Ilang araw ng hindi mapalagay si Adelhine. Ginugulo pa rin siya ng kaniyang nakita noong nakaraan. Hindi niya lubos akalain na nagsinungaling si Matteo sa harap mismo ng mga magulang nito at ginawa pa siyang kasangkapat! That was humiliating! Paano nagawa iyon ng lalaki? Paano nito naitago ang totoong may asawa at anak na ito? Hindi ba ito nahihiya sa ginawa nito? Frustrated, she leaned on her swivel chair and gently massaged her temple. Kahit ayaw niyang magpaapekto, naapektuhan pa rin siya— at hindi niya alam kung bakit. “Sh*t!” she cursed. Iniikot niya ang kinauupuan at tumanaw sa glass wall ng kaniyang opisina. Busy streets— iyon ang nakikita niya. Puro dumaraang tao at buhol-buhol na trapiko, palibhasa, nasa tabing daan lang ang kinaroroonan ng puwesto/opisina ng Gabhenee. Na

