CHAPTER 26

2162 Words
DOON ako natigilan, may mahal siya. Nakaramdam rin ako ng sakit sa puso ko, parang may tumutusok doon. “W-Who?” “Ayoko sabihin. Baka pagtawanan mo ako,” he pouted. Gusto ko siya panggigilan at gusto ko mainis sa kung sino man ang mahal niya. Sinong babae ang nakabihag sa puso ng inosente at cute na lalaking ito? She better be more beautiful than me, hmp. “No. Hindi ako tatawa, promise.” Cross my heart, hope to Lorraine die. Just kidding, baka magka- totoo. Huwag kayo kumatok tayo sa table. Bumuga siya ng hininga bago ako sinagot. “My Mamay. Maganda siya, lagi niya ako inaalagaan, and she loves me so muc--” “Wait, who's mamay?” “Mamay is what I call to my mother,” nahihiya niyang sagot. “Amp...” nakagat ko ang ibabang labi ko at lumobo ang aking pisngi sa sobrang pagpipigil sa sariling matawa. “Pfft...hah!” tinakpan ko ang mukha ko dahil baka mahalata niya na natatawa ako. “Tsk! Ang s-sabi mo hindi mo ako p-pagtatawanan!” “Y-Yeah! Pfftt...that's why I am stopping myself from laughing.” “P-Pi-Pinagtatawanan mo ako!” “S-Sorry, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko, may tumakas na tawa sa bibig ko. “Damn! You're just too cute, I can't take this anymore!” hanggang sa nilabas ko na ang tawa ko. “HAHAHAKEKE!” nakagat ko ang bibig ko dahil sa lumabas na weirdo at nakakahiyang tawa ko. “Pffft...what the hell?!” ako naman ang nag salubong ang kilay nang humagalpak rin siya ng tawa, umurong na ang tawa ko dahil sa pagkapahiya. “W-What kind of laugh is that?!” natatawa niyang sambit. “Tumigil ka nga!” hindi naman ako ganito kahiya sa tuwing may makakarinig ng tawa ko. Alam ko naman kasi na mala- kontrabida at pang-witch ang tawa ko pero no'ng siya na ang nakarinig, feeling ko gusto ko na mag palamon na lang sa lupa. Nararamdaman ko ang pangangamatis ng mukha ko sa hiya. “I'm sorry. Damn! You're just too cute,” nangunot ang noo ko at mas lalo pa ako namula sa huling salita niya. I felt a dejavu, that's what I said to him earlier. Nang tumigil siya sa pag tawa ay tsaka ko lang napansin na namumula rin pala ang mukha niya katulad ko dahilan para sabay na magkaiwasan kami ng tingin. “M-May itatanong ka pa ba?” “Na-in love ka na ba except sa mamay mo, mama's boy?” inasar ko siya para maalis ang nakakahiyang pangyayari sa amin dalawa. “No.” Hindi ko alam kung madidismaya ba ako o masisiyahan, ibig sabihin lang no'n ay wala pa siyang nagugustuhan. “But there's this one girl that I am starting to like,” natigilan ako sa sunod niyang litanya. So may nagugustuhan nga siyang babae?! Huhu, ano ba talaga?! Lapag mo lang ang pangalan ng babaeng nagugustuhan mo para makapaghanda na ako ng kabaong. “She's popular, maganda, at mabait,” ngiti niyang sinambit ang characteristic ng babaeng nagugustuhan niya. Sikat naman ako at maganda pero wala sa characteristic ko ang pagiging mabait, doon pa lang ay talo na ako. Alam ko na naman na mabait ang tipo niya sa isang babae pero bakit pa ba ako umasa? Okay, I like him and I won't deny it to myself anymore. Hindi ko naman siya mapapansin kung hindi ko siya gusto 'no pero may iba siyang nagugustuhan. “Nakita ko na tumulong siya sa namamalimos na bata. Gano'n siya kabait,” sigurado ako na si Soleil ang tinutukoy niya, lagi na lang ang female lead na 'yon. Ngayon ko lang naramdaman ang mainsecure, tanggap ko naman sa sarili ko na hindi ako mabait at ayoko baguhin 'yon para lang magustuhan rin ni Cal. Ayoko matulad kay Nisha na handang gawin ang lahat at pinagsisik-sikan ang sarili sa taong nagugustuhan niya pero sa huli ay ikinamatay niya rin iyon, hindi ako ang tipo ng babae na naghahabol at ipinaglalaban ang nagu- gustuhan niya. “But she love someone else,” malungkot niyang dugtong. Bwisit na male lead at female lead na 'yan, sila lang ang masaya. “It's alright. Marami pa namang babae diyan,” like me. Nasa tabi-tabi mo lang ako, piliin mo ako dahil hindi kita hahabulin. If you won't choose me then I won't force myself to you, kakalimutan ko na lang ang nararamdaman ko. “No, she's different.” Wala, mukhang patay na patay siya kay Soleil. “Pero wala akong pag-asa sa kaniya, tsaka maraming nagsasabi na hindi kami bagay.” Hindi kayo bagay kasi tayo ang bagay, you're my guardian angel. “Maraming nakapila na manliligaw sa kaniya at wala ako sa kaling- kingan nila,” bulag lang yata ang hindi siya sasagutin sa oras na manligaw siya. “How about your family?” Iniba ko na ang usapan, nabi- bitter na kasi ako. Pero mukhang mali yata ang tinanong ko dahil natigilan siya at nag salubong ang kilay. “Wala na si Mamay, at hindi ko kasundo si Dad.” “S-Sorry...” Bwisit ka Nisha! Bakit kailangan mo pa banggitin 'yon? Nasira tuloy ang mood niya. “O-Okay lang, he's always disappointed in me. Mataas ang expectation niya sa akin at hindi ko kayang abutin iyon, I live on my own now dahil nag layas ako.” “You can live with me na lang Baby Cal.” “Huh?” Muntik ko nang matampal ang labi ko, gahd! Ang landi ko, kahit naman hindi ko siya habulin ay hindi ko pa rin maiiwasan na lumandi. Kung siya ba naman ang kaharap ko, why not. “I mean, how's living alone?” “A-Ahhh...better, lagi lang kasi kami nagtatalo ni Dad when I'm with him kaya mas maayos na umalis ako.” Then he's alone in his apartment? Sounds nice. When I was Angel, I was living by myself too. “May kapatid ka ba?” “Yes. Younger sister,” biglang nawala ang bad na aura niya at napalitan ito ng bright side no'ng mapag-usapan na namin ang tungkol sa little sister niya. “Pero makulit siya at spoiled brat, magkakasundo kayong dalawa.” Tumatawa siya that made me smirk. Hindi ko pa man nakikilala ang little sister niya ay nagugustuhan ko na ito. “She's living with my father,” tumango-tango ako. “Looks like you love your sister.” “Nope. Sobrang kulit niya,” kahit na ipagkaila pa niya ay alam ko na mahal niya ang kaniyang kapatid, hindi katulad ng kapatid ko sobrang sungit sa akin. Napangiti ako, pakiramdam ko kasi nagiging close na kami ng paunti-unti dahil nag o-open up na siya sa akin. “Kinakain mo pa rin 'yan?” kunot noo ko na tanong nang mapunta ang paningin ko sa puro gulay na kinakain niya, tignan ko pa lang iyon ay nasusuka na ako. “B-Bakit? It's healthy,” napanguso ako at nilipat ang paningin sa pagkain ko. Healthy nga ang kinakain niya, hindi naman masarap. “You should eat vegetables too,” nag salubong ang kilay ko nang lagyan niya ng gulay ang pagkain ko. “Hey! I don't eat d**o!” “A-Ayaw mo?” natigilan ako sa dismayadong mukha nito. “O-Okay, kukunin ko na lan–” “N-No! Kakainin ko yan,” pinigilan ko siya, ayokong makita ang dismayado niyang mukha. He offered me his food. I should eat this. Mariing napalunok ako nang mapabaling ang tingin ko sa gulay na binigay niya, pikit ang matang kinain ko ang gulay at ngiwing nginuya iyon hanggang sa hirap kong nilunok ang gulay. Damn! No one can make me eat vegetables, siya lang ang nakapagpakain sa akin ng gulay. “Do you like it? Ako ang nag luto niyan.” Hell no! I never like vegetables! Gusto ko iyon sabihin sa kaniya pero siya ang nag luto nito, ayokong madisappoint siya sa sarili niya kapag sinabi kong hindi masarap. “Hmm..I don't know why pero no'ng ikaw ang nag luto biglang sumarap ang gulay!” I acted like nasasarapan ako pero gusto ko na talaga sumuka sa oras na ito, nawala lang ang nasusuka na pakiramdam ko nang masilayan ang ngiti niya. “See? I told you! Hindi lang masarap, healthy pa.” Masaya niyang sambit na tinanguan ko na lang, “Here. Kumain ka pa,” parang nawalan ako ng buhay nang lagyan niya pa ng gulay ang kinakainan ko. Huhu, gusto ko na bumilis ang oras. ONE hour passed, sa loob ng isang oras tiniis kong kainin ang gulay na binigay niya sa akin. Malapit na rin mag simula ang klase kaya tumayo na kami. “Let's go together,” pag-aya ko sa kaniya. “Hindi ako makakapasok, may kailangan pa akong tapusin dito dahil malapit na ang exam.” Oh s**t! I totally forgot, malapit na ang exam day at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-aral. Aral na naman! Nakapag-aral na ako at tapos na ako ng college pero magaaral na naman ako, huhu. “Makakapasok ka na ba bukas? You won't going to avoid me anymore, right?” umaasa ko na tanong. “K-Kailan kita iniwasan?” utal-utal siya. Nagmamaang-maangan pa siya! Alam ko naman na iniiwasan niya ako. “Don't deny it, I know you're avoiding me. Wala naman ako nakakahawang sakit ah!” Napapahiya siyang nag baba ng tingin sa sahig at hindi nakasagot. “So papasok ka na nga bukas?” “Yes,” napangiti na ako sa sagot niya. “Then see you tomorrow! Sabay ulit tayo kumain!” “Then I will pack a food for you too,” namutla ako sa masayang tugon niya. Bibigyan na naman niya ako ng d**o at dahon na niluluto niya, huhu. “T-Thanks!” Bigla ako nawalan ng kulay nang maisip ang lasa ng gulay but it's satisfying naman sa tuwing masisilayan ko ang ngiti niya. “Alis na ako, Baby Cal,” I wink before leaving. My gosh! I'm so maharot talaga. Chelsey's POV Naglalakad ako papunta sa security control room operator, sinabihan ako ni Nisha na tumingin sa CCTV footage to know who's the culprit behind the poster. Napansin ko na hindi nakasarado ang pinto ng control room, nakaawang lang ng koonti ito. “Why are you so fvcking nervous?” Natigilan ako nang may marinig na nag salita sa loob. Nang sumilip ako sa maliit na awang sa pinto ay nakita ko si Lorraine, kaharap niya si Soleil na salubong ang kilay. What are they doing here? Kinuha ko sa aking bulsa ang phone ko and I started to take a video. “I-I'm not nervous, okay?!” “You better be, you can't fvck up my plan. Now, hurry up and delete the footage before someone comes here,” iritableng sambit ni Soleil. “Don't boss me around!” galit na sagot niya. “I wouldn't have team up with you kung hindi lang dahil sa Nisha na iyon! That b***h is annoying, that's the only reason why I am teaming up with you.” “Ang dami mong satsat, bilisan mo diyan.” “You're fvcking annoying, just go and leave this to me.” Tinigil ko na ang pag kuha sa kanila ng video at umalis na bago pa lumabas sa room si Soleil, hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tumatakbo dahil napuno na ng isip ko ang narinig ko kanina. I can't believe this, the girl who I thought was an angel was actually sent from hell. She's a two-face, kaya pala gano'n na lang kaingat si Nisha sa tuwing malapit sa kaniya si Soleil. Nasaan ba si Nisha? I have to tell this to her. “Outch! Pader?” natigil ako sa pagtakbo nang tumama ako sa pader. “Augh! Ilang beses na ako tumatama sa pader. Hindi pa rin talaga ako sanay sa contact lense ko,” napabuntong hininga ako. “It's not a wall, lady,” natigilan ako nang makarinig ng baritonong boses. “It's my chest,” dahan-dahan kong inangat ang aking tingin. Shit! He's like a greek god, sobrang hot at guwapo niya. Puwede na ako mamatay, nakakamatay ang kaguwapuhan niya. “S-Sorry.” “Are you blind? Hindi ka marunong tumingin sa dinadaanan mo,” nagsalubong ang kilay ko sa tono at salita niya. I take it back, hindi ako puwedeng mamatay sa ugok na lalaking ito. “Nag sorry na nga ako 'di ba?!” nakita ko na bumuga siya ng hininga dahilan para mainsulto ako. “Bakit asar na asar ka?! Nag sorry na naman ako, ah?! 'Di ko naman sinasadya, ang arte mo!” “I'm not.” “Hmp! Pogi nga, masama naman ang ugali.” “Move.” “Tsk!” iritable na dumistansya ako at naglakad na paalis. “Where in hell is she?” nagpatuloy ako sa paghahanap kay Nisha. To be continued!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD