NAG simulang sumigaw sa takot si Chelsey at sabay kami na napatayo para alisin ang mga insekto sa ulo at katawan namin, nang maalis ko na ang mga insekto sa katawan ko ay tinulungan ko naman si Chelsey.
“KYAAAHHH!” patuloy pa rin ito na sumisigaw at pilit na tinatanggal ang mga insekto sa ulo't katawan niya.
Nang matanggal ko na ang mga insekto sa kaniya ay nagtatalon naman kaming dalawa dahil marami rin palang insekto sa lapag namin.
“HAH...” kumakalabog ang puso ko at namumutla na rin ako sa sobrang takot, hindi ko na magawa pang sumigaw sa sobrang takot ko.
I have a phobia on insects. Bata pa lamang ako no'n at mahimbing ang tulog ko nang may mga insekto ako na naramdaman sa paa ko, when I open my eyes puro insekto ang kwarto ko. Hindi ko magawang lumabas ng kuwarto dahil naka-lock ang pinto.
Naka-lock ang pinto dahil grounded ako, inasar ko kasi ang kapatid ko. Sumigaw ako at humingi ng tulong pero walang nakakarinig sa akin hanggang sa mag umaga na. Ang kapatid ko ang nag bukas ng pinto, kaya pala wala sa akin nakakarinig dahil namasyal ang mga magulang ko kasama ang kapatid ko.
“N-Nisha?! Okay ka lang ba?!” nag aalala na nilapitan ako ni Chelsey pero hindi ko magawang mag salita at tumingin sa mata niya.
“Hah...haaah...”
Nakagat ko ang aking ibabang labi nang sumabay pa ang hika ni Nisha, may asthma siya and since nasa katawan niya ako ay malamang makakaramdam ako ng hika niya.
“Amp...”
Mabuti na lang ay dala ko ang nebulizer para sa asthma ko, habang tumatalon ako ay ginagamit ko ang nebulizer pero ayaw pa rin tumigil ng hika ko, nahihirapan ako huminga at ramdam ko na rin ang pawis ko.
“NISHA!” sumigaw na si Chelsey.
Naramdaman ko ang panghihina ng aking katawan at ilang saglit na lang ay mawawalan na ako ng malay pero nilabanan ko iyon pagkatapos ay humawak sa kamay ni Chelsey bilang pang-
suporta dahil baka bumagsak na ako.
“O-Okay lang ako. I am Nisha Zelenia, right?”
Pilit ako na ngumiti at pinilit ko na pigilan ang iyak ko, mabuti na lamang ay nagtatagumpay ako pero mukhang hindi ko na nako-convince si Chelsey dahil ang tingin niya ay puno ng pagaalala sa akin.
“Listen Chelsey, hindi ako mamamatay sa insekto lamang. So stop worrying about me,” ngumisi ako at mula sa pandalawahang higaan ay hinila ko si Chelsey papunta doon para hindi kami maabot ng insekto, may ilang nakakaabot sa amin pero agad iyon hinahataw ni Chelsey at hinuhulog sa baba.
Looks like their test is starting without us knowing.
Insekto? Seriously? Ito ang unang test nila sa amin? Hindi ito nakamamatay at hindi rin ako mamamatay dahil sa takot mula sa mga insekto, malalampasan ko ito.
Siguradong pinapanood nila kami ngayon kaya tumingin ako sa paligid para hanapin ang CCTV, napangisi ako nang mahanap iyon mula sa taas. I raised my middle finger and made a smirk to tell them to ‘Fvcking bring it on!’ like that.
Na-imagine ko tuloy ang asar nilang mga mukha, ang gusto nila ay makita ako na umiiyak at mag quit pero hindi ko hahayaan na mangyari iyon.
“Chelsey, tatagan mo ang loob mo,” I said without fear.
“Mmm!” tangong sagot niya at sa isang iglap ay nawala ang takot sa kaniyang mukha.
Malalampasan ko ito...
Panther's POV
I clenched my fist when I saw her attacked by her asthma, nahihirapan siyang huminga at namumutla na rin siya sa takot.
I am her guardian and I know her weakness, one of her weaknesses is insects. Sa ilang taon na pagbabantay ko sa kaniya ay kilalang-kilala ko na siya.
One day she collapsed because of a one single insect in front of her, nagkasakit rin siya dahil sa sobrang pagkatakot sa insekto.
I can't watch her suffering, so I close my eyes. Alam ko na sobra ang takot niya ngayon, dati kasi nakakasigaw pa siya pero ngayon ay hindi na niya magawang sumigaw sa takot.
“NISHA!”
Binuksan ko ang mata ko at napatayo mula sa kinauupuan ko nang makita ang panghihina niya, hindi ko na napigilan ang sarili ko at handa na sana mag lakad papunta sa kaniya nang pigilan ako ng mga miyembro ko.
“Where the hell are you going, Panther?!” alertong napigilan ako ni Olivia na parang inaasahan na niya ang aking kilos, Olivia Celestine is one of my member.
“She's suffering. I need to save her,” bubuksan ko na ang pinto pero nag salita na naman siya.
“What the fvck?! Stop, Panther!” galit nang pigil sa akin ni Olivia, hinawakan niya ang kamay ko at ramdam ko ang matulis na kuko niya sa akin kaya agad kong iniwas ang kamay ko sa kaniya.
“I am her guardia–”
“Enough, Panther! Alam niya na mahihirapan at masasaktan siya pero pinili pa rin niya na pumunta dito. This is not the right time to save her! She needs to learn her lesson, BPU is not a playground. Chase gave us permission to give her a hard time,” mahabang litanya naman ni Maureen.
Maureen Dauntless is one of my members.
“She won't die with just a mere insect. Calm down,” nag salita na si Clark.
Clark Ledezma, one of my members and a man of few words.
“Look at her,” sambit naman ni Kirv na may malokong ngiti. Kirv Ledezma, one of my members and a casanova.
Asar sila na nakatingin sa harapan kung saan napapanood namin ang lahat ng kilos nilang dalawa, nang binalik ko na ang paningin doon ay nag salubong ang kilay ko.
“She have the guts to curse us,” nakangising nakatingin sa CCTV si Nisha habang naka-middle finger, alam na niya na nagsisimula na ang test niya.
“Akala ko ba takot siya sa insects? Pinagloloko mo ba kami para hindi siya mahirapan?” iritableng tanong ni Olivia.
“No, she really is scared. But she's hiding it,” sagot ni Clark nakatingin ng maigi sa screen, hanggang ngayon ay namumutla pa rin si Nisha. “Looks like her friend isn't scared anymore,” napatingin kami kay Chelsey na siyang tumataboy sa mga insekto na umaabot sa kanila.
“Should we move to the next test?” ngiting tanong ni Maureen nakapangalumbaba habang nanonood sa screen.
Nanliit ang paningin ko kay Nisha. “No. Bukas ang susunod na test,” I should trust her.
“Bukas pa pala. Matutulog muna ako,” Kirv yawn before leaving the room.
Lumipas ang ilang minuto ay lahat na ng miyembro ko ay tulog na pero ang mga mata ko ay nasa screen lang at binabantayan sila.
Nisha's POV
Hindi kami nakatulog ni Chelsey kaya naman pag tayo ko ay umiikot pa ang paligid ko sa hilo, napahawak rin ako sa sintido ko sa pag sakit ng aking ulo.
Bumukas ang selda namin at bumungad sa amin ang dalawang tauhan kagabi at ang babaeng nakamaskara na masarap balatan ng buhay, mukhang nakatulog ito ng maayos at talaga namang nakangisi pa ito sa amin dalawa ni Chelsey.
Pinainom niya lang kami ng tubig pero sapat na iyon para bumalik ang lakas namin hanggang sa hinatak kami ng dalawang lalaking tauhan paalis sa selda, madiin ang hawak nila sa braso ko dahilan para mamula iyon sa sakit.
Habang naglalakad kami ay tsaka ko lamang nakita ang loob ng bawat selda, sa loob ng kulungan ay may mga taong duguan at nanghihina na parang hinihintay na lang nila ang kaniyang kamatayan. Kaya pala maalinsangan dito sa kulungan dahil sa dugo ng mga taong nakakulong, parang bumaliktad ang sikmura ko sa mga nakikita ko pero pinigilan ko na ipakita sa kanila iyon.
Hanggang sa makalabas na kami sa tila dungeon na lugar. Sabay na napapikit kami ni Chelsey dahil sa liwanag sa labas, nang masanay ang mata namin sa liwanag tsaka lang kami nakakita ng ayos.
Kung kagabi ay walang katao-tao kami nakita, ngayon naman ay maraming tent na nakalatag sa puting buhanginan. May mga tao rin na nagte-training pero lahat sila ay naka-maskara pa rin. Nakakarinig ako ng pag putok ng baril at halos lahat ng mga tauhan ay asintado maging ang mga archer, there are battlefield too na tanging mga tauhan ang naglalaban, may mga kabayo rin silang sinasakyan. Ang ingay sa paligid ngunit lahat ay nagkakasiyahan habang nag
te-training.
Nisha Zelenia should see this, ito ang sinayang niya kapalit sa pagsunod lamang kay Haru. Hindi niya nakita ang mga tauhan ng nila na siyang pumoprotekta sa kaniya at maging sa kaniyang pamilya.
“Makakausap ko na ba ang leader niyo?” tanong ko sa babaeng masarap ilibing ng buhay.
Oo, ganiyan ako kagalit sa kaniya. Alam ko naman na sinabi ni Chase na 'wag ako bigyan ng special treatment pero wala naman silang dahilan para pagsungitan ako o pagmalditahan. Buti sana kung bagay sa kaniya ang mag maldita, ang kaso ay parang kabayo ang kaniyang mukha. Ang pagmamaldita ay para lang sa mga magagandang tulad ko, hindi para sa kampon ng mga kabayo.
“Our leader does not want to talk to you.”
“Naniniwala ka na ba na ako si Nisha Zelenia?”
Tumaas ang isang kilay niya at natawa ng mapangasar sa akin.
“Patunayan mong ikaw nga ang babaeng anak ng boss namin. Makakapasa ka lang sa mga test kung totoong nananalaytay sa'yo ang dugo ni boss,” I expected this. Well okay lang naman sa akin, I should take an action to make them acknowledge me.
“Ano man ang test na 'yan ay makakapasa kami, right Chelsey?” ngiting baling ko kay Chelsey.
“Mm,” ngiti rin na tango nito. “So what's your next test?” mapang-
hamon pa nitong sambit. 'Yan ang gusto ko sa kaniya dahil hindi niya hinahayaan na mapag-iwanan ang kaniyang sarili, she's a hard worker.
To be continued!