LAHAT sila ay nakatingin sa aming dalawa habang si Soleil naman ay nagtataka na umangat ang paningin sa akin, walang kamalay-malay sa nangyayari at kung sino ako. Kung susundin ko ang nangyari sa nobela ay dapat ipapahiya ko siya at paalisin sa upuan ko dahil sa galit at selos, nakaupo siya sa tabi ni Haru. Pero kapag sinunod ko ang nangyari sa nobela ay sa huli ako ang mapapahiya, ipagtatanggol ni Haru si Soleil at ako ang magiging masama sa paningin ng lahat.
“Oh no, this is her end.”
“Poor her, kakatransfer pa lang niya sa school pero magiging target na agad siya ni Nisha.”
“Hyst! I told to her naman na lumipat ng upuan habang wala pa si Nisha.”
Kailangan ko huminahon, bumuga ako ng hininga bago nag salita.
“Excuse me,” ngiting sambit ko.
“A-Ah! Ikaw ba ang nakaupo dito? I'm so sorry hindi ko kasi alam na may nakaupo pala dito.”
She looks apologetic but she's still sitting on my chair, kung alam na niyang may nakaupo doon ay dapat tumayo na siya.
“Pasensya na talaga. I'm just new here, I hope you understand me.”
Kumunot ang noo ko sa huling salita niya. Naiintindihan? Kung si Nisha ang kaharap niya ay baka nag dabog at nag eskandalo na 'yon. Bakit hindi pa rin siya natayo? Naririnig ko na naman ang bulungan sa paligid, tsk.
”Okay lang, naiintindihan ko. Marami pa naman bakanteng upuan diyan,” gusto kong ipaintindi sa kaniya na sa dinami-dami ng bakanteng upuan sa classroom ay 'yong upuan ko pa ang napag diskitahan niya.
“You can have my chair but next time you should ask someone first kung may nakaupo ba sa upuan para naman walang eksenang nangyayari ngayon,” ngumiti ako sa kaniya nang matamis at tinaasan ng isang kilay si Haru dahil kanina pa salubong ang kaniyang kilay habang nakaangat ang paningin sa akin.
Hindi ko na lang pinansin ang dalawang main character, magsama silang dalawa.
Tumingin ako sa paligid para mag hanap ng mauupuan, nakita ko pa si Nyx na tinuturo ang tabing upuan niya but I ignore him. Kapag naupo ako sa tabi niya ay siguradong puro asaran lang ang mangyari sa amin dalawa.
Tumigil ang paningin ko sa pinakahulihang upuan, nanlaki ang mata ko nang makita ko doon na nakaupo si Cal.
Owemji! He's here?! Classmate ko rin siya?! Oh my gahd! Bakante ang upuan sa tabi niya, masaya ako na pumunta sa pinakadulo tsaka tumikhim bago nag salita.
“May nakaupo ba dito?” matagal siya bago sumagot dahil busy siya sa paglalaro sa phone niya.
“Wala,” that's my signal to sit beside him.
Nang makaupo ako ay tutok pa rin siya sa phone niya at hindi niya ako napapansin, lahat ay nakatingin rin sa dereksyon namin at nagbubulungan pero wala akong pakealam doon dahil may katabi akong cute.
Lumapit ako sa kaniya para makitingin kung anong ginagawa niya sa phone, naglalaro siya ng ML. Salubong na salubong rin ang kaniyang kilay habang naglalaro, ngingiti kapag mananalo siya at sasama ang mukha kapag may babangga sa kaniya. Ang sarap panoodin ng bawat expression na inilalabas niya, nagpangalumbaba ako at pinanood lamang siya.
“Woah! You're great. MVP ka,” parang siya lang ang nagbubuhat sa mga kakampi niya.
“Tsk! They are all fvcking stupid.”
Nabigla ako sa straight niyang pagsasalita at sa mga bad words niya, I thought he's not that kind of guy. Tho I think he's hot when he cursed.
“Magaling rin naman ang mga kalaban mo, mas magaling ka nga lang."
“Yes. I can't deny that," may hangin sa salita niya na ikinatawa ko.
Mukhang ngayon niya lang napansin kung sino ang kausap niya dahil parang nabato siya sa kaniyang kinauupuan tsaka nanlaki ang mata niya na bumaling sa akin ng tingin.
“Good morning, Cal,” ang lapit ko sa kaniya kaya naman unti-unting namula ang mukha niya at agad na umiwas sa akin ng tingin tsaka dumistansya sa akin ng koonti pagkatapos ay sinuot ang hood niya na nakakabit sa kulay itim niyang jacket.
My gahd! Why so cute?!
“G-Go-Good morning.”
Nauutal na naman siya, kanina naman ay maayos ang pagsasalita niya, ang ganda kaya ng boses niya at ang hot.
“Do you still remember me?”
“Y-Yes," malakas niyang sagot.
“Then what's my name?"
“N-Ni-Nisha Z-Zelenia"
“Shasha,” pagtatama ko sa kaniya pero tinanguan niya lang kaya nag salubong ang kilay ko. ”Call me Shasha,” Iritable kong sambit.
I don't know why, pero ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag siya ang nagsasabi.
“S-Shasha," he can't look at me in the eyes, hindi ko tuloy makita ang mata niya.
Napangiti ako pero nawala rin agad iyon nang may bumato sa akin ng crippled paper, sumama ang mukha ko sa gumawa no'n. Nang makita ko ang salarin ay binelatan niya lang ako kaya mas lalo ako naasar
“Kulang ka ba sa pansin?" I mouthed without a sound.
“You can sit here,” he mouthed back tsaka tinulak ang kaibigan niyang nakaupo sa kaniyang tabi and patted the chair beside him but I just give him my middle finger and mouthed ‘Fvck-off’ na ikinaasar niya.
Natigil lang ako sa pangaasar kay Nyx nang hawakan ni Cal ang aking kamay na naka middle finger at ibinaba iyon, nang ibaling ko na ang paningin ko sa kaniya ay salubong na ang kilay niya at diretsong nakatingin sa akin. His dazzling sky blue eyes are staring at me intensely, and it makes me feel like I am flying in the skies. His messy hair is color black. Ang hot niya.
”Stop doing that.”
His manly voice is so damn attractive and charming, I feel enchanted by his words that I immediately nodded and behaved myself.
Nang marealized niya ang kaniyang ginawa ay agad na napaiwas siya ng tingin sa akin tsaka napabuntong hininga, saktong dumating ang lecturer namin.
While Sir Flamingo was discussing in front of the class I was smiling and peeking at him from time to time.
Dumaan ang ilang oras at sa wakas ay breaktime na rin, sa buong oras ng pagdidiscuss ng mga lecturer ay wala ako naintindihan dahil hinahatak ng katabi ko ang aking paningin at pakinig na parang magnet, I don't know why but he's attracting me.
Yayayain ko na sana siya na sumabay sa akin kumain pero pagkaalis na pagkaalis ng lecturer ay parang bula na bigla na lamang siya nawala, ang bilis niya. Ayaw niya ba akong katabi? Ayaw niya ba akong kasama? Sumimangot ako at napabuntong hininga tsaka na rin umalis, nagrarambulan na rin kasi ang dragon ko sa tiyan.
Malapit na rin ang sportsfest kaya pagkatapos ko kumain ay pumunta ako sa archery club para mag practice at makipag kilala sa team ko, they were nice but they are all scared in me dahil nga kilala ako na masama sa school.
Medyo nakakainis rin dahil nalaman ko na nag register rin si Soleil sa archery, I don't want to be in the same club with her dahil alam ko na lagi ko makikita ang Haru na 'yon.
Nyx's POV
Naglalaro ako ng basketball kasama ang mga kabarkada ko habang breaktime pa, marami rin nanonood na estudyante pero isang babae lang ang may sariling mundo.
She's lonely but looks like she is enjoying her own company, she's playing alone under the tree. Tumatawa rin siya mag isa na parang may nakakatawa siyang nakita, pinapanood lang naman niya ang mga estudyante at lecturer na dumadaan.
Nang matapos siya tumawa at ma-boring sa kakapanood ng mga dumadaan ay tumingala naman siya sa langit. Her mouth is slightly open and she's smiling with her eyes, I don't know what makes her amazed in staring at the skies at mas lalong hindi ko alam kung bakit ang saya niyang tignan. I was stunned when she lie down at the grass unmindful of the dirt in her uniforms, dati ayaw na ayaw niyang madudumihan ang uniform niya kahit koonti lang.
”Hoy, pre! Bakit tulala ka?” lumapit na sa akin ang isa kong kaibigan, his name is Red.
Bumalik ako sa reyalidad at nagpatuloy sa pagpupunas ko ng pawis, may lumapit rin sa amin ilang babae na may hawak na bote ng tubig.
”Uhm...Hello, Nyx! Nice game. You can have this,” pikit ang matang binigay niya sa akin ang hawak niyang tubig.
”No, Nyx! Have mine!" may iba pang babae na nag tulakan para ibigay sa akin ang hawak nila.
”Relax girls! First comes first serve. I will take yours,” kinuha ko ang sa unang babae na nag offer sa akin then I wink at her na mas lalong ikinamula niya. ”Thanks!" I give her my signature smile.
“No way!” nag reklamo pa 'yong mga babae buti na lang kasama ko si Red.
”Easy girls! I'm here, kukun---”
”Ew! Get your hands off of my water," natawa ako nang nandidiri na lumayo ang mga babae sa kaniya.
“Tsk! 'Di ko sila maintindihan. Guwapo naman ako," angil niya at napailing-iling.
“Whatever tol," natatawa kong sambit at binalik ulit ang paningin kay Nisha pero wala na siya doon. ”Nasaan na 'yon?” bigla na lang siya nawala sa paningin ko.
”Who?” kumunot ang noo ko nang sundan ni Red ang aking tingin 'di kalayuan sa may puno.
“Tsk! Leave me alone,” Iritable kong sambit at naglakad na paalis.
”Hoy! Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang game natin!" hindii ko na siya pinansin.
I notice Nisha is always going around, dati naman sa room nila at cafeteria lang lagi siya naglalagi pero ngayon kung saan-saan ko na siya nakikita.
That's not all! She want's to cancel her fixed marriage with Haru, I thought she likes him but why would she do that? It's so unlike her.
I look around to find her. “Nasaan na naman kaya siya?” napakamot ako sa batok ko nang hindi siya makita sa paligid, ang bilis naman no'n mag lakad.
Naalala ko no'ng umaga, mukhang magkakilala si Nisha at Caleb. Naalala ko kung paano siya makatitig kanina kay Caleb, hindi man lang niya napapansin na hindi siya komportable sa kaniya.
Sa dinami-dami ng uupuan niya umupo pa talaga siya sa tabi niya, he loves being alone kaya sigurado ako na naiinis 'yon na tinabihan siya ni Nisha.
Haru's POV
It's already breaktime, so I decided to speak with Nisha about what happened yesterday pero nag salita sa tabi ko si Soleil.
“Haru, wala pa kasi akong kakilala dito. Since ikaw lang ang kakilala ko, can you eat with me? I don't like to eat alone, please.”
“Okay,” sagot ko.
Sinundan ko na lang ng tingin si Nisha na naglalakad na paalis.
”Yehey! Thank you!” ang ganda ng ngiti niya.
To be continued!