LITERAL na nahimatay si Baby Cal sa sobrang kilig at hiya. Ayon kila Kirv ay normal lang daw iyon kay Baby Cal sa tuwing nao-overwhelmed siya kaya maaga kami umuwi galing school. Pumunta kami sa hideout at pinagpahinga si Baby Cal sa kuwarto niya, puro white and black rin sa room niya pero amoy baby ang kuwarto niya. Pagkauwi ko ay nasa kuwarto ko na si Chelsey at naghihintay sa akin, nag overnight siya sa mansyon at pinag-usapan namin buong mag damag ang nangyari kanina. Alam niyo 'yong pakiramdam na parang hindi totoo ang lahat? Na parang nasa panaginip ka lang? 'Yon ang nararamdaman ko ngayon. Kung panaginip man ito ay ayoko na gumising at kung hindi man totoo ang lahat ay ayoko na sa reyalidad, dito na lang ako. Alam ko na totoo si Baby Cal, pati ang mga character dito dahil toto

