MASAMANG balita means Nisha? Kakabit na ng pangalan ko ang masamang balita eh, sigurado ako na tungkol na naman iyon sa akin.
“Ano?”
“In a relationship na si Haru at Soleil.”
“So what? Kailangan ko ba magpafiesta?” iritable na tanong ko.
“A-And they are all making fun of you, sabi nila kaya ka daw hindi nagustuhan ni Haru at kaya daw nacancel ang engagement niyo ay dahil.....” hindi niya naipagpatuloy ang linya niya kaya pinagkunutan ko na siya ng noo.
“What? Sabihin mo sa akin.”
“D-Dahil daw sa m-masama mong ugali.”
Oh fvck! How can I forget this scene?! Nakalimutan ko na darating ang scene na ito na magiging katawa-tawa si Nisha simula no'ng mag pretend sila na in a relationship at in love sa isa't-isa. At bakit ako pa ang sinisi nila kaya nag cheat sa akin si Haru? Let's say your boyfriend cheated on you, but then everyone are blaming you for his cheating because of your bad attitude. Wala ako nabasa sa novel na naging masama si Nisha kay Haru, sobrang lambing niya nga sa kaniya.
I already said na gusto kong itigil ang kasal para hindi mangyari ang scene na ito pero nangyari pa rin.
“Huwag kang mag alala, huhupa din ang usapan nila tungkol sa'yo. Sa ngayon ay 'wag ka munang pumaso----”
“No, I can't back down now. Kung gusto nila ng may pag uusapan then I will give it to them.”
“Nisha, don't make a scene! Ikaw lang ang mapapasama,” bakas sa mukha niya ang pag aalala dahilan para mapangiti ako sa gitna ng haharapin ko na problema.
“Huwag kang mag alala sa akin Chelsey. Just trust me,” inayos ko ang buhok niyang nagulo dahil siguro sa pagkakataranta niya at maglalakad na sana paalis para harapin ang lahat pero hinawakan niya ang aking kamay kaya natigilan ako.
“If you're going, then I will go with you.”
“Now, we're talking!” masaya kong sambit. “Pero kaya mo bang sabayan ang kabaliwan ko?”
“Kakayanin ko,” tumatawa niyang tugon tsaka na kami nag lakad papasok.
Habang naglalakad kami ay lahat ng estudyante ay nakatingin sa direksyon ko at ang iba pa ay pinagbubulungan ako habang pinagtatawanan, may solusyon na ako para matigil ang usapan na ito at bigyan sila ng panibagong usapin.
“Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong niya.
Naglalakad na kami sa field, papunta sa malaking building.
“Basta panoodin mo lang ako, okay ba?”
“Okay. Just give me a fun scene,” napangiti ako, nakakasabay na siya sa akin ah.
Papasok na sana kami sa building nang makasalubong namin ang bida sa usapan ng mga estudyante dito, It's Soleil.
“N-Nisha...” umakto siya na nagulat nang mapatingin sa akin, pero tinaasan ko lang siya ng isang kilay.
Nag simula na kami palibutan ng lahat ng estudyante para panoorin ang eksena.
“Omyghad! Call Haru, I'm sure aawayin niya si Soleil.”
“Ang dalawang magkaribal ay nagkabanggaan.”
“Wala pa man ginagawa si Nisha ay naaawa na ako sa kaniya, baka patalsikin rin siya dito sa school.”
“Soleil and Haru are a perfect match pa naman.”
“What do you expect from the villain? I'm sure gagawin niya ang lahat mapaghiwalay lang ang dalawa.”
Napabuntong hininga ako sa naririnig na bulungan, wala pa naman ako ginagawa pero kontrabida na kaagad ako.
Hindi pa ako ready, wait kang naman! Nilipat ko ang aking tingin sa katabi ko.
“Chelsey, go get the microphone at the ssg faculty room. Hurry,” agad siyang tumango.
“Be careful,” salita niya bago na tumakbo paalis para sundin ang utos ko.
Nang makaalis si Chelsey ay binalik ko ang aking pansin sa scene na nagaganap ngayon.
“Nisha, I-I'm sorry because of me your engagement with him got canceled. I know you love him but we love each other,” sa linya niya ay parang ginagawa niya akong kulelat. “I hope you understand me. I love him at nang malaman ko na mahal niya rin ako ay hindi ko napigilan ang sarili kong mahalin pa siya lalo,” nanliit ang mata ko sa kaniya, tinatantsa ang bawat salitang nilalabas ng kaniyang bibig at ang kilos niya.
“Woah!” manghang tumawa ako.
As in woah lang talaga, I am speechless.
“She won't let this pass.”
“Someone is already calling Haru!”
“Don't give up on Soleil, you and Haru are a perfect match.”
“This b***h! Just let Haru go, he doesn't even love you from the start!”
“Yeah, you just forced him to marry you!”
“I know it's all my fault but I can't stop myself from loving him.”
Hell yes! It's all your fault, alam mo namang ikakasal na yo'ng tao pero inagaw mo pa rin. Not that I love that asshole but she should at least back off if she knew na ikakasal na yo'ng lalaki, tho maganda na rin na in a relationship na sila.
“No, Soleil! It's not your fault!”
“Awww, poor girl.”
Magsasalita na sana ako pero natigilan ako nang may makitang malaking poster na unti-unting bumababa at nilagay sa building kung saan makikita ng lahat.
Nanlaki ang aking mata nang mabasa ang nakasulat sa poster.
‘NISHA ZELENIA IS A VILLAIN b***h WHO CAN'T LET HARU GO. AN OBSESSED CRAZY GIRL WHO'S PRISONING HIM, YOU EVEN THREATENED SOLEIL JUST TO HAVE HIM. LET HIM GO, b***h!’
They even had an image of me with a two horn on my head, ginawa nila akong demonyo sa poster.
Kumuyom ang kamay ko at nag ngalit ang aking mga ngipin dahil sa namumuong galit sa akin. I want to kill someone. Whoever made that poster, better pay for what they did. Kulang na lang ay ipaalam nila hanggang sa labas ng school kung gaano ako kasama, this is the humiliation they gave to Nisha.
“Nisha! What the hell is going on in here?!” malakas at galit na tinawag ni Haru ang aking pangalan.
Wala naman siyang alam sa nangyari pero tila sigurado na agad siya na inaapi ko ang Soleil niya.
Bumaling siya kay Soleil and he held her hand.
“Soleil, are you okay? Did she hurt you?” hindi ko napigilan ang pagkuyom ng aking kamay dahil sa galit.
Kailan ko sinaktan ang babaeng iyan?! When did I threatened her?! Ahhh...Lorraine did threatened her, but since they all know na sumusunod lang siya sa mga utos ko at alipores ko siya kaya they are all thinking na ako ang nag threatened kay Soleil.
“I-Im okay, b-babe. Besides this is all my fault, nangyari ang lahat ng ito dahil sa akin.”
Dahil sa litanya niya ay halos lahat sila ay nakatingin na ng masama sa akin habang sa tuwing babaling naman ng tingin sa kaniya ay awa ang binibigay nila.
To be continued!