Haru's POV
It's the same old day. I get up in bed in the morning. After I showered, I'll get down from my room to eat breakfast.
The only difference now is that my father doesn't want to see me, until I get Nisha back. Kaya ako lang, si Tita, at si Nyx ang nagbe-breakfast ngayon.
Malaki lagi ang expectation sa akin ni Dad, lagi niya ako pinagmamalaki sa mga business partner niya kaya naman ganito na lang ka-disappointed sa akin si Daddy nang maging against si Nisha sa kasal namin dalawa.
“Are you okay, sweety?” Tita Ashley asked while we're in the middle of eating.
“Yes, Tita.”
Narinig ko ang malakas na buntong hininga niya bago mag salita.
“Don't worry, sweety. Kinakausap ko na ang Dad mo and he said he just needs to cool down his head, everything will going to be fine.” Matamis na ngumiti siya sa akin tsaka nilagyan ng food ang plate ko, “Kumain ka ng kumain.”
“Tsk! Nanay, nandito rin ako. Asikasuhin mo rin naman ako!” malakas na nag salita si Nyx pero tinawanan lang siya ni Tita.
“Mataba ka na, you need some diet. Look at Haru's muscle!” sumama ang tingin sa akin ni Nyx pero hindi ko na lang siya pinansin, sanay na ako sa inaakto ni Nyx dahil nasa iisang bahay lang naman kami.
He's my best friend back when we're just kids but suddenly hindi na kami nag uusap after our parents announced na magpapakasal sila. I'm okay with Tita naman but no one can replace my mother in my heart, and maybe gano'n rin ang nararamdaman ni Nyx. That's why things got awkward between us.
Isa rin sa mga nag bago ay wala nang Nisha na nanggugulo sa akin. Matapos ang pag-uusap namin ni Dad ay ginawa ko ang lahat para mag selos si Nisha pero never siyang tumingin sa direksyon ko, ramdam ko ang kawalan niya ng interes sa anumang gawin ko. Susuko na sana ako dahil nagmumukha na akong tanga when I heard her and Lorraine talking at the back of the library. I still remember what she said.
FLASHBACK
Inikot ko ang buong school para bantayan kung sino ang mga lumalabag sa rules at mga nag ka-cutting class but without noticing, I am walking straight to where Nisha's favorite place here in school.
Aalis na sana ako because I know she hates my presence, I have never hated before and I never imagined Nisha hating me before. All I know is that she loves me so much, not until she said that she doesn't love me and that she only likes me as a toy. Like a kid who wants a toy.
“Do you know Soleil?” narinig kong nag salita si Lorrain.
I didn't mean to eavesdrop but I heard Soleil's name. These days I am always with her.
“No, who is she?”
“I saw her flirting around with boys but this time she's flirti---.”
Flirting? She's not like that. Ang mga lalaki ang lumalapit sa kaniya, hindi siya. What is this girl saying? I've known Soleil since the day I accidentally ran over her and I never saw her flirting with a bunch of guys, she's too innocent to flirt with them.
“Mag tagalog ka,” pangbabasag ni Nisha sa kaniya.
Simula no'ng malunod siya sa pool ay nahilig na siya mangbara sa mga kausap niya, I always experience it when I am talking to her.
“O-Okay. Nakita ko siya na nilalandi ang mga lalaki dito sa school, sa una ay hindi ko iyon pinapansin but this time si Haru naman ang nilalandi niya!”
What the hell?! She never did that! This b***h is like a devil that whispers in her ears to make her do bad things.
“Kung nakita mo lang kung paano niya nilalandi si Haru! She's clinging to him, nagkakaroon na rin ng rumor na in a relationship sila!”
That's useless, she doesn't like me kaya sigurado ako na wala siyang pakeala---“Really?! No way!” kumunot ang noo ko.
Why does she look jealous? Akala ko ba wala siyang pakealam sa akin? Then what's this?
“That b***h! How dare she lay a hand on what's mine?! I will rip every girl who touches what's mine, got that?!”
Is she declaring that I am her's? Dammit, Soleil is in danger. Aalis na sana ako para puntahan si Soleil but her next words made me stiff.
“Haru is mine!”
S-She still likes me? N-No wait, she's only obsessed with me. Remember Haru, she's like a kid who only sees you as a toy that she wants to play with.
Obsessed lang siya say----Isn't that great? She's obsessed to you means she only wants you, I don't know why but there's a part of me that likes the idea of her being obsessed with me.
“Exactly! I already warned her but she didn't listen to me and Yannah stopped me! You need to teach them a lesson, Nisha!”
‘No, Haru! Snapped out of it!’ I slapped myself to move away all of the thoughts inside my head, pakiramdam ko ang abnormal ko.
‘Why am I happy when she claims me? Dammit! This is not good.’
“Bitch.”
“Yeah! She's a b***h---”
“No, I am talking about you. You're the b***h,” what? Did she finally notice that Lorraine is just using her? Lorraine is trembling in fear. “Anong karapatan mong kumilos ng walang pahintulot ko?”
“N-No, you're w-wrong. I-I'm just---”
“I am wrong?”
“N-No, I-I mean...”
“You said you already warned her without my consent? Looks like you are forgetting something, Lorraine.”
Nope, she doesn't notice it. Galit lang siya dahil kumilos ng walang pahintulot niya si Lorraine, nakita ko na tumayo siya at may pen siyang kinuha sa bulsa niya.
Ano ang gagawin niya sa pen?
“Alipores lang kita Lorraine, I am your superior and you are inferior to me. Know your place!”
“AHHH!” nanlaki ang mata ko nang isaksak niya ang pen na hawak niya sa tabi ng inuupuan ni Lorraine.
“Hah! Dumaplis,” she's crazy, I have to protect Soleil from her. “Huwag kang kikilos nang wala ang utos ko, naiintindihan mo?”
“Y-Yes.”
Bumalik na siya sa pagkakaupo niya at nginitian si Lorraine na parang walang nangyari kanina.
“Why are you trembling? Relax!”
It's because you're scaring her, you psycho! I don't know if I should pity Nisha because Lorraine is using her or I should pity Lorraine because of Nisha's crazyness.
“About Soleil, let me handle her first. Huwag kang gagawa ng hakbang ng walang pahintulot ko,” this isn't good.
“Y-Yes...yes.”
“If you understand, don't do anything stupid.”
“Ye-Yes, I promise you!”
“Iyon lang ba ang gusto mong sabihin?”
“Yes, t-that's all.”
“Then get lost, I don't want to see your stupid face.”
FLASHBACK END
Hindi ko alam kung bakit gusto niyang mapatigil ang kasal namin gayong obsessed siya sa akin.
Simula no'ng narinig ko ang paguusap nila ay lagi na ako nasa tabi ni Soleil para kung sakaling magkabanggaan silang dalawa ni Nisha ay mailayo ko siya mula sa kabaliwan ng babaeng 'yon.
I think she's sick. Bakit hindi parin siya dinadala ng parents niya sa mental institution para naman gumaling na siya? She even refused me when I give her my black suit, If she's obsessed in me then she should just accepted it. Buti na lang ay kasama ako ni Soleil no'ng araw na magkabanggaan silang dalawa pero wala naman siyang ginawa sa kaniya, kalmado lang siya kahapon and she walked aways elegantly.
Hindi ganoon ang kilala kong Nisha, ang kilala kong Nisha Zelenia ay mamumula sa galit at ipapahiya si Soleil dahil nadumihan ang mamahaling dress niya.
Could it be when she drowned in the pool, she finally came to realized na maging kalmado sa lahat ng oras? I have been wracking my brain since yesterday and I still can't understand her. She's like an open book before, but now It's hard to read her.
Pangatlong nag iba rin sa araw ko ay naging kami ni Soleil but it is just all an act, I need to pretend that I'm in love with her para mapagselos si Nisha.
I am starting to doubt if she really wants to stop this marriage. If she really likes me then why is she refusing to marry me? Is this her plan? To make me fall for her by keeping a distance from me, she thinks that I will fall for her through that? She thinks I will miss her?! She should see a psychiatrist para matanggal na ang obsession niya sa akin, but kailangan matuloy ang kasal namin.
“Hoy! Kunin mo yo'ng bacon, kanina pa kita tinatawag! Tulala ka diyan!”
I snapped back into reality when I heard Nyx loud voice, salubong ang kilay ko na tumingin sa kaniya.
“What?”
“Abutin mo!” tinuro niya ang plate na may mga bacon malapit sa akin. “Nanay, oh! 'Di ako sinusunod ng ugok na ito!” nag sumbong pa siya, hindi naman siya kinakampihan ni Tita.
“You have hands. Get it yourself, Nyx!” salubong ang kilay na salita ni Tita.
“Kapag sa kaniya sweety ang tawag mo pero kapag sa akin Nyx!” parang bata na nag dabog ito. “Makaalis na nga! 'Di ko kayo bati, tandaan niyo ang araw na ito. Ikaw naman ugok, kapag may pinaabot ka sa akin hindi rin kita susundin!” huling litanya niya bago nagdadabog na umalis, napailing-iling na lang kami ni Tita.
“Pagpasensyahan mo na lang si Nyx, isip bata pa rin siya,” ngiting baling sa akin ni Tita.
“Sanay na ako sa ugok na 'yon,” sinuot ko na rin ang bag ko para makaalis na. “Alis na rin po ako,” paalam ko sa kaniya.
“Sige, iho. Be careful!” sigaw niya pa bago ako tuluyang nakaalis.
Nisha's POV
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa entrance ng school ay nakita ko na si Chelsey na naghihintay sa akin, ngiti ko siyang nilapitan.
“Good morning!” masaya na pagbati ko sa kaniya.
Hinintay ko ang pag bati niya sa akin pero ang sama ng mukha niya at nag aalala siya na nakatingin sa akin.
“What's wrong?” nagtataka ko nang tanong.
“K-Kasi may kumakalat na masamang balita sa school, Nisha!”
To be continued!