Chapter 11

1345 Words
Chapter 11 “S-Sinasabi mo ba na ang nilalang na hinahanap nila ay...” Itinuro siya ni Haze. “Hindi ako isang daan porsyento na sigurado pero dahil sa marka ng krus sa kamay mo, dahil sa nakikita mo ang mga itim na ispiritu at ang mga apoy sa dibdib ng mga tao isa ka sa mga nilalang na nasa isip ko na hinahanap ni Lixevus.” “Kaya upang maprotektahan kita sa mga  itim na ispiritu kailangan ko na manatili sa tabi mo. Malakas ang pang-amoy nila sa iyo, maaaring sundan ka nila at... mapahamak pa ang mga magulang ni Emmanuele.” “H-Hindi maaari iyon,” sabi niya. Nakaramdam siya ng takot para kay Ellaine at kay Martin. Naalala niya ang pagmamahal sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Naalala niya ang mga salitang binitawan ng mga ito, kung gaano ang mga ito nagpapasalamat na nabuhay siya. Kailangan kong pangalagaan ang bagong buhay na ito. Para sa mga magulang ni Emmanuele at para na rin malaman kung makakabalik pa ako sa mundo ko at kung makakabalik rin si Emmanuele sa kaniyang katawan.     Kinabukasan ay maaga siyang ginising ng kaniyang ina, ito na mismo ang naglabas ng mga damit na susuotin niya. Inasikaso siya nito at ito pa ang nagsuklay ng buhok niya. Kitang-kita niya ang kaligayahan sa mukha nito habang ginagawa iyon. Bigla naman niyang naalala ang sinabi ni Haze na maaaring malagay rin sa alanganin ang buhay ng mga magulang ni Emmanuele dahil sa mga masasamang ispiritu na iyon. “Ayan, handa ka na,” sabi ng kaniyang ina sa kaniya. “S-Salamat po, mama.” “Ihahatid ka ng papa mo, may dalawang bodyguard rin na magbabantay sa iyo, hindi sila aalis sa tabi mo kahit saan ka magpunta. Mga trained bodyguards sila at ang pinakamagagaling. Hindi na namin hahayaan na may mangyari pa muli sa ‘yo.” Niyakap siya nito at pagkatapos ay sinamahan na bumaba. Hinawakan ni Lucy ang coat ng uniform na suot niya. Maigi ang skirt at hindi siya kumportable. Ganoon pala ang mga uniporme ng mga mag-aaral sa mundong iyon, sa mundo kasi nila ay mahahabang kasuotan na kulay puti. “Let’s go?” sabi ni Martin. Tumango siya at humalik naman sa pisngi niya ang ina. Nang makaalis sila sa mansion ay hindi inaalis ni Lucy ang kaniyang paningin sa labas ng bintana. Kitang-kita niya ang apoy sa dibdib ng mga tao at sa tuwing makakakita siya ng pulang apoy ay nalulungkot siya. “Kami ang mga pumapaslang sa mga itim na ispiritu na kumakain ng mga tao. Maaari mo akong pagkatiwalaan, wala akong ibang masamang intensyon sa iyo.” Napabuntong hininga siya nang maalala ang sinabi ni Haze. Walang ibang nakakakilala sa totoong pagkatao niya kung hindi ito lamang. Nakita niya kung paano makipaglaban ang mga ito sa mga itim na ispiritu at pakiramdam niya ay mapagkakatiwalaan niya ang lalake kaya’t sinabi niya dito ang totoo. Isa pa, matalino si Haze, bago pa man niya ideny ang totoo ay nakangalap na ito ng impormasyon tungkol sa kung ano ang totoong nangyari kay Emmanuele. Nahuli siya nito kaagad at wala siyang ibang masabi na paliwanag dito kaya’t sinabi niya ang totoo. “Narito na tayo, anak.” Napatingin siya sa ama niya nang magsalita ito. Hindi niya napansin na huminto na pala ang sasakyan nila. Bumaba siya at ganoon rin ito, pagkatapos ay may isang sasakyan na huminto sa likod nila. Dalawang lalake na nakauniporme ang bumaba na sa tingin niya ay ang magbabantay sa kaniya. “Mag-iingat ka, tawagan mo ako kung may problema, ha?” sabi ng ama niya sa kaniya. May inaabot ito sa kaniya. Cellphone... Kinuha niya iyon, “Opo, mag-iingat po kayo.” Nang makaalis ang sasakyan ng kaniyang ama ay napatingin siya sa paligid. Ang mga estudyante na naroon ay napahinto sa paglalakad nang makita siya. Ang mga mata ng mga ito ay nasa kaniya. Hindi nakaligtas sa kaniya ang salita ng mga ito. “They said that it’s a miracle. My dad was one of the doctors who saw the stabs. Sabi ni dad himala raw na nabuhay ito pagkatapos napakaraming saksak na iyon. Tinamaan pa ang mga important organs.” “I guess the saying is true. Ang masamang d**o matagal mamatay.” Napayuko siya at hindi na lamang pinansin ang sinasabi ng mga estudyante. Tinungo niya ang silid ng first subject niya nang umagang iyon. Nakalagay sa notebook niya ang kaniyang schedule. “Ang sabi-sabi rin ay nawala ang memorya. Wala raw matandaan.” “Yes, so we can do everything to her. Makabawi manlang tayo sa kasamaan na ginawa niya sa atin dati. That btch. Magbabayad siya lalo pa at isa ang boyfriend ko sa pinaglaruan niya.” Napapikit siya ng mariin nang marinig ang sinasabi ng mga estudyante mukhang hindi basta-basta ang ginawa ni Emmanuele noong nag-aaral ito. Mukhang maraming kalokohan itong ginawa na kailangan niyang paghandaan dahil sa narinig niya ay gaganti ang mga ginawan nito ng kasamaan. Napahinto siya sa paglalakad at nilingon niya ang dalawang bodyguard na nasa likod niya. “A-Ahm, tama ba ang daan na tinatahak ko? hindi ko kasi matandaan ang classroom ko,” sabi niya. Lumapit sa kaniya ang isang lalake at tiningnan ang notebook na hawak niya. “Sa palagay ko po Ma’am Emmanuele tama naman po, kailangan lang po ninyong lumiko pagkatapos ay naroon na po ang room ng mga business management students.” Tumango siya sa bodyguard, “Salamat.” Nang marating niya ang classroom ay napakaingay ng mga estudyante doon. Dahan-dahan siyang naglakad papasok. Nang mapansin siya ng mga ito ay napatigil ang mga ito sa pagsasalita at sa mga ginagawa. Naiwan na sa labas ng classroom ang mga bodyguard niya. Nang makaupo siya sa dulong upuan ay pinanatili lamang niyang nakayuko ang kaniyang ulo. Ramdam na ramdam ni Lucy ang tingin ng mga estudyante sa kaniya. “Class, go back to your seats! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na kapag nakita ninyong oras na ng klase ay umayos na kayo sa kaniya-kaniyang ninyong mga upuan!” Umangat ang tingin niya nang marinig ang boses na iyon. Mukhang dumating na ang teacher nila. “Oh, Ms. Gricia, it’s good to see you again. Mabuti naman at maayos na ang kalagayan mo— “Ma’am I think she’s an evil. Imagine with those stab? Hindi na makakabuhay pa ng tao iyon. Maysa demonyo ata itong is Gricia,” sabi ng isang lalake. Nagtawanan ang mga kaklase niya dahil doon. Napayuko siya. Huwag mo na lang silang pansinin, hayaan mo na lang sila. Sabi niya sa sarili. “Stop! What are you thinking Mr. Domingo?! Ginagawang katatawanan na ba ngayon ang aksidente? Ms. Gricia almost die! Ganito ba kayo kawalang pakialam sa buhay? nakakahiya!” Natahimik ang buong klase sa sinabi ng guro. Ilang segundo pa ay tumingin ito sa kanan sa gawing pinto. “May bago kayong kaklase ngayong araw, transferee.” Transferee? Isang buwan na lang at matatapos na ang school year. Graduation na rin. “Mr. Walker maaari ka nang pumasok.” “Oh my...” Hindi inaangat ni Lucy ang kaniyang paningin ngunit base sa narinig niya sa mga kababaehan na naroon ay mukhang may itsura ang bago nilang kaklase. “May girlfriend na kaya siya?” “He looks so cool!” “Ang gwapo. His eyes are beautiful. I think he’s half.” “Let’s ask him later!” “Mr. Walker introduce yourself first before you find your seat,” sabi ng guro nila. “Hello, My name si Haze Corlson Walker.” Biglang umangat ang kaniyang mukha nang marinig niya ang boses na iyon. Hindi siya makapaniwala! “Okay, Mr. Walker sa tingin ko ay doon ka na lang maupo sa likod ni Ms. Gricia. Wala na rin pa lang ibang bakante na upuan.” Naglakad si Haze papunta sa likuran niya at siya naman ay hindi makapaniwala. Nang makaupo si Haze ay narinig niya ang boses nito sa likod. “I told you, hindi ako aalis sa tabi mo. Poprotektahan kita.”      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD