CHAPTER 24

2338 Words
NANLIIT ang mata ko sa kaniya dahilan para mapaiwas siya ng tingin sa akin, matagal rin bago siya nakasagot na tila nag-iisip pa ng isasagot. “Y-Yes, nakilala ko siya n-no'ng nag-aaral pa lang siya d-dito sa school.” “You are close with him?” “N-Not that c-close.” Bakit gano'n sila mag usap kung hindi sila close? Hindi naman ako tanga para mag sinungaling pa siya. “You know BPU?” nanliit ang mata ko sa kaniya nang umiwas siya sa akin ng tingin. “N-No. Why?” Oh my gahd! He's a bad liar, hindi siya makatingin ng diretso sa mata ko. Confirmed, now I know who's my guardian angel. “Nothing...” napangisi ako at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Paano niya kaya napatumba ang mga holdaper ng isang minuto lang? Ang lalaki kaya ng katawan nila. Naglakad ako paikot sa kaniya at ginala ang aking paningin sa kabuuan ng kagawan niya dahilan para matigilan siya sa paglalakad at hindi malaman ang gagawin, salubong rin ang makapal niyang kilay at naguguluhan sa akin. “W-Why? Why are you looking at me like that?” bakas ang hiya sa mukha niya at ang pamumula no'n kaya pilit niyang tinago sa akin ang kaniyang mukha pero hindi niya 'yon magawa dahil pinaiikutan ko siya. Hindi ko makita ang built ng katawan niya dahil sa uniform na pinatungan pa niya ng black na jacket. I wonder if he has muscle and abs inside of his jacket.... na-curious tuloy ako---Oh my gahd! Stop, you look like a p*****t. Kung nababasa lang niya ang nasa isip ko baka nilayuan na niya ako, huhu. “S-Stop staring!” iritable at malakas ang boses niyang salita tsaka sinuot ang hood sa jacket niya. Ngayon ko lang napansin na nakasuot rin pala siya ng black na jacket no'ng niligtas niya kami ni Chelsey at palagi niya rin suot ang jacket niya dito sa school. Natawa ako sa cute na reaction niya pero tinigilan ko na siya dahil baka ma-badtrip na siya sa akin. Malapit na kami sa faculty niya at alam kong iiwan na niya ako kaya naman bago pa siya makapasok sa faculty room ng ssg officer ay nag salita na ako. “Let's eat together,” ngumiti ako at kinawit ang aking kamay sa kaniyang braso. Nagulat siya sa ginawa ko at napatingin sa kamay ko na nakayakap sa braso niya. “A-Ayoko,” napanguso ako sa diretsong pangre-reject niya sa akin. “You know I am not asking for your approval, Baby Cal,” kumunot ang noo niya tsaka pilit na inalis ang aking kamay sa kaniyang braso. “Let's eat together, Baby Cal!” pangungulit ko na sa kaniya. “Ayoko nga. You have a friend, you can eat with her.” Iritable na niyang sambit hanggang sa tuluyan na niyang natanggal ang aking kamay sa kaniyang braso. “Ayaw mo?” asar ko nang tanong, Natigilan siya sa tono ng aking boses pero tumango rin na parang sinasabi na ayaw niyang kumain kasama ako. “Ayaw mo talaga?!” nanlisik na ang aking mata sa kaniya dahil sa galit, nakita ko ang pagtaas at pagbaba ng adams apple niya habang nakatingin ng diretso sa mata ko tsaka tumango ulit. “Fine!” galit ko nang sigaw. What's wrong with him?! Bakit lagi na lang niya ako iniiwasan? Ayaw niya akong katabi, ayaw niya akong kasama. Wala naman akong virus, wala naman akong sakit na nakakahawa, hindi naman ako bacteria, at hindi naman ako mabaho. Maganda naman ako, hot, at sexy. Lahat ng lalaki dito sa school ay gusto ako, kung hindi nga lang sila takot sa akin ay baka problemahin ko na araw-araw ang pag-aaligid nila sa akin. “Fine, then I'll ask some other guy na lang!” Ilang segundo ko siyang tinignan para hintayin na pigilan niya ako pero hindi iyon nangyari, sa tingin niya pa na ibinibigay sa akin ay parang sinasabi niya na ‘Go! I won't stop you,’ like that. Mas lalo akong naaasar dahil sa pakikitungo niya sa akin, may nakita ako na tatlong lalaki na naglalakad sa hallway malapit sa amin. I think they are my classmate? Agad ko silang nilapitan. “Hi boys!” ngiting tawag ko sa kanila na ikinagulat nila. “N-Nisha?!” gulat nilang tawag sa maganda kong pangalan. “Do you want to eat with me?” Ngising lumingon ako kay Cal but I was amused when I saw him getting a key in his pocket and unlocking the door from the ssg office faculty room, parang sinasabi niya sa akin na wala siyang pakialam sa pamama- gitan ng kilos niya. “Woah! Yeah, sure!” masayang sambit ng isa. “This is our lucky day, dude!” rinig ko pa ang tuwang-tuwa na salita ng lalaking nasa gitna nila. Sunod-sunod ang paghinga ko sa sobrang galit, ramdam ko rin ang pamumula ng aking mukha sa inis habang pinapanood ang masayang mukha nila. 'Yan! Iyan dapat ang reaksyon ni Cal no'ng niyaya ko siyang kumain kasama ako, pero hindi ganiyan ang reaksyon niya. Is he letting me eat with those ugly bastards?! Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili pagkatapos ay ngumiti. “On the second thought, let's eat na lang pala next time guys. I will eat with Nyx and Haru today,” pilit ang ngiti kong sambit. “Awww! Sige Nisha. We will wait for your next time,” malungkot na sambit no'ng isang lalaki, bakas rin ang lungkot sa mukha ng dalawa. “By the way, my name is Red. This two bastard is Tom and Jerry. Don't forget our name,” he winked at me pagkatapos ay hinila ang dalawa niyang kasama paalis. “UWAH! NISHA, 'WAG MONG KAKALIMUTAN ANG PANGAKO MO SA AMIN AH!” umiiyak na sambit no'ng Jerry ang pangalan. “NEXT TIME, BABE! ITO PUSO KO, PASAMBOT!” Nanlaki ang mata ko nang umakto ito na parang kinuha sa dibdib ang kaniyang puso at binato sa akin, iiwas na sana ako pero may humatak sa akin kaya parang napunta na rin sa pader ang puso no'ng Tom ang pangalan. “AWWW! EPAL KA, DUDE!” sigaw pa nito kay Cal na siyang humila sa akin. “Enough bastards! Nakakahiya kayo,” rinig ko pa ang saway sa kanilang dalawa ni Red. “What the hell?” Abnormal yata ang dalawang 'yon, bumaling na ako ng tingin kay Cal tsaka pinagkunutan siya ng kilay. “Nandito ka pa rin pala? Akala ko pumasok ka na sa pesteng faculty niyo?” “Nagugutom na ako,” nakababa ang tingin niya sa lapag, mukha siyang puppy. Buwisit! Huwag mo ako daanin sa pagpapa-cute mo dahil hindi mo ako makukuha diya---“Ano pang ginagawa mo diyan? Let's go na Baby Cal.” Ngumiti na ako at sa isang iglap ay nawala ang badmood ko, kinawit ko na ulit ang aking kamay sa kaniyang braso at hinila na siya paalis. “D-Distance...” “What?” ngiti kong tanong, ang hina ng boses niya kaya 'di ko siya marinig. “I-I want distance.” Nyx's POV Naka-order na ako ng pagkain sa cafeteria, in-order ko na rin ang tatlong ugok kong kaibigan at hinihintay ko sila bago ako kumain. Inutusan kasi ni Sir Flamingo ang tatlo na dalhin ang gamit niya sa faculty room dahil pupuntahan daw niya ang prince charming niya. “TOL! TOL! TOL!” Sa wakas dumating na rin ang tatlong ugok, pero si Storm at Jerry tumatakbong lumapit sa akin habang si Red naman ay ngingisi-ngisi lang na nag lakad hanggang sa makalapit siya. “You are not going to believe this tol!” sigaw ni Jerry tsaka na silang tatlo naupo sa harapan ko. “Hinaan mo ang boses mo tol. Nakakahiya talaga kayo kasama,” napatingin ako sa paligid, lahat ng estudyante ay napatingin sa amin dahil sa kaligaligan ng dalawa. “Hindi, kasi tol!” natigil sa pagsasalita si Tom at napatingin table kung nasaan ang in-order kong pagkain para sa kanila. “Woah! You alread ordered us a food?! Sweeet!” sa isang iglap ay na-distract silang dalawa at imbis na sabihin ang gusto nilang sabihin ay hindi nila nagawa, busy na silang kumakain. “Anong sasabihin niyo?” inis ko na tanong sa kanila. “Kashi pwee!” nag salubong ang kilay ko sa hindi maintindihang salita ni Jerry, puno ng pagkain ang bibig niya kaya sumingit na si Red. “Nisha invited us to eat with her,” ngising sambit ni Red na ikinatigil ko. What the hell?! Tinataboy niya ako samantalang ang tatlong ugok na ito ay niyaya niya?! That's not fair. “But she said next time na lang daw dahil sasabayan niya kayo kumain ni Haru ngayon, nagtataka nga ako kung bakit kasama ka namin ngayon. Akala ko kasabay mo kumain si Haru at Nisha,” kumunot ang noo ko sa sunod niyang litanya. “What? Sinabi niya 'yon? Baka hindi naman si Nisha ang nakausap niyo!” “No, It is Nisha! From the looks of her maldita and masungit face, I am sure that it's Nisha.” “Sinabi niyang sabay kami kakain? But with Haru?! Akala ko ba she doesn't want anything to do with us?!” “Malay mo nag bago ang isip niya?” “B-But she's with Caleb.” “Caleb? Ah! 'Yong epal na Caleb na 'yon?!” galit na nag salita si Tom. “Kasama nga niya si Nisha, siguro kaya hindi natuloy ang pag sama niya sa atin kumain ay dahil sa epal na 'yon! Sinosolo niya si Nisha! Madamot! Madaya!” Natigil lang kami sa pag-uusap nang dumating ang pinag- uusapan namin. Mula sa entrance ng cafeteria ay pumasok si Nisha, kasama nga niya si Caleb pero may distansya sa kanilang dalawa. “Speaking of...they're here,” sambit ni Red. Lahat ng estudyante na nasa cafeteria ay nakasunod ang tingin sa dalawa. “I don't know where the hell did Chelsey go but I guess it's only me and you,” rinig na rinig ang pagsasalita ni Nisha dahil no'ng pumasok sila dito sa cafeteria ay biglang tumahimik. Pagkatapos nilang um-order ay uupo na sana si Nisha sa usual place niya, kung saan siya ang center of attention pero sa bakanteng table si Caleb naupo kung saan nasa pinakagilid at hindi siya makakakuha ng attention. Nakita ko ang ngusong pag sunod ni Nisha sa kaniya. “You know what? Okay lang naman sa akin na tahimik ka pero aakalain ng lahat na baliw ako dahil ako lang ang nagsasalita sa ating dalawa. At least try to talk to me naman Baby Cal,” hindi siya pinapansin ni Caleb pero alam kong concious siya sa lahat. Her loud voice and everyone's stare is making it uncomfortable for him. “You won't talk to me? Okay, I won't force you naman Baby Cal.” Baby Cal?! Bakit Caby Cal ang tawag niya sa kaniya? Ano siya, baby?! Tsaka Caleb ang pangalan niya. “Yesterday, she's with Chelsey but now she's with Caleb. Anong nangyayari sa kaniya? Akala ko ba allergic siya sa mga lame at nerds? Pero ngayon silang dalawa ang lagi na niyang kasama,” napailing-iling si Red habang pinapanood ang dalawa. “Chelsey is not a lame and nerd anymore, stupid,” binatukan ni Jerry si Red. “Aray ko, putcha! Pakyu ka, tol!” Hindi ko pinansin ang pag aaway ng mga ugok kong kasama dahil tutok ang paningin ko kila Nisha, parang may sarili silang mundo. “Woah! You like salad? Para kang kambing, puro d**o at mga dahon ang kinakain mo. You should eat pizza too! Masarap siya,” pizza ang kinakain ngayon ni Nisha. “Ngayon ko lang talaga napansin na we're totally complete opposite,” ang takaw niya. Sunod-sunod ang pag subo niya ng pagkain, mabuti na lamang ay hindi siya nasasamid. “You hate spotlight but I love spotlight, you hate attention but I really love attention, ayaw mo rin sa food na gusto ko. Tulad ngayon, mga d**o ang kinakain mo eh that's the food that I hate the most. Tapos you're not energetic pa, kapag nagsasalita ka koonti lang, you look like a shy type rin.” Kung alam niyang magkaiba silang dalawa bakit nakikisama pa rin siya kay Caleb? Hindi sila magka-vibes kaya siguradong boring siyang kasama, my friends told me na masaya daw akong kasama kaya nga ako nagtataka dahil lagi niya ako tinataboy. “I-It's vegetables. Hindi dahon at hindi rin d**o,” nag salubong ang kilay ko nang mag salita si Caleb. Why is he stuttering? Hindi naman siya gano'n mag salita noong nakausap ko siya, maayos naman siya mag salita ah. “And c-could you please q-quiet down your voice? E-Everyone is staring at us.” Napatingin sa paligid si Nisha pero balewala sa kaniya, she even flipped her hair and made a smirk. “I know right, but don't mind them. Nagagandahan lang sila sa akin,” ang lakas ng apog niya. Siguro kung pangalan niya ang ipapangalan sa bagyo ay baka masalanta na ang lugar namin. “I can't ignore them, lalo na't pinapanood nila ang bawat kilos ko.” Maging ang pag buntong hininga ni Caleb ay rinig na rinig ng lahat dahil sa sobrang tahimik ng cafeteria. Sama- ntalang masama namang tumingin sa lahat si Nisha na parang binabalaan sila na 'wag tumingin sa direksyon nila kaya agad naman na nagsipag- iwasan ng tingin ang lahat sa kanila. “There, hindi na sila nakatingin sa atin.” Ilang segundong napatitig si Caleb sa kaniya, sa tingin nito ay hindi malaman kung maiinis o mamamangha. “Alright. I quit,” nanlaki ang mata ni Nisha nang tumayo na siya at nag preparang umalis. “I'll eat in faculty room and don't stop me. I want to be alone,” dala-dala ang pagkain niya ay maglalakad na sana ito paalis nang may lumapit sa direksyon nila, It's Haru. “Nisha, can we talk?” tanong ng gago. To be continued!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD