Ellie Pagkatapos naming mag-usap ni Lucas, I tried my best to act normal. Ganoon naman talaga ‘di ba? Kung gusto mong makalimot agad, kailangan mong ilaan sa ibang bagay ang atensyon mo. Natapos ang araw na iyon. Sumabay na ako kay Roscar pauwi. Naga-ambag na lang ako sa gasolina kahit lagi niyang tinatanggihan. Katwiran niya’y may budget naman daw siya para roon. Nang makauwi ako sa mansyon, napansin kong medyo abala ulit sila sa kusina. “Dumating ang asawa ni Sir Alfie. Naku! Buntis na rin. Ang ganda-ganda niya, Ellie. Mamaya makikita mo siya.” Sabi ni Ate Rita. “May asawa na si Sir Alfie? Eh ‘di ba walang girlfriend ‘yun?” takang tanong ko. Sa itinagal ko rito sa mansyon, wala pa akong nakitang babae na inuwi niya rito. “Nagulat nga kami ni manang eh. Malihim talaga

