NAKANGITI siya sa akin kaya labas ang kaniyang dimple, habang ang kaniyang mata ay deretso ang paningin sa akin na parang ako lang ang taong nakikita niya. “Uso pa ba, ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka. Sino ba 'tong, mukhang gago Nagkandarapa sa pagkanta At nasisintunado sa kaba.” Owemji, he's coming! Naglakad siya palapit sa akin habang kumakanta. Ang lamig ng boses niya at ang hot ng boses niya, ang sarap pakinggan. Sumasabay sa beat ng kanta ang bawat pag t***k ng puso ko. Nang makalapit siya sa akin ay matatamis na ang ngiti niya, pero muntik na ako matawa nang mapansin ang nanginginig niyang mga kamay at ang namumula niyang mukha. I can see how embarassed he is right now, that made my heart melt and fluttered. Sobrang ingay na rin sa paligid namin dahil sa iritan ng la

