NATAPOS ang pagkain namin ni Soleil at pinatawag siya ni Sir Flamingo kaya hinanap ko na si Nisha.
I found her sitting at the bench near in the library and surrounded by the trees, nagbabasa siya doon ng libro.
Halos lahat ng dumadaan at nakatambay sa tabi niya ay napapatingin sa kaniya samantalang tutok naman siya sa pagbabasa ng libro, walang pakialam sa kaniyang paligid.
I know they are all in awe by Nisha's beauty kaya hindi nila mapigilan na mapatingin sa kaniya, kung hindi nga lang siya masama ay baka marami nang nag confess sa kaniya.
Anyway, ano naman kayang pinaplano niya? Why would she wants to cancel our marriage? Alam ko na may pinaplano siya at alam ko na iisa lang ang goal niya, she wants me to like her back.
Naupo ako sa kaniyang likuran, I don't want to mislead her again. I know she will assume things kung uupo ako sa tabi niya, she always assume every little things kaya mas maigi nang dumistansya ako sa kaniya.
Hinintay ko na mag salita siya pero dumating ang ilang segundo na hindi niya napapansin ang aking presensya, masyado siyang tutok sa kaniyang binabasa.
Minsan pa ay sumasalubong ang kaniyang kilay, ngingiti, sisimangot, at magagalit sa binabasa niya. That's strange...kahit na nasa malayong distansya ako ay nakikita niya agad ako, minsan ay umiiba ako ng direksyon para maiwasan siya but she can always find me everywhere I go.
Tumikhim na ako para mapansin niya ang presensya ko pero wala pa rin siyang kibo.
”Hey,” I already called her but again she doesn't notice me. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya na hindi ako pansinin, “Hey! Are you ignoring me?” Iritable ko nang tanong.
“Huh?” tumingin siya sa kaliwa't kanan niya. “Weird… parang may narinig ako na nag salita,” kumunot pa ang noo niya tsaka nagkibit balikat at nagpatuloy sa pagbabasa na ikinainis ko.
“Inaasar mo ba ako?” finally she turned her face around to look at me.
”Ako ba ang kausap mo?" tinuro niya ang kaniyang sarili.
“Yes!" obviously.
“Bakit naninigaw?” taas ang isang kilay niya, mas lalo ako naasar dahil sa tanong niya.
“Kanina pa kita tinatawag.”
”Hindi mo ako tinawag sa pangalan ko, malay ko ba na iba pala tinatawag mo at hindi ako?! Eh 'di napahiya pa ako.”
“Then you heard me?!"
”Ang lapit mo sa akin at may tainga ako. C'mon! Do you need to ask me that dumb questions?!” manghang napatingin ako sa kaniya.
That's my line, damn women.
”Whatever.”
I give up, walang patutunguhan ang pagtatalo naming dalawa.
”Ano bang kailangan mo? You're disturbing me, I'm peacefully reading here. Just spill the beans,” napailing-iling siya at walang pasensya sa pakikipagusap sa akin.
Why is she acting like this?! Napabuntong hininga ako.
”Why did you suddenly wanted to cancel our marriage? Tell me, what are you planning this time?"
“Masaya maging single,” she laughed in response then she flipped a page from her book.
“Don't tell me hindi ka pa rin magaling? Narinig ko na nagkaroon ka ng amnesia after your pool birthday party, do you remember me?”
”Magaling na ako at hindi ko makakalimutan ang isa sa mga nakalagay sa list of death note ko, natatandaan ko na ayaw mo sa presensya ko at ginagawa mo ang lahat para maiwasan lang ako.”
”I'm avoiding you because you like me.”
Mas lalo siyang natawa na parang may narinig na biro.
”Well, congrats. Hindi na ngayon, expired ka na tol.”
Just like that? Nag salubong ang kilay ko, she said it casually and easily while still reading as if I am nothing to her.
“That's absurd, imposibleng bigla na lang mawala ang nararamdaman mo para sa akin.”
“Nothing is impossible, Haru. Isa pa, saan nanggagaling ang confidence mo?” manghang tumawa siya, wala pa rin sa akin ang paningin na mas lalong nakakaasar. “Nanggaling ba ang confidence mo sa sinabi kong ‘I like you’ noon? Well, I did said that.”
“Stop your game, ano man ang pinaplano mo hindi ako magkakagusto sa'y---”
“People change just like the seasons, and so do I. My feelings for you changed.”
How am I going to believe her? She confessed to me several times, and every chance she gets.
“But you love me,” sambit ko.
Natigil siya sa pagbabasa at salubong ang kilay na nilipat ang paningin sa akin. Matagal siya bago nag salita na parang may malalim pang iniisip hanggang sa buntong hininga niyang sinarado ang librong binabasa niya.
”Magkalinawan nga tayo, kailan ko sinabing mahal kita?” she crossed her arms and raised her eyebrows.
Inalala ko ang mga araw na nag confessed siya sa akin and I don't remember her saying those words, she only said that she likes me.
“I didn't love you because if I did, I would let you go. Sabi nila kung mahal mo, pakawalan mo at kung mahal mo ay dapat masaya ka na masaya siya. But in my case I can't let you go kaya nga ginusto ko ang lahat no'ng mag decide ang parents natin sa fixed marriage kahit na halatang ayaw mo,” what the hell is her point?! I can't understand her. “I only like you o mas tamang sabihin na I want you, I am a possessive type of girl and a spoiled brat. Let's say, you're just like a toy that I want that's why I buy it.”
I can't believe what she's saying.
“Naiintindihan ko na…” tumango-tango ako at asar na natawa pagkatapos ay tumiim ang bagang ko sa galit. “You said people change, but you didn't. You're still the same, ang nag bago lang sa'yo ay ang feelings mo para sa akin.”
Tumayo na ako, wala nang dahilan para makipag-usap pa sa kaniya.
”Pfft! No, I literally changed. I am not Nisha Zelenia anymore, I am....new,” pinigilan niya ang matawa. ”Anong problema? Bakit galit na galit ka?” binuksan na ulit niya ang librong hawak niya tsaka nag patuloy sa pagbabasa. “You want this to happen. Ayaw mong magpasakal sa akin, 'di ba? Wala nang Nisha na manggugulo sa'yo, wala rin villain na manggugulo sa lovelife mo, you can now live happily ever after with your lover.”
Kumuyom ang kamay ko at umalis na. Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi na niya ako gusto, but if she really doesn't like me anymore then I should be glad.
Nisha's POV
Finally umalis na rin ang ugok na Haru na 'yon, ang gulo niya. I know he hates Nisha, ngayong against na ako sa marriage ay parang nagre-reklamo naman siya. Hindi ko nga siya nilalapitan para walang gulo pero nakikialam naman siya nang bawat kilos na ginagawa ko.
I want peace.
I smiled and breathed heavily then I felt a breeze of fresh air. Whenever I breathe in the fresh air, It puts my mind at peace and it feels nice when my hair flows in the breeze, dancing in the wind.
I feel bad for Nisha dahil hindi niya nararamdaman ang nararamdaman ko ngayon, ayon sa novel lagi lang siya nasa loob ng bahay niya at nasa loob ng classroom niya sa tuwing pumapasok siya sa school. Ayaw na ayaw niyang maiinitan kaya naman hindi siya nasisikatan ng araw.
Sometimes you need to step outside, get some fresh air and remind yourself who you are. Nisha was lost from love dahilan para makalimutan na niya pati ang sarili niya. She's Nisha Zelenia, sa novel na ito ay makapangyarihan siya pero ginamit niya ang kapangyarihan na 'yon para makuha si Haru at hindi siya nag tagumpay.
She had power. Why didn't she use it to enjoy her life? like, aminin na natin. Hindi natin mae-enjoy ang buhay nang walang pera, she could travel around the world and be happy.
Hindi siya naging masaya from loving Haru dahil puro sakit lang ang natanggap niya, ang tanga talaga niya. Kung hindi niya kayang bigyan ng worth ang kaniyang, ako ang magbibigay no'n para sa kaniya. Isa pa ay hindi niya na-protektahan ang sarili niyang pamilya kaya gagawin ko ang lahat para walang bumangga sa pamilya namin.
“Life can really fvck us up...” natigilan ako nang may marinig na nag salita sa tabi ko, she's the nerd girl from yesterday.
To be continued!