MATAPOS ang pag-uusap namin ni Haru ay 'yong hudas naman niyang kapatid ang nanggulo sa akin, nawala talaga ako sa mood dahil sa isyu kanina kaya nabaling ko kay Nyx ang aking galit. I know I am cold towards him pero ayos na rin ang ganito para naman tantanan na ako ng dalawang hudas. Isa pa, I know my guardian angel is always watching me, kapag hindi ko ginawa ang gusto niya ay hindi ako makakasali sa BPU.
Nasa gitna ng discussion ngayon si Sir Flamingo nang bumukas ang pinto, napangiti ako nang makita si Cal.
Papasok na ba siya sa klase ngayon? Titigil na ba siya sa pag iwas sa akin? Alam ko na kinatatakutan ako nang lahat ng estudyante dahil sa pagiging villainess ko. Natatakot rin ba siya sa akin kaya gano'n na lang niya ako iwasan na handa siyang hindi pumasok sa klase namin? But he looked more shy whenever na magkakausap kami. Sigurp nahihiya siya dahil sa out of this world na kagandahan ko, hehe.
“Excuse me, Sir, but can I excuse Nisha for a moment?”
Uwah! Straight siya na nag salita! Pero bakit sa tuwing ako na ang kausap niya ay nauutal siya? Ang hot talaga ng boses niya, I like him because he can be hot and cute at the same time.
“Bakit? May nagawa na naman ba siya na violation dito sa school?”
“No, Sir. Her brother wants to talk to her.”
“Chase is here?!” gulat na sambit ni Sir Flamingo, parang nakita ko na nag hugis puso ang kaniyang mata nang marinig ang kapatid ko.
Pumapasok dito dati si Chase kaya naman kilalang-kilala siya, hindi lang ng mga lecturer kun'di pati na rin ng mga estudyante dito. Ang sabi ng iba ay hindi halata na mag kapatid kami dahil bobo daw ako habang si Chase naman ay sobrang talino.
“Oh my gahd! Sure,” agad na tumingin si Sir sa salamin at nag ayos, napairap na lang ako sa kawalan.
“Tumigil ka bakla. Kadiri ka,” ngiwing salita ko.
Tumayo na ako at lumapit kay Cal, I give him my charming smile and blink my eyes several times para magpa-cute.
“Ikaw ang kadiri,” ngiwi rin na tugon ni Sir Flamingo tsaka bumaling ng tingin kay Cal. “Sabihan mo ako kapag tapos na silang mag usap ah. Sige na, umalis na kayo't kanina pa ako nasusuka sa pagmumukha ni Nisha.”
“Ikaw pa talaga ang nasusuka?! Kung nasusuka ka sa mala-dyosa kong mukha. Ano pa kaya ako sa pangit mong 'yan?” manghang sambit ko.
Compared to him naman ay hanggang paa ko lang siya pagdating sa kagandahan.
“Let's go,” magsasalita pa ulit sana ako pero parang nabato ako nang hawakan ni Cal ang aking kamay at hinila na ako paalis.
Oh my gahd! His hands is so soft, mas malaki ang kamay niya sa akin and it's damn warm kaya naman feel na feel ko ang pag hawak niya sa aking kamay.
“Where are we going, Cal?” lumabas na kami ng classroom, parang lutang ako na naglalakad habang hila-hila niya pero hindi siya sumagot sa tanong ko at hindi niya ako pinapansin. “It's okay kahit hindi mo ako sagutin, Baby Cal. I will gladly go wherever you take me,” ang landi ko lang.
Nakarating kami sa Dean's office. Ngayon lang ako nakarating dito, except kay Nisha na palaging napupunta sa Dean's office dahil sa pangbu-bully niya sa mga lumalapit kay Haru.
“What are we going to do here, Baby Cal?”
I don't know why we are here, unless he wants to do something with me. I felt the excitement run all over my spine.
“Nandito ang kapatid mo at pinapatawag ka niya sa akin.”
“That's all Baby Cal?” umaasa ko na tanong.
Akala ko ay palusot niya lang 'yon kay Sir Flamingo para ma-excuse ako pero....umaasa pa rin naman ako Baby Cal.
“S-Stop calling me B-Baby Cal,” nahuli ko ang pamumula ng kaniyang mukha pero agad siyang umiwas ng tingin sa akin.
Awww! Nahihiya ang Baby Cal ko.
“So why is he calling for me, Baby Cal?”
“I-I don't know. J-Just go inside k-kung gusto mo m-malaman,” napanguso ako sa tugon niya.
Wala talaga siyang balak na may gawin sa akin. I heard that the most intense thing is to do it in the Dean's office. The thought of getting caught is what makes it thrilling...narinig ko lang naman 'yon sa mga malalanding kaibigan ni Nisha.
“I-I will wait for you h-here.”
Ngiting tumango ako sa kaniya at pumasok na sa Dean's office, maisip ko lang na naghihintay siya sa akin sa labas ay nakapagpapasabik na sa akin.
Ewan ko ba, gusto ko lagi na nakikita si Cal. Masarap siya panoodin dahil sobrang cute niya, nasisiyahan ako sa bawat reaksyon na nilalabas ng kaniyang mukha sa tuwing kausap ko siya.
“I'm here,” ngiting pagpapaalam ko kay Chase na nakaupo sa swivel chair, busy siya sa pagtitipa sa kaniyang phone.
Sa una ay tinaas niya ang kaniyang paningin sa akin ng ilang segundo pero binalik rin ang kaniyang paningin sa phone niya at nagtitipa na naman doon.
Tinapunan niya lang ako ng tingin! This little bastard, pinatawag niya ako pero hindi rin naman pala ako kakausapin.
“Hello?! Your beloved sister is here, anything you need from this goddess?” I rolled my eyes in irritation.
Well okay lang rin naman sa akin na pinatawag niya ako kaysa makinig sa baklang lecturer ko na mag discussed. Boring na nga siya, boring pa ang discussion niya.
Pabagsak ako na naupo sa couch at sinampa rin ang aking paa sa maliit na table, dahil boring dito ay naisipan ko na mag laro na lang ng games sa phone ko.
LUMIPAS ang isang oras, literal na naglalaro lang ako dito sa loob habang siya ay busy sa kung ano man ang ginagawa niya.
Mukhang ayos lang naman sa kaniya kahit mag laro ako dito, wala siyang pakealam at parang may sariling mundo ang bawat isa sa amin. I don't know why he called for me but I think this is great, mas masayang mag laro kaysa makinig kay Flamingo.
“Putcha!” napapamura ako sa nilalaro ko. “Pfft! Mga bobo! This is the end, talo na kayo. Just surrender to Nisha the great.”
Natigil ako sa paglalaro nang may kumatok sa pinto at bumakas iyon, nanlaki ang mata ko nang pumasok si Cal ng salubong ang kilay.
“What the hell?” walang pasensya nitong asik, diretso ang tingin kay Chase na busy sa kaniyang ginagawa.
“I thought you are talking seriously kaya ang tagal niyong matapos but this is what's happening here?”
Literal na bumagsak ang aking panga nang iritableng nilipat ni Cal ang kaniyang paningin sa akin.
“Sit properly, lady,” sumama ang tingin niya sa akin.
Tulad ng laging nangyayari ay agad akong sumunod sa kaniya, binaba ko ang paa ko sa sahig tsaka naupo ng maayos.
“You're playing games? I am fvcking waiting for you outside and this is what you are doing?” bumilis ang pag t***k ng puso ko nang maglakad ito palapit sa akin at sinamsam ang phone ko, hindi ako pumalag dahil tulala ako sa kaniya.
How can he be so cute earlier and hot this time? Ang hot niyang magalit, ang hot niya mag mura, sa sobrang hot niya muntik nang mahulog ang panty ko. Char lang, huhu, nakakahiya.
“Ang init...” pinaypayan ko ang aking sarili gamit ang kamay ko.
Bakit ba kapag sa kaniya ay tumitiklop na ako? No'ng dumating siya biglang uminit.
“Chase, stop staring at Nisha's picture!” doon lang ako nagising sa reyalidad nang sigawan ni Cal si Kuya Chase na tutok ang mata sa kaniyang cellphone, panic na binulsa niya ang kaniyang phone at umayos ng upo.
What? Seriously? He's staring at my picture?! What does that mean?! 'Yong kanina pa niyang ginagawa ay ang tumitig sa picture ko? He's busy staring at my picture kaya kanina pa niya ako hindi kinakausap?! And how the hell did Cal know that?!
“Shut up,” napanatili ni Chase ang coolness niya tsaka bumaling na sa wakas sa akin ng tingin. “Come closer here, may importante tayong pag-uusapan.”
Tumayo na ako tsaka lumapit sa kaniya at naupo sa kaniyang harapan, pinanliitan ko siya ng tingin.
“So ano ang importanteng mahalaga na pag uusapan natin?” naupo naman si Cal sa couch, kung saan ako kanina nakaupo.
“You're still planning on joining BPU,” natigilan ako sa binuksan niyang topic. “Panther told me that you almost hurt yourself just to speak with him.”
Panther? Is that my guardian angel's name?
“So what? Hindi kayo pumapayag ni Dad sa gusto ko kaya I will force my way to BPU.”
“You won't listen, are you?”
“Oo, ginagawa niyo akong bata eh.”
“Okay fine...” tumango-tango siya at nagtitipa sa phone niya. “You can join them, but they will give you a hard time. They will give you a test to see if you are really worthy to be one of the member in BPU, and don't expect na dadalian lang nila ang test sa'yo dahil anak ka ng boss nila. It's going to be hard.”
“Alam ko.”
“Huwag kang uuwi sa bahay ng umiiyak.”
“For the last time, hindi na ako bata.”
Bigla ko naalala si Chelsey, she said na sasamahan niya ako sa kung saan man ako pumunta.
“By the way, meron rin pala akong kasama na sasali rin sa BPU,” nag salubong na ang kaniyang kilay.
“Nisha Zelenia! BPU is not a playground, this is a serious matter!” tuluyan na siyang nagalit sa akin.
“Alam ko ang pinapasok ko!” hindi ko naiwasan na itaas rin ang aking boses sa inis. Ilang beses na namin ito pinagta-
talunan, alam ko na isip bata si Nisha kaya hindi sila makapaniwala sa mga desisyon na ginagawa ko ngayon but “At least trust me, brother?” natigilan siya sa huling salita ko.
Ngayon ko lang kasi siya tinawag ng gano'n. I hope na tamaan siya ng charm ko, huhu.
“B-Brother?!” gulat niyang pag-uulit, tumaas ang isang kilay ko nang mahuli ko ang pamumula ng kaniyang pisngi na agad niyang tinago sa akin.
“W-Whatever. Do whatever you want,” umikot ang swivel chair niya patalikod sa akin kaya hindi ko na siya makita.
Napanguso ako sa ginawa niya, bastusing bata.
“Pumapayag ka na?!”
“Tsk! Yes.”
“Don't worry, my friend is with me. Her name is Chelsey Perez.”
”Whatever. Huwag mo lang hahayaan na malaman ito ng magulang natin kun'di ay pareho tayong malilintikan,” malamig na niyang litanya sa akin. “Panther will message you their hideout, go there tomorrow with your friend.”
“YES!” masaya ako na nag diwang.
Sa wakas pumayag na rin siya, magkakaroon na rin ako ng access sa mga mangyayari sa amin with that secret organization.
“Mr. Dawson, Ihatid mo na palabas si Nisha,” tumango lang si Cal tsaka na kami lumabas ng Dean's office.
Naglalakad na kaming dalawa sa hallway nang matigilan ako.
Is it okay to let him hear what we talked about? At bakit kung kausapin niya si Chase ay parang close na close silang dalawa?
“You know my brother?” I suspiciously look at him.
I know isa sa mga classmate ko si guardian angel. Is he my guardian angel? It Couldn't be, right? No way.
To be continued!