CHAPTER 30

1732 Words
Phanter's POV “She survived?” ngising tanong ni Kirv na tinanguan ko lamang. Siya ang unang pumasok dito sa CCTV control room kung saan namin napapanood ang lahat ng kilos sa labas at dito sa loob, nag sunudang pumasok ang lahat ng miyembro ko at naupo sa kani-kanilang upuan. “See? She won't die just because of a mere insect,” ngiting sambit ni Maureen. “Seriously? 'Yong test with the insect yata ang pinaka madali na nakita ko. Are you really giving her a hard time?!” ayan na naman ang iritableng boses ni Olivia. Simula no'ng malaman niya na planong sumali ni Nisha sa BPU ay buong mag damag na siyang badmood. “That's one of her weakness,” tanging sagot ko. “C'mon babe, stay out of his business. Siya ang nag dedesisyon sa lahat,” lumapit naman si Kirv sa kaniya at hahawakan na sana ang kamay nito pero inis na umiwas sa kaniya si Olivia. “Why don't you focus on me baby?” “Ew. Lumayo ka nga sa akin and don't call me babe or baby, kadiri ka.” “What's your next test?” natigil sa pagtatalo ang dalawa nang mag salita si Clark tsaka sila napatingin sa akin. Nisha's POV Hinihingal na tumatakbo kami ngayon ni Chelsey sa mga malalaking puno, parang nasa gubat na rin kami. Hindi pa man nila kami pinapakain ay sinabak na kaagad nila kami sa pangalawang test, pinamili nila kami ng sandata bago pinasok dito sa gubat. Ang pinili ko ay archer, baril naman ang kay Chelsey. Ang sunod na test na binigay nila kasi sa amin ay hunting, kailangan namin makahuli ng usa bago lumubog ang araw. Kapag hindi pa rin kami nakakabalik sa headquarters sa oras ng pag lubog ng araw nang walang dalang usa ay out na kaagad kami, hindi na kami makakasali sa BPU. Mabuti na lamang ay marunong ako gumamit ng archer, back when I am outside of this novel ay kasali ako sa club ng archery at ako ang mvp kaya naman natuto ako gumamit ng pana. Ito na ang araw na magagamit ko ang aking skills, sisiguraduhin ko na may dala kaming usa bago lumubog ang araw. Ilang oras na rin kaming naglalakad sa gubat ngunit wala pa rin kaming usa na nahuhuli, sobrang maiilap nila at mukhang kokoonti lang ang usa na nandirito. “Chelsey, you can drink this,” inabot ko sa kaniya ang natitirang tubig sa akin. Alam ko na nanghihina na siya. “H-Hindi, ikaw ang uminom niyan. Kailangan mo ng l-lakas.” “Huwag ka na makipag talo sa akin, uminom ka.” Wala siyang nagawa kundi sundin ako, ininom na niya ang tubig hanggang sa maubos ito. Koonti na lang rin naman ang natitirang tubig kaya hindi na ako umaasa pa na may matitira doon para sa akin. Nag patuloy na ulit kami sa paglalakad hanggang sa matigil sa paglalakad si Chelsey at marahang siniko ako. “Look,” mahinang sambit niya kaya sinundan ko ang tingin niya at nakita ang dalawang usa na busy sa pagkain, hindi namamalayan ang aming presensya. “Great,” ngiting sambit ko at sabay kami na nag tago mula sa puno. I gave her a sign to get ready, and she nodded. Tinaas na niya ang hawak niyang baril, nakatutok sa 'di kalayuang usa habang ako naman ay lumuhod at sinentro ang pana ko sa isa pang usa, dalawang pana ang kakailanganin ko para mapatay ang usa. Bumilang ako ng tatlo. “Go...” I whispered, that's her signal. Sabay namin pinakawalan ang bala namin, rinig na rinig ang baril ni Chelsey. Tinamaan ang target niyang usa sa paa pero sa pangalawang pag putok ng baril ay dumaplis ito kaya iika-ika na nakatakbo ang usa. “s**t!” asik ni Chelsey. Hindi na ako nakapag salita pa nang mabilis na tumakbo siya para habulin ang target niyang usa. Habang ako naman ay nasapul ko ang target kong usa, dalawang pana ang sabay na pinakawalan ko at tinamaan ito sa katawan niya dahilan para bumagsak siya sa lupa. “I will wait for you here, Chelsey!” sigaw ko sa papalayong bulto niya hanggang sa mawala na siya sa aking paningin. Hindi ako sigurado kung narinig niya ba ako pero hindi na ako susunod pa sa kaniya dahil baka magkasalisihan pa kaming dalawa kaya maghihintay na lang ako dito. Lumapit ako sa usa at naupo sa tabi niya. It's a girl and I bet she have a family since mukhang mommy siya, ang amo rin ng mukha no'ng usa. I just killed an animal pero okay lang 'yon, pinag-iisipan ko nga kung anong klaseng luto ang gagawin ko sa kaniya. “MWAHAHAHAKEKEKE!” tumawa ako ng mala-demonyo at para matanggal ang pagkainip ay kinausap ko na lang ang patay na usa. Chelsey's POV “s**t!” I let my target run, kailangan kong mahuli ang usa. I don't want to get Nisha disappointed, I need to be brave. Aaminin ko na natakot ako sa umpisa no'ng inamin niya sa akin na mafia ang pamilya niya, gusto ko umurong pero kasunod no'n ay nag salita ang kabilang isip ko. She helped me. I got this feeling that everything will be fine as long as I am with her. I know I signed with the devil but what can I do when she promises my happiness? Tinulungan niya rin ang mga magulang ko at nagkaroon sila ng mas maayos na trabaho kaya unti-unting bumabangon sa hirap ang aking pamilya, may business na minamanage si Nanay na pag-aari ng pamilya niya. Puro hirap ang dinanas namin, ang dami namin utang at hindi kami pinapatahimik ng mga inuutangan namin hanggat hindi kami nakakabayad. My times pa na napakulong si Tatay at si Nanay nang mga inutangan nila kaya naman kinailangan ko na mag trabaho para tumulong sa mga magulang ko at suportahan ang aking sarili. Ngayon ko lang naranasan ang maginhawa na buhay. Masaya ang karangyaan na ito at habang tumatagal ay ayaw ko nang bumalik sa dati, sa dating kahirapan. Alam ko na kapag nagkaroon ako ng connection kay Nisha ay maituturing na rin ako na mafia. Dati sa mga internet ko lang nalalaman ang mga ginagawa ng mga mafia, may p*****n, may torture, drugs, money. Pero wala na akong pakialam, gusto ko ang buhay na karangyaan at makukuha ko at ng pamilya ko iyon kung sasama ako sa kaniya. I will be loyal to her, and even a loyal friend to her. Sa ilang araw rin kasi na pagsasama namin ay lumalambot ang loob ko kay Nisha, kung kikilalanin mo siya ay malalaman mo na puro chismis lang ang tungkol sa kaniya. Mabait siya sa mga mabait sa kaniya, maging mabait ka lang sa kaniya ay susuklian ka rin niya ng kabaitan. 'Yon ang natutunan ko sa ilang araw na pakikisama ko sa kaniya. Kaya ko humawak ng baril para sa kaniya at iba pang sandata. Maaawain at iniiyakan ko pa dati ang mga hayop noon pero kaya ko mag hunting makapasok lang sa standards niya at makasali rin sa BPU. That's why I will do my best! Kinasa ko muli ang hawak kong baril nang maabutan ang usa na bagsak na sa panghihina at pinutok ang baril na hawak ko. Malakas na umalingawngaw sa gubat ang tunog ng baril at tinamaan ang usa, nang lapitan ko na ito ay wala na siyang buhay. Napangiti ako nang sa wakas ay natapos rin ako, ang kailangan na lang namin gawin ay bumalik sa headquarters. “Oh, fvck!” malutong na napamura ako nang mapansin na palubog na ang araw. Nagmamadali ko na tinali ang mga paa ng usa at hinila ito, pagkatapis ay nagmamadali na tumakbo papunta sa kung saan ko iniwan si Nisha. Nisha's POV Nakagat ko ang ibabang labi ko sa pagkainip at tumayo, tumingin ako sa paligid pero wala pa rin ako nakikitang Chelsey sa paligid. “Bakit ang tagal niya?” tumaas ang paningin ko sa langit. “Fvcking hell,” malapit na lumubog ang araw. “Nisha! Let's go!” nanlaki ang mata ko nang makita si Chelsey na tumatakbo habang hila-hila ang usa niya. “HAH...” napangiti ako at nag simula na rin tumakbo hila-hila ang usa na tinali ko. “HAHAHAKEKEKEHAHA!” parang loka-loka ako na tumawa, maging si Chelsey ay malakas rin na tumatawa habang sabay na kaming tumatakbo. “HELL YEAHHH!” sigaw ko pa sa saya na nararamdaman ko. Saktong pag lubog ng araw ay ang pag dating namin sa headquarters, halos lahat yata ng tauhan ay nandito sa labas at naghihintay sa amin. Lahat sila ay napangisi nang makita kami na daladala ang usa. “You two made it,” ngising sambit ng babaeng matagal ko nang gustong kalbuhin. “I know right!” proud kong tugon. Kinuha na ng isang lalaki ang dalawang usa na hinuli namin at niluto iyon, mukhang tapos na rin sa training sila at oras na ng dinner kaya nakaupo na sila sa tatlong mahabang table habang may bon fire naman sa paligid. Pagkabalik na pagkabalik rin namin ay kinulong na ulit kami sa selda namin. “Hey! Can't we eat a food?! We're seriously hungry!” galit kong sigaw sa babaeng masarap lamunin ng buhay. “Nope.” “At least give us water!” “Here,” pabato niyang binigay ang dalawang bote ng tubig na sinalo naman ni Chelsey kaya nagmamadali namin iyon ininom hanggang sa wala nang matira. “We don't want to see insects anymore,” nag salita si Chelsey. “Huwag kayong mag alala, makakatulog kayo ng mahimbing ngayong gabi. Utos 'yon ni leader,” sagot niya bago na siya tuluyang nakaalis kasama ang dalawang pesteng tauhan. Nakahinga ako ng maluwag, sa wakas makakatulog na rin kami ng maayos. Kapag hindi pa nila kami pinatulog ngayong gabi ay baka mamatay na kami sa pagod, puyat, at gutom. Kumakalam na rin ang sikmura ko sa gutom pero napupunan ng tubig ang gutom ko kaya makakatulog naman ako ng walang pinoproblema, nahiga kami sa matigas na papag without pillow or kumot man lang. “AAAAHHHRRRR!” Napabuntong hininga ako nang makarinig na naman ng malakas na daing sa second floor nitong kulungan, hindi na bago sa akin ito dahil tuwing gabi ay lagi kami nakakarinig ng pag daing pero dahil sa pagod ay mabilis rin kami na nakakatulog. To be continued!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD