CHAPTER 28

1878 Words
KUNG tinatanong niyo kung anong nangyari kay Lorraine, suspended siya ng ilang araw. Nalaman ko na buong nag damag rin pala siya na nakatali sa puno ng patiwarik, namumutla tuloy siya at dry ang labi niya dahil sa uhaw at gutom kaya naman dinala siya sa hospital. Kung hindi pa dito dumating ang parents niya at magmakaawa na palayain ko ang kanilang anak ay baka hanggang ngayon ay nakabitin patiwarik pa rin ang gagang iyon. Anyway, ang layo ng hideout ng BPU kaya kinailangan pa namin um-absent ni Chelsey ng limang araw dahil siguradong matagal kami na magi-stay dito. Alam ko na pahihirapan nila ako bago makasali sa BPU. Ilang beses ko rin na tinanong si Chelsey kung sigurado ba siya na sasama siya sa akin dahil una sa lahat ay delikado ang gagawin namin. Pangalawa ay ngayon lang siya um-absent just to follow me, pero seryoso talaga siya kaya hinayaan ko na lang. Nalaman ko ang lokasyon ng headquarters ng BPU dahil may unknown number na nag message sa akin. To: Nisha Zelenia We're inviting you to Black Panther Unit's headquarters, the test is waiting for you and your friend. The headquarter is located in XXX, Z Island. ‘I thought ang leader mismo ang magme-message sa akin pero bakit isa lamang sa mga tauhan ang nag message?!’ With that thought I suddenly recall what my brother said, they will not treat me as their boss' daughter. Hell if I care?! They will acknowledge me soon. “Sigurado ka ba na nandito ang headquarter nila?” tanong ni Chelsey sa gilid ko. Ang paningin niya ay nasa 'di kalayuang isla, malapit na kami sa pang-pang pero wala ni-isang tauhan na naghihintay sa amin. Sumakay lamang kami sa maliit na bangka, at kami na rin ang nag sagwan dahil bawal pumasok ang ibang tao sa isla. Wala pa man ay pahirapan na bago kami makapasok sa isla. Palubog na ang araw nang makadaong ang bangka namin sa isla, maingat na bumaba kami sa puting buhangin habang sinusuyod ng paningin ang buong paligid. May mala- palasyo sa laki ang nakatayo mula sa di kalayuan, may malaki rin na kulay itim na gate doon. “Yes. Ito na nga 'yon,” ito ang tinuturo ng gps niya. “Bakit walang tao?” Tumingin ako sa paligid, pero wala talaga ako makita sa harapan namin. “Bakit walang tao?” nagtataka niya na tanong kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin, nanliit ang mata ko nang maramdaman ang mga matang tila pinapanood ang bawat kilos namin. “P-Parang ang bigat ng hangin dito,” mukhang naramdam rin 'yon ni Chelsey. Sinusuyod ng mata ko ang paligid pero nahinto ang aking paningin sa mga puno malapit sa amin, nanliit ang mata ko nang makumpirma na may ilang tao na nakatago doon. Hindi nakaligtas sa akin ang mga hawak nilang sandata, ang iba ay may hawak na baril, ang iba ay pana, at ang iba naman ay katana. “A-Alam ba nila na inimbitahan tayo dito?” ramdam ko ang takot ni Chelsey sa tanong niya habang nasa mga puno rin ang kaniyang paningin. Bumilis ang pag pintig ng puso ko dahil sa panlilisik ng mata nila sa direksyon namin na parang handa nila kaming patayin dalawa ano man oras sa kinatatayuan namin. Hindi ko nasagot si Chelsey dahil kahit ako mismo ay nakaramdam ng takot at kaba sa mga posibleng mangyari sa amin ngayong gabi, alam ko na hindi sila mag aalinlangan na patayin kami ngayon dito. Napalunok ako ng mariin nang may nag pakitang babae na nakamaskara at nanggaling sa puno, nakasuot ito ng itim na pangfighting battle habang sa dalawang kamay naman nito ay may hawak siyang baril. Nagla- lakad siya palapit sa amin ng walang ekspresyon sa kaniyang mukha, nang makalapit sa amin ay itinutok nito ang dalawang baril na hawak sa aming dalawa. Nakatali ang mahaba niyang buhok, mas matangkad pa ito sa akin at mukhang amazona. Parang kinakalabog ang puso ko sa sobrang takot, napako rin ako sa kintatayuan ko. “Who the hell are you? Bawal tumongtong ang kung sino man dito sa isla. State your name,” her eyes are like a dagger, it's like she can kill us by just looking at us. Huminga ako ng malalim para tatagan ang aking loob bago sumagot, kaya ko ito. “Panther invited us here,” sa wakas nakapagsalita na rin ako, nakakapipe pala kapag tinutukan ka na ng baril. “Are you one of our enemies spying on us? You can't fool me. How did you figure out the location of the headquarters?!” napasinghap ako, parang mas lalo ko pinasilab ang apoy sa sinagot ko. Ngayon ko lang na-realized na isang maling sagot ko lang ay kakalat na ang aking maharlikang dugo sa puting buhanginan. “I am Nisha Zelenia,” nakahinga ako ng maluwag nang maka- sagot ako ng hindi nauutal. “And her name is Chelsey Perez. My friend,” nag salubong ang kilay niya at tinutok pa lalo ang kaniyang baril sa aking noo. “Fvck!” napapikit ako ng mariin, hindi ko napigilan ang kumawala sa bibig na mura. “Huwag mo ako lokohin. Nisha Zelenia will never visit this ominous location,” diniinan pa talaga niya ang word na ominous na parang mas lalo ako tinatakot. “Now, state your real name kung gusto mong abutin ng umaga dito.” What the hell?! Hindi ba sinabi ng Panther na iyon sa mga tauhan niyang inimbitahan niya ako dito sa isla?! Wala sa plano ko ang mamatay, alam kong kapalaran ni Nisha Zelenia ang mamatay sa ending ng novel pero hindi ako makakapayag dahil ako ang nasa katauhan ng babaeng ito. Hanggat nasa katawan niya ako ay hindi siya puwedeng mamatay, kapag namatay ang katawang ito ay patay rin ako. I need to survive! Have you heard me, author?! You can't kill me! I will survive your fvcking story. “You heard me right, I am Nisha Zelenia.” Tumaas lang ang isang kilay niya matapos ikasa ang kaniyang baril, nanlaki ang mata ko nang kakalabitin na niya ang gatilyo ng baril kaya agad ako na nag salita. “Are you sure you want to kill me? You know you'll regret it if I'm the real Nisha Zelenia,” natigilan siya at hindi natuloy ang pagkalabit sa gatilyo ng baril. Pinag-isipan niya ng mabuti ang litanya ko hanggang sa bumaba na ang dalawang kamay niya na may hawak na baril, pagkatapos ay tinaas ang kaniyang kamay para sumenyas dahilan para lumabas mula sa puno ang mga tao na nagtatago. Limang lalaki at limang babae, parehas sila ng mga kasuotan ngunit iba't-iba ang sandatang hawak. Napalunok ako dahil hanggang ngayon ay nakatutok pa rin sa amin ang mga sandata nila. “Tie them up,” nag salubong ang kilay ko sa inutos niya. “What the hell?! Where is your leader?! I need to talk to them!” galit nang sigaw ko, naubos na ang aking pasensya at nawalan na ako ng pake kahit mamatay man ako basta mailabas ko lang ang aking galit. “Your leader invited us here at kung hindi ka naniniwala sa akin, then why don't you ask him?!” “The BPU are still isn't here, habang wala pa sila ay ikukulong ka muna namin. Pero kapag napatunayan namin na isa ka sa mga kalaban ay ipuputok ko ang baril sa ulo niyong dalawa,” madiing sambit niya. Wala na ako nagawa nang talian nila kami sa kamay at hinila papunta sa kung saan man, dalawang tauhan at 'yong babae na nakausap namin kanina ang nakasunod sa amin habang naglalakad kami. Dinala nila kami sa katabi ng mala-palasyong lugar, malaki rin iyon na tila isang dungeon. Pagkapasok namin ay naamoy ko ang maalinsangang amoy na nanggagaling sa mga kulungan na nadadaanan namin, napasinghap pa ako nang may makita na isang selda sa labas ay may umaagos na dugo. Nakakarinig rin ako ng malakas na daing sa second floor na parang tino-torture siya. Hindi ko makita ang mga nakakulong dahil sa dilim pero rinig ko ang daing at hinagpis nila. Nilipat ko ang aking paningin kay Chelsey, nakita ko ang takot sa kaniyang mata. Bigla ako nainis sa sarili ko dahil nadadamay siya sa paghihirap ko, nag salubong ang paningin namin ni Chelsey kaya ngumiti ako sa kaniya to assure her that everything will be okay. Nakita ko ang pagkabawas sa pangi- nginig niya at ang maliit na ngiti sa kaniyang labi, tsaka siya tumango sa akin. “Dito kinukulong ang mga nagtaksil na tauhan ng BPU, nakakulong rin dito ang mga nahuling kalaban ng pamilyang Zelenia and they were all tortured. Ang iba ay sa selda na nila namatay,” litanya no'ng babae na tila lalo kami tinatakot, pilit kong tinago ang sariling takot at ngumisi sa babae. “I am Nisha Zelenia, you think I am scared?” nawala ang yabang no'ng babae at napa-facepalm, hindi na siya nakapag salita na ikinangisi ko pa lalo. Ilang lakad pa ang ginawa namin hanggang sa makarating na kami sa kulungan, tinulak pa kami ng dalawang tauhan papasok ng selda tsaka ngising sinarado na no'ng babae at ni-lock ang kulungan namin. “Manalangin na kayo sa mga santo dahil sa oras na dumating si Panther ay sabog ang mga ulo niyo,” huling salita niya bago nila kami iwanan. “Chelsey, okay ka lang ba?” agad kong dinaluyan si Chelsey, sunod-sunod ang pag hinga nito na parang pinapakalma ang kaniyang sarili hanggang sa matipid siya na ngumiti. “Okay lang ako, ikaw ba?” nag aalala nitong balik tanong. “Me? I am more than fine. Nakalimutan mo yata na isang Zelenia ang kausap mo,” tumawa pa ako para matigil ang pag aalala at takot niya pero sa kaloob-looban ko gusto ko na umiyak sa takot, ayoko pa mamatay. “Don't worry, ako ang kasama mo everything will going to be okay.” “Oo nga pala. Matapang ka at lahat ng estudyante sa school ay takot sa'yo,” tumawa na siya at hindi ko na nakita ang takot sa kaniyang mukha. Kailangan ko maging matatag dahil hindi puwede na pareho kaming dalawa na takot, walang magse-seryoso sa amin kung magpapadala ako sa takot ko. “Sa ngayon ay mag hintay muna tayo sa pagdating ng BPU,” sambit ko na tinanguan naman niya. Tumingin ako sa taas kung saan may bintana pero silyado, kahit papaano ay may liwanag na nagmumula sa bintana. Doon ay kitang-kita ko ang bilog na bilog na buwan at mga bituin na nasa paligid nito na nakapagpa- pakalma sa akin. “Matulog ka muna, gigisingin na lang kita.” “No, ikaw ang matulog. Babantayan kita,” nag salubong ang kilay ko sa tugon niya at nalipat ang paningin ko sa kaniya, mukhang desidido siya na bantayan ako dahilan ng aking pag ngiti. “Then let's stay awake and protect each other,” napangiti siya tsaka tumango. Nakasandal kaming dalawa sa pader at lumipas ang isang oras na nagku-kuwentuhan lang kaming dalawa para maisantabi ang takot na aming nararamdaman. Hanggang sa may narinig kami na may bumukas mula sa itaas namin, pagkatapos ay may mga insekto at peste na nagsilaglagan dahilan ng paglaki ng mata ko. “AAAAHHHH!” To be continued!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD