CHAPTER 25

1830 Words
TINAASAN siya ng isang kilay ni Nisha at biglang nawala ang mga ngiti sa labi nito. “Sure,” ngising sambit nito tsaka tinapunan ng tingin si Caleb na paalis na sana pero natigil sa paglalakad nang lapitan siya ni Haru. Magsasalita na sana si Haru nang maunahan siya ni Caleb. “H-Hey, aren't you c-coming?” “Hindi ba't gusto mo na mapag- isa?” hindi nakasagot si Caleb, tsaka na muling bumaling ng tingin si Nisha kay Haru. “I mean, can we talk privately?” “Ayoko, I don't want to be alone with you.” I know she hates Haru's presence, kitang-kita iyon sa actions niya at sa nasusuya niyang tingin kay Haru. “I just want to talk to you.” “Sabihin mo ang gusto mong sabihin dito ngayon sa harapan ko.” Bumakas ang pagkaasar sa mukha ni Haru ng ilang saglit hanggang sa mapabuntong hininga ito. “Sorry for what happened,” napangiwi siya sa sinambit ni Haru. “Now you're feeling sorry, huh?” tinawanan lang siya ni Nisha. I feel him, alam ko kung gaano kahiya at kakaba ngayon si Haru, nangyari rin sa akin 'yon but at least she accepted my apology. I wonder if she's going to accept his apology. “Wala akong pakialam sa'yo Haru, ang gusto ko ay lumayo ka sa akin at huwag mong ipapakita sa akin ang pagmumukha mo.” “Shasha, let's go,” nag salita si Caleb kaya nalipat sa kaniya ang paningin ni Nisha, ngiting tumango ito at naglakad na sila paalis kaya naiwan doon na nakatayo si Haru. Hindi niya tinanggap ang apology ni Haru, obviously she hate his presence. “Why are they together?” “Maybe they are in a relationship?” “But I thought he was engaged to Haru? And 'di ba she loves him so much?” “Haru and Soleil are together now kaya baka nawalan na rin siya ng pag-asa, dahil doon ay si Caleb naman ang hinahabol niya.” “But she said she never loved Haru and she love someone else.” “Ibig bang sabihin no'n ang tinutukoy niyang mahal niya ay si Caleb?” “Pero pumangit naman yata bigla ang taste niya sa lalaki? You know, Caleb Dawson is a nerd!” “But I think Caleb is kinda cute?” “Heck! Are you insane, gohrl?!” Chase's POV My eyebrow frowned when I saw Flamingo looking all over for me, he's my classmate back when I was still a student here and he always followed me around kaya sa tuwing bumibisita ako dito ay nag-aalinlangan ako dahil sa kaniya. Mabilis ako na naglakad at lumiko ng daan para hindi makasalubong si Flamingo, liliko na sana ulit ako nang may estudyanteng bumangga sa akin. “Pader?” nagtatakang asik nito while her hand is on my chest, sobrang lapit niya sa akin. “Augh! Ilang beses na ako tumatama sa pader. Hindi pa rin talaga ako sanay sa contact lense ko,” malakas siyang bumuga ng hininga. “It's not a wall, lady,” nag salita na ako dahilan para matigilan siya at mabato sa kaniyang kinatatayuan. “It's my chest,” dahan-dahan niyang inangat ang mukha niya sa akin. Shit! She's fvcking gorgeous, all my life I thought my sister was the most beautiful girl I've seen. But of course wala pa rin makakatalo sa kapatid ko. “S-Sorry,” gulat niyang sambit, I can smell her mint breath. “Are you blind? Hindi ka marunong tumingin sa dinadaanan mo.” “Nag sorry na nga ako 'di ba?!” asar niyang tugon. Fvck! I didn't mean to sound rude but I can't help it, this is the way I speak to everyone. Sa oras na ito ay dapat sinabi ko ay okay lang, napabuga ako ng hininga at magsosorry na sana sa nasabi ko pero nag salita muli siya. “Bakit asar na asar ka?! Nag sorry na naman ako, ah?! 'Di ko naman sinasadya, ang arte mo!” “I'm not,” hidi ko napigilan ang pag salubong ng aking kilay. “Hmp! Pogi nga, masama naman ang ugali.” Tsk! Whatever, hindi na dapat ako makipagtalo sa kaniya. “Move.” I don't want to sound cold but this is the way I talk to everyone, her hand is in my chest until now and she's still closed to me. “Tsk!” iritable na siyang dumistansya sa akin at naglakad na paalis. “Where in hell is she?” narinig ko pa ang huling salita niya bago siya tuluyang mawala sa aking paningin. Nakahinga ako ng maluwag nang mag isa na lang ako. I can't get along well with everyone, even with my sister. Gusto ko lagi makausap at makasama ang kapatid ko, but I always end up silent and I know it makes her uncomfortable kaya iniiwasan ko na lang siya. That's why I have her picture in my wallet and my phone, para kahit papaano ay nakikita ko pa rin siya everywhere I go. I love my sister so much. Maraming kalaban ang pamilya namin, that's why I have Panther to guard her. Kaya hindi ko siya maintindihan kung bakit gusto pa niya sumali sa BPU. I just want her to be safe but I can't stop her, she's too stubborn. Kaya sisiguraduhin ko na siya ang kusang aalis sa BPU, I already ordered BPU to give her a hard test. “Chase?! My dear Chase, there you are!” I flinch when I hear Famingo's voice. Oh s**t, I have to get out of here. Nisha's POV Nasa faculty room kaming dalawa ni Cal, kaming dalawa lang dahil lahat ng ssg officer ay sa cafeteria kumakain. Dito pala lagi siya kumakain mag isa, kaya pala hindi ko siya nakikita sa cafeteria. Tahimik lang kami kumakain, feeling ko nga mabibingi ako sa katahimikan and it's so awkward kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na mag salita. “Cal...” I bit my lower lip before continuing what I was about to ask. “Can you tell me about yourself?” sana hindi siya mairita sa tanong ko. I just want to know him dahil kasing mysterious niya ang secret organization sa novel, gusto ko malaman ang lahat sa kaniya. Na-realized ko kasi na tanging pangalan lang niya ang alam ko sa kaniya, besides of him being a leader in BPU. Natigil siya sa pagkain, hindi ko makita ang mukha niya dahil nasa pagkain lang ang kaniyang paningin at nakayuko siya, he never made an eye contact with me kaya napapanguso ako. “W-Why do you want to know me?” iwas siya sa mata ko at utal-utal na naman siya na nag salita, I know he's shy but I find it cute especially when he's stammered. ‘Because I am interested,’ can I say that to him? Hell! I sound like I am in love with him kaya mas mabuti nang 'wag ko iyon sabihin. “Just because,” kibit balikat kong sagot. “I'm just a nobody.” “Nobody is perfect. So are you saying that you're perfect?” pagbibiro ko kahit na sa loob- loob ko ay sumisigaw na perpekto siya. I mean, just look at him. Matalino siya, guwapo, cute, and he can be hot at the same time. He can lead everyone, kaya nga may title siya na leader sa BPU at vise president pa siya dito sa school. Mabait rin siya. Pag inalis pa nga ang salamin niya ay baka mawalan na ako ng malay sa sobrang kaguwapuhan niya. Heck! Nababaliw na ba ako? I can't stop myself from adoring him. He's really my type, but I know he doesn't like me. Tsaka isa pa, baka ang mga tipo niyang babae ay katulad ni Soleil na mababait at inosente. “N-No! I am far from being a perfect, I am l-lame and n-nerd. I am the type of guy who isn't worth n-noticing,” nag salubong ang kilay ko sa litanya niya. How dare he insult himself while I am adoring him?! Can't he see his face?! Bakit gano'n na lang niya i-down ang sarili niya samantalang sobrang guwapo at cute niya sa paningin ko. And what the heck?! Isn't worth noticing?! Ang sarap kaya panoodin ng bawat emosyon na nilalabas niya, ang cute kasi ng nilalabas no'n. Tho he's hot when he is serious. “Anong pinagsasabi mo? I, Nisha Zelenia, noticed you and it is worth it.” Makita nga lang kita ay parang nawawala kaagad ang badmood ko, mga impakto pa na man din ang nasa paligid ko kaya kailangan ko ng cute na magpapa-goodmood sa akin. “Exactly! Bakit mo ako napansin?” umangat na ang paningin niya sa akin and I saw his eyebrow frowning, na parang takang-taka siya dahil napansin ko siya. “I am no one, an extra. Nobody notice me like you did, parang nabubuhay ako na invisible sa lahat. So how?” natigilan ako. Ito ba ang epekto ng pagiging extra sa novel? Dahil extra ka lang kaya ka parang invisible sa lahat? Bigla ko naalala ang totoo kong pamilya, sa reyalidad kung saan ramdam na ramdam ko ang pagiging invisible sa lahat. I'm beginning to like being here inside of the novel kahit na villain ako. Dito ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng pamilya ko, dito nasa akin ang attention ng lahat, dito sa novel mas ramdam ko na nabubuhay ako. Hindi katulad sa reyalidad na binabalewala lang ako ng lahat, na parang hindi ako nabubuhay sa mundo. Sa totoo lang hindi ko kayang sagutin ang tanong niya, hindi ko rin alam kung paano ko siya napansin. Hindi nakasulat sa novel na magkikita si Nisha at si Caleb, walang sinabi sa novel na nagkita o nagkakilala silang dalawa pero simula no'ng dumating ako dito may mga pagkakataon na nakakausap ko siya. From the moment I saw him, nakuha na niya agad ang attention ko. It feels like I am fated to him. “Hindi ka invisible para sa akin,” I smiled then I poked her hand and chuckled. “At kahit extra ka pa, I can still find you wherever in hell you are.” Nasa malayo ka man, nakatalikod ka man sa akin. Alam ko na ang feature ng likod mo, at kilalang-kilala ko ang hot na boses mo. Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. That's the reason why! She's too cute para hindi ko siya mapansin. “M-Magtanong ka na,” napaiwas siya ng tingin sa akin. He gave me permission, yey. “Hmm...” Ano ba ang una kong itatanong? Bakit ang cute niya?---no, baka mas lalo ako maging weirdo sa kaniya. “Na-in love ka na ba?” This is the only thing I could think. Masyado bang weird ang tanong ko? Am I crossing the lines? Isa rin naman 'yon sa mga gusto kong itanong eh. “Yes,” ngiting sagot niya. To be continued!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD