CATHERINE’S POV DAHAN-DAHAN akong dumilat nang maramdaman ko na parang nakagapos ang mga kamay at paa ko. And I was right. Dahil nakatali nga ang mga ito habang nakahiga ako rito sa kama na hindi pamilyar sa akin. Saka ko lang naalala na may dumukot nga pala sa akin kanina at pinatulog ako. Pinilit kong bumangon kahit mahirap, saka ako sumigaw nang malakas habang nakatingin sa pinto na nakasara. “Hoy, pakawalan n’yo ako dito! Hoy!” Pero nakailang sigaw na ako ay wala pa ring nagbubukas ng pinto para pansinin ako. I don’t know if soundproof lang ito kaya hindi ako naririnig sa labas. Marangya at malaki kasi itong silid na kinaroroonan ko. Hindi ko na kailangang isa-isahing tingnan ang mga palamuti para masabi kong mayaman ang may-ari nito. Sapat na automated door and window na nakikita

