“S-Sino daw?” nag echo sa paligid ang magandang boses ng babaeng katabi niya.
“I am proudly to say that I'm a b***h, so that gay is definitely calling for you. Ako lang naman ang b***h na katabi mo 'di ba?” maloko siyang tumawa matapos sabihin ang huling linya, ngumisi naman si Sir Flamingo.
“Proud ka,” asar na tumawa si Sir.
No'ng mga nakaraan ay laging iritable si Sir Flamingo dahil hindi niya magawang maasar si Nisha samantalang dati naman ay koonting salita lang niya ay magdadabog na ito at mag wo-walk out.
Why are they always fighting whenever they have a chance?!
“Sinong gay?” the girl looked puzzled.
“Me, may reklamo?” taas ang isang kilay na pagmamaldita ni Sir Flamingo.
“Wala naman po---”
“Don't po him, you shouldn't respect someone who doesn't respect you.”
“How dare you?! I am still your advisor!”
“And I am your student. You started it, you should respect your students if you want them to respect you. Treat others the way you want to be treated. Isa pa, parang bago ka naman ng bago sa akin. Simula pa lang ay hindi na uso sa atin ang respetuhan.”
“Hmp! Whatever brat!” iritableng sambit niya tsaka bumaling ulit sa katabi ni Nisha. “So what's your name? Ngayon lang kita nakita dito, are you a transferred student?”
“I am Chelsey Perez. And no, I am not a transferred student.”
Napasinghap ang lahat sa gulat nang magpakilala ito, ako lang yata ang hindi nagulat.
“She's Chelsey Perez, the popular nerd girl?!”
“What the hell?! Maybe she's her twin?”
“That's impossible, the Chelsey I know is a lame and nerdy girl. Not that beautiful and hella hot girl!”
“Maybe namali lang tayo ng pandinig?”
“Again, I am Chelsey Perez.”
“You followed what she said. Wala man lang galang sa linya mo,” Sir Flamingo gritted her teeth. “Ikaw ang masunuring estudyante ko. Anyway, you should stay away from that evil b***h. She's a bad influence from you, follow my advice Chelsey.”
“I don't need your advice,” mas lalong tumaas ang isang kilay ni Sir Flamingo nang sumagot ito.
“Oh, you are her follower now? Then good luck b***h. Once you follow her, you will be in hell.”
“Then see you in hell, Sir," ngiting sagot ni lame gir–I mean ni Chelsey that made him mad even more, pinigilan ng lahat ang matawa.
“Alright! Stop with the chit chat, let's get back on our discussion!”
“She's awesome tol,” sabik at mahinang sambit ni Tom, halos mag hugis puso na ang mata nilang tatlo.
“She's now out of your league,” pambabasag ko sa kanila dahilan para sumama ang mukha nila sa akin.
“Fvck you for ruining my fantasy!” mahina pero may diing sambit naman ni Jerry.
“Hah! If I only know that she will get this hot. I will immediately get her to notice me when no one is noticing her,” nakasima-
ngot na nag salita si Red, hinayang na hinayang rin siya.
“You three! Stand up!” pinigil ko ang matawa nang mapansin sila ni Sir Flamingo at pag balingan ng galit nito. “Stop daydreaming, 'di bale sana kung may mga utak kayo! Ikaw naman, Red! May utak ka naman pero sumasali ka sa mga walang utak!” muntik na akong humagalpak sa tawa nang puruhin niya si Tom and Jerry, nakanguso silang dalawa habang si Red naman ay proud na nakatayo.
“Now go outside and stand up ther until my class is over!”
Heck! Tatayo sila ng ilang oras sa labas!
“BWAHAHAHAH----”
“What the hell, Nyx?! Gusto mo rin tumayo sa labas?” natigil ako sa pagtawa. Hindi ko namalayan na humagalpak na pala ako ng tawa, akala ko tumatawa lang ako sa isip ko.
“N-No, Sir.”
“Anong no?! Samahan mo ang tatlo mong ugok na kaibigan sa labas, tumayo ka rin doom at nang mag tanda kayong apat! Mga pasaway! Mga hindi marunong rumespeto sa lecturer!”
Nakakabingi ang sigaw nito kaya mabilis akong lumabas ng classroom, kaya lang hanggang dito sa labas ay rinig parin ang panenermon niya sa amin. If I know, pinagbubuntungan niya lang kami ng galit dahil hindi niya maparusahan si Nisha.
“Uwah! Sinamahan mo kami my friend, the best ka talaga!” naluluhang nag salita ang ugok na si Jerry. Take note, ang lakas pa ng boses niya kaya naman sumabog na sa galit si Sir Flamingo sa loob ng classroom.
“JERRY BATO!” natakpan ko ang bibig ko nang banggitin na ni Sir ang buong pangalan ni Jerry, his last name is a joke.
“Damn, nakakahiya sa chickababe. Huhu,” si Tom naman ang nag salita, umiiyak na sa kahihiyan.
“Please lamunin na ako ng lupa,” natakpan ni Red ang mukha niya sa sobrang pagkapahiya. “I've never been embarrassed like this before, not until I met those bastards!”
“Someone, please remind me why the heck did this bastards become my friends?” natampal ko ang sintido ko sa hiya na nararanasan ko, hanggang ngayon ay rinig na rinig pa rin ang iyak ni Tom at Jerry that made it more embarrassing.
Sigurado ako na isusumbong na naman ako ni Haru kay Nanay, hyst. Sirang-sira na talaga ang araw ko ngayon.
“Excuse me. You're blocking my way,” nalipat ang paningin ko sa isang lalaki na dumating tsaka ko lang napansin na nasa tapat pala ako ng pinto.
He's one of my classmates. I think his name is Caleb? Whatever.
“Ah! Sorry, dude,” hinging pasensya ko.
“No prob,” maikling tugon niya tsaka na pumasok sa loob ng classroom.
It's good to be one of the ssg officer. Nakakainggit siya, puwede siyang umalis at pumasok sa klase ng walang problema dahil lagi siyang excuse.
I tried to be a president in ssg no'ng botohan pa lang but no one votes me except sa tatlo kong ugok na kaibigan. No'ng tinanong ko sila kung bakit nila ako binoto, ang sagot nila ay dahil daw siguradong palaging may party sa school kapag naging presidente ako at wala daw rules.
Mga gago! Kaya rin siguro hindi ako nanalo dahil si Haru ang kalaban ko, o baka naman talagang wala silang makita na potensyal sa akin kaya walang bumoto sa akin? Tsk, buti pa 'yon vice-president.
Natigil ako sa pagbabalik tanaw ng botohan nang makita ko na lumabas si Nisha kasama 'yong lalaking Caleb ang pangalan.
“Where are we going, Cal?” kumunot ang noo ko nang makitang magkahawak sila ng kamay na naglalakad paalis. “It's okay kahit hindi mo ako sagutin Baby Cal. I will gladly go wherever you take me,” nag salubong na ang kilay ko sa sunod nitong sinabi.
Nasa kanila lang ang tingin ko, nasa papalayo nilang likuran hanggang sa hindi ko na sila makita.
Narinig ko ang pag sipol ni Tom sa tabi ko. “Wews, mukhang may nauuna na sa'yo tol. Deny ka pa kasi eh,” mas lalong sumama ang mukha ko sa sinabi nito.
“Hindi lang siya in denial. Torpe rin,” panggagatong ni Jerry.
“Naunahan ka tuloy,” na sinundan naman ni Red kaya galit na akong bumaling sa kanila ng tingin.
“Would you shut up for a second?! Mas lalo niyong dinadagdagan ang galit ko!”
“Hindi galit 'yan tol. Selos 'yan,” hindi pa rin nag pasaway si Jerry, sinamaan ko na siya ng tingin kaya umakto siya na nag zipper ng bibig niya at tinaas ang dalawang kamay.
Napabuntong hininga ako nang sa wakas ay tumahimik na rin sila but after a second they speak again.
“Kalimutan mo na lang tol.”
“Agree.”
“Sang-ayon rin ako tol.”
“What did I just said?!”
“Manahimik kahit ilang segundo lang, nag shut up naman kami ng sampung segundo pre----”
“Augh! What the hell?!” sumabog na ako sa galit, agad na tinakpan ni Jerry at Red ang bibig ni Tom sa pagsasalita nang makita nilang sumabog na ako. “Where the hell is your brain, tol?! Okay, shut up until breaktime!”
“O-Okay tol pasensya na....” tinakpan niya ang sariling bibig niya at parang bata na umiiyak ng walang sound.
“Okay lang 'yan, tol. Iiyak mo lang 'yan,” rinig ko ang mahinang pag alo ni Jerry kay Tom.
“Tumahimik na kayong dalawa,” saway sa kanila ni Red.
Finally, peace of mind. Anyway, where the hell are they going? Tsaka bakit gano'n ang trato niya kay Caleb? Samantalang ang sungit-sungit niya pag dating sa akin. May favoritism rin ba siya katulad ni Nanay? Tsk.
To be continued!