Ellie Pabagsak kong inihiga ang aking sarili sa kama. Katatapos lang ng shift ko sa pinagtatrabahuan kong fast food restaurant. Gutom at pagod ang naghari sa sistema ko pero ang diwa ko ay gising na gising pa. Kaya kahit madaling-araw na at kailangan ko nang matulog ay hindi ko magawa. Alas otso pa ng umaga ang pasok ko sa eskwela. Kahit nakahiga ay isa-isa kong hinubad ang aking uniporme. Tanging ang half-slip shorts ko at bra na lamang ang natira sa katawan ko. Heto na naman ako sa pag-iisip. Every time I can’t get myself to sleep, I resort to overthink to tire myself. Maybe I needed a longer shift at work, eh? It’s been what? Almost a year na akong nakabukod at nagsisikap na magtrabaho para sa sarili ko. Tuloy pa rin naman ang tulong sa akin ni Sir Alfie sa aking pag-a

