable na itong nakatingin sa lalaki.
“Patayin niyo nalang ako, hinding-hindi ko ipagkakanulo ang organisasyon na kinabi-
bilangan ko.”
Imbis na magalit si Kirv sa sagot ng lalaki ay natuwa pa ito tsaka masayang nilagay sa ulo nito ang electricity dahilan para makuryente siya, nakaupo siya sa parrilla torture.
“AAAAHHHHRRR!” malakas na dumaing ito pero tinawanan lang siya ni Kirv, he really enjoys torturing people.
“Sige, 'wag ka mag salita. Papahirapan muna kita bago kita papatayin,” malokong ngumisi ito at patuloy na sinasaktan ang lalaki.
Nakapasa sa second test sila Nisha pero sigurado ako na nanghihina silang dalawa sa gutom, kahapon pa sila hindi nakakakain at tanging tubig lang ang pumupunan sa tiyan nila.
Gustuhin ko man sila na dalhan ng pagkain pero hindi pupuwede, ako ang leader ng BPU. Pero hindi naman siguro masama kung pupuntahan ko siya, Isa pa ay nasa dungeon na rin naman ako.
Nilipat ko ang aking paningin kay Kirv.
“Don't let him die until he spills everything,” malamig kong utos sa kaniya na masayang tinanguan naman niya tsaka ngising bumaling ulit sa lalaki.
“You better spill everything bastard, tho mamamatay ka pa rin kahit na naisiwalat mo na ang lahat. Ang pinagkaiba nga lang ay unti-unti kang mamamatay habang segu-
segundo ka na makakatanggap ng sakit,” tinalikuran ko na sila.
“Choose asshole! Do you me to kill you or do you want to die slowly?” hanggang sa tuluyan na ako nakalabas sa room.
“AAHHHHRRR T-TAMA NA P-PLEASE! PATAYIN MO NA LANG AK----AAAAHHHCCKK!” hanggang sa makababa ako ng first floor ay rinig na rinig ko pa rin ang boses no'ng ugok habang matinding dumadaing ito.
Malalaki ang hakbang ko hanggang sa makarating na ako sa pinagkulungan kay Nisha at sa kaibigan niya.
There, I saw her sleeping peacefully. Sa kabila ng mga daing na naririnig sa paligid at sa hinihigaan nito ay mapayapa pa rin siyang nakatulog. Ibang-
iba siya sa dating Nisha na nakilala ko, maarte ang dating Nisha. Hindi niya hahayaan ang kaniyang sarili na matulog sa matigas na papag, wala pang sapin at ni-unan. Ang dumi at maalinsangan rin ang kulungan nila.
Ang dating Nisha ay hindi makakatagal nang hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw, mabilis rin siya sumuko, hindi niya alam at kaya gumamit ng sandata o ano man na pisikal na ginagamit dahil mabilis siya mapagod.
She's too girly, hindi siya makapapayag na hindi naka-
make up. Matapobre siya at makasarili. She's germaphobic, ayaw niyang hindi nakakaligo. Hindi siya basta-basta nakakatulog sa kung saan, at hindi siya nagpapahawak sa kung sino man. Hindi siya nakikipag kaibigan sa mga lame at nerd, lapitan lang siya ng pulubi ay lalayuan na niya agad ito.
Siya ang babae na pinaka-
kinaaayawan ko sa lahat dahil sa masamang ugali niya, but now she's different from Nisha Zelenia that I know.
Nagsimula niyang mapansin ang hindi niya pinapansin noon. She noticed me. Hindi nag bago ang pagiging mean at bad girl niya.
But something is different from her and the more na lumalapit siya sa akin, the more na may kakaibang nararamdaman ako para sa kaniya. Alam ko ang kakaibang pakiramdam na ito, hindi ako tanga para hindi ito malaman.
Umiiwas ako pero pilit siyang lumalapit and now she's here in my headquarter, ang kulit niya.
I can't stop to smile while looking at her ngunit nang bumalik ako sa reyalidad ay agad ko rin pinaalis ang ngiti sa aking labi, saktong tinawag ako ni Olivia.
“Why the hell are you here?” hindi ko napansin ang presensya niyang palapit sa akin.
“None of your business,” malamig ko na tugon tsaka na nag lakad paalis, agad naman siya sumunod sa akin.
“Chase is here. He wants to watch her sister's test for tomorrow,” habol sa akin ni Olivia.
Nagtataka na siguro siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi ang kapatid niya, he expects na sa unang test pa lang ay magku-quit na siya at uuwing luhaan sa kanila pero mukhang hindi iyon ang mangyayari.
Nisha's POV
Nanaginip ako.
I was in the deep ocean and drowning.
When I look at myself, I am back when I was still a kid as Angel. It's like nag balik ako sa pinakamasakit na araw, no'ng nalulunod ako at walang nakakapansin sa akin dahil busy sila sa pag kanta ng happy birthday sa kapatid ko.
Alam ko na panaginip lang ito pero ang sakit lang bumalik sa araw na ito, ayoko dito. Gusto ko na gumising.
Hanggang sa may lalaki akong nakita na tumalon at lumangoy papunta sa direksyon ko.
Wala pa man sa akin pero naka-extend na ang kamay niya na parang inaabot ako, tulad no'ng dati ay hindi ko pa rin makita ang mukha niya pero no'ng palapit na siya ng palapit sa akin ay unti-unti ko nang nakikita ang kaniyang mata. His eyes is color sky blue, malapit ko na siya makita.
“AAAHHHHMMMP!” nagising ako dahil sa malamig na tubig na sinaboy sa akin, maging si Chelsey ay gulat na napasigaw.
“PUTRAGIS!” sigaw ko sa galit.
Makikita ko na siya eh, makikita ko na ang nagligtas sa akin noon pero punyeta.
“Wake up bitches,” ngiting pag bati sa akin ng babaeng masarap himurin ang mukha, mukha kasi siyang libag.
“Salamat sa paggising,” sarkastikong sambit ko, ang sakit ng lalamunan ko kaya iritableng tinaas ko ang aking paningin sa babae. “Wala bang tubig?” binigyan niya ako ng bote ng tubig tsaka si Chelsey kaya mabilis ko na ininom 'yon.
Putcha! Sobrang gutom na ako, puwede ko nang lamunin ang babaeng ito dahil sa gutom pero ayoko dahil nakakadiri siya. Tinayo na kami ng dalawang tauhang lagi niya kasama at tulad kahapon ay nilabas nila kami mula sa punyetang dungeon. Hapon na rin no'ng ginising nila kami kaya nakabawi ako ng lakas, although nagugutom na talaga ako.
Ano naman kaya ang sunod nilang ipapagawa? Hirap-
hirapan naman nila dahil masyado ako nadadalian sa mga nakaraang araw na test nila.
Charr! 'Yong totoo lang, gusto ko na patayin ang babaeng kasama namin ni Chelsey sa sobrang hirap ng mga test na binibigay nila sa amin.
I never experience this before. 'Yong pagkababa na pagkababa namin sa daong ay sinalubong na agad nila kami ng baril. 'Yong matutulog ka nang puno ng mga insekto sa paligid at mararam-
daman mo na lang na gina-
gapang ka na pala ng ipis na si antonio. 'Yong mangha-hunting ka ng usa tapos iba ang kakain. 'Yong matutulog ka na ang maririnig mo ay puro sigaw na daing ng mga nasa kulungan. 'Yong manatili ka dito sa isla na alam mong may posibilidad na mamatay ka.
Ganiyan ang na-experienced ko sa dalawang araw pa lang na pananatili ko dito, ang dami kaagad na binigay nilang pahirap sa amin.
Hindi dapat Z Island ang pangalan ng isla, kun'di Doom Island. Mukhang nasisiyahan pa ang mga gago na pahirapan kami lalo na ang babaeng iyon na masarap i-salvage, kilala niyo na kung sino ang babaeng impakta na tinutukoy ko.
“Hapon na pala. Ang tagal natin nakatulog,” ani Chelsey.
Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at nangunot ang noo ko nang makita ang nasa isang daan yatang tauhan na nag pulong sa harap ng battlefield, isang lalaki at isang babae naman ang naglalaban doon at wala silang sandata na hawak.
Nakakamangha ang laban nilang dalawa, pareho silang malakas at mabilis ang kilos. Pareho na rin silang duguan pero patuloy pa rin ang laban nila hanggang sa mahulog sa labas ng ring ang babae.
Kahit na natalo 'yong babae ay hindi ko pa rin napigilan ang mamangha sa kaniya, babae siya pero nagagawa niya na makipag sabayan sa lalaking iyon. Take note, malaki pa ang katawan ng lalaki.
Hanggang ngayon ay naka-
maskara pa rin ang lahat, liban sa amin dalawa ni Chelsey kaya naman hindi namin kita ang kanilang mukha. Kaya siguro sila nakamaskara ay para protektahan ang identity nila, and since nakapasok kami dito sa isla ni Chelsey kaya sila nakamaskara.
“Get ready. The test will begin,” hindi ko pinansin ang babaeng nakamaskara na masarap sipain ang mukha.
Nag lakad na kami palapit sa battlefield kung saan nagtitipon ang lahat, humati pa sila sa gitna para padaanin kami ngunit may angas sa kanilang mukha. Paano ko nakikita ang emosyon nila gayong nakamaskara sila? Half lang naman ang maskara nila kaya kita pa rin ang mata at ang kanilang labi.
Pinaliwanag niya sa amin ang test bago mag simula. Ang test ay kailangan namin talunin ang kalaban namin sa battlefield pero kapag natalo kami ay alam niyo na ang mangyayari, uuwi kaming luhaan o hindi na kami sisikatan ng araw. Wala silang pakialam kahit ako pa ang anak ng boss nila, kaya nila ako patayin o si Chelsey ang papatayin nila at ako ang mag isang uuwing luhaan.
To be continued!