Three

1717 Words
“Paborito ko itong halaman na nagre-representa ng walang hanggan, katapatan at matibay na pagmamahal.” “Ang halaman din na ito ay malakas, matibay, matapang. Kaya nitong lumaki sa kahit na anong kapaligiran.” “Parati mong tatandaan ang ibig sabihin ng iyong pangalan, Lierre. Nandito lang ako para sa ‘yo, kasama ko ang iyong ina.”   Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Muli akong napapikit nang tumama sa mga ito ang liwanag na nagmumula sa bintana na nasa ulunan ko. Ginamit ko ang kaliwang palad ko upang harangan ang nakasisilaw na sinag ng araw habang ang kanang palad ko ay ipinangsuporta ko sa aking pag-upo. Umiikot pa ang paningin ko nang dahil sa bigla kong pagbangon, ngunit ipinagpatuloy ko ang paglibot ng tingin sa hindi pamilyar na mga pader at disenyo ng silid na kinaroroonan ko. Where am I? What in the world happened to me? Nitong mga nakaraang araw, napapansin ko na lagi na lang akong tulog at magigising na lang na litung-lito. Biglang bumukas ang puting pinto ng silid at iniluwa nito ang dalawang pigura ng tao na nag-uusap. Nahinto lamang ang mga ito nang maramdaman ang presensya ko at mapalingon sa akin. “Uh... what the f**k, Vergel?” naibulalas ng babae at tiningnan ng masama ang kasamang lalaki. Nanatiling nakatulala sa akin ang huli hanggang sa mag-walk out na ang kanyang kasama. Hindi na niya pinansin ang babae dahil nakapukol ang atensyon niya sa ‘kin. “Hmm... this may sound rude but,” he nervously said while his eyes were still fixed on me. “What the hell are you doing in my room?” Tumaas ang isang kilay ko sa tinuran niya. Ilang sandali pa, tila isang bagyong rumaragasa sa ulo ko ang iba’t ibang imahe ng nangyari sa akin bago ako nagising dito. Nasa dagat kami, nakasakay ng bangka papunta sa Magi Island, kasama ko ang dalawang miyembro ng Mortal Seven, both unconscious... then what? Ibinaling ko ang tingin kay Vergel, if I heard his name right. “Nasa Magi Island na ba kami?” Alangan man ay nagawa niyang tumango. “Yes. West side of the island, Grenvoir Residence. Inside my bedroom to be exact.” “By any chance, is this where Master Harold lives?” muli kong tanong. I need to keep my eyes on the road. The man named Harold is the main reason why I’m here. “Actually, he’s my—” Hindi naituloy ni Vergel ang sasabihin nang biglang may humampas sa binti niya. Nasapo niya ang parteng nahampas at sabay kaming napalingon sa salarin. “Dad! What was that for?” It was an old man with a posture that screams authority. Malinis ang gupit niya kaya kapansin-pansin ang kahabaan ng kanyang puting balbas. Nagsimula siyang maglakad papalapit sa kama na inuupuan ko bitbit ang isang tungkod which, I doubt, he uses as his support. Mas kapani-paniwalang panghampas lang ito sa mga binti ng mga nakaharang sa daan niya. He somehow reminds me of my old man. Lumingon siya sandali kay Vergel. “The woman who accompanied you home left already.” “It is her fault,” bulong ni Vergel at saka ako tinapunan ng masamang tingin. As if I care! Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito sa kuwarto niya. Hindi pinansin ng matandang lalaki ang tugon ng anak, bagkus ay hinarap na ako nito at nginitian. “Welcome home, my little Lierre.” “‘My little Lierre?’” pag-ulit namin ni Vergel sa sinabi ng ama niya. Napataas ang isang kilay ko habang nangunot naman ang noo ni Vergel. Bakas din sa mukha ng matanda ang pagkatuwa sa naging reaksyon namin. “She is my brother’s granddaughter,” nangingiting tugon ng matanda. “That makes her my grand child.” Napaawang ang bibig ni Vergel. “Uncle Acius has a granddaughter?” Ako ang sunod na napaawang ang bibig sa narinig. “You are Master Acius’ family?” “Technically, you are a niece!” hindi makapaniwalang sambit ni Vergel at itinutok sa akin ang kanyang hintuturo. “How unfortunate,” komento ko. “Okay, I get that you are a family, but may I ask why am I here?” The old man chuckled. “You were found at the island’s sea shore last Thursday. We don’t know for sure what happened, but the three of you were unconscious.” “The three of them? Who were the other two?” usisa ni Vergel at umupo sa paanan ng kama upang mas komportable ang pakikinig. “We already sent Emerald and Laura home. They are perfectly fine,” tumatangu-tangong sambit ng matanda. “You mean two of the Mortals? Bakit nila kasama si Niece?” Vergel made it sound like it was a big deal. I rolled my eyes at him. “On a mission.” Sasagot pa sana si Vergel nang muling magsalita ang kanyang ama. This time, ako na ang kinakausap nito. “The maids had already groomed your room. My son here will accompany you there.” The old man glanced on the huge wall clock placed just above my head. “I have an appointment with Lord Kira. I will see you at dinner.” Hindi na niya hinintay ang tugon namin ni Vergel. Dali-dali siyang tumalikod at naglakad palabas ng silid, ngunit bigla siyang huminto sa pintuan at lumingon sa akin. “Ah, by the way!” “Hmm... did you forget anything?” I asked in an awkward tone. “My little Lierre can call me Gramps, alright?” “Right. Gramps,” I muttered. He then finally left the room. What a weirdo. Napabuntong-hininga na lamang ako. It is nice na may tutuluyan ako rito, but I have an ominous feeling about stepping my foot in the island. “Alright, my niece! Shall we?” pambasag ni Vergel sa katahimikan at tumayo na mula sa kama. He motioned his right hand onto the door as if telling me to get out, with all due respect. Padabog akong bumaba sa kama niya at sumunod sa kanya palabas ng kwarto. Tinahak namin ang mahabang pasilyo na punong-puno ng nakasabit na paintings sa pader. Nagbibigay rin ng matingkad na liwanag ang mamahaling mga chandelier na nakasabit sa kisame. Nadaanan namin ang isang frame na mayroong larawan ng ama ni Vergel na nakaupo sa isang magarang upuan habang hawak pa rin ang kanyang tungkod. Sa ibabang parte nito, nakasulat ang mga sumusunod na titik: Harold Grenvoir. Nahinto ako sa paglalakad. “That Harold man is Gramps?” naibulalas ko. Did Master Acius purposely left that note so he could lure me inside Magi Island? That old mine is really vicious! “Niece, hurry!” rinig kong iritang tawag sa akin ni Vergel kaya dali-dali akong humabol sa kanya. “My name’s Lierre, not niece,” reklamo ko sa kanya but he just shrugged. Hindi tulad ng kuweba ni Master Acius, sobrang linis at maaliwalas ng bahay ng kanyang kapatid na si Harold Grenvoir or Gramps. Pagpasok ko sa kuwarto kung saan ako inihatid ni Vergel, halos mabahing ako sa bango at linis nito. Ngayon lamang ako nakapasok sa isang napakalinis na lugar. Sa kuwarto ko sa kuweba, kung hindi amoy lobo ay mapanghi naman. Ang pinakagusto ko lamang doon ay ang paligid—ang karagatan. Kumpleto ang mga gamit sa loob. Sa gitnang parte ay mayroong malapad at malambot na kama na mayroong makakapal at magagarang mga tela. Sa tabi nito ay isang lampara na hugis buwan na nakapatong sa bedside table. Sa tapat ng kama ay isang tokador na mayroong malaking salamin kung saan kitang-kita ko ang madungis kong hitsura. Sa tabing sulok nito nakapuwesto ang isang study table kung saan mayroong patung-patong na mga libro at panulat. Lumapit ako roon at hinawakan ang mga libro. Dinampot ko ang isang libro mula sa mesa. Mukha pa itong bago at halos hindi pa nabubuksan. Asul ang pabalat ng libro. Mayroong imahe ng isang libro na nakabukas at may asul na usok na binubuga. Tatlong salita ang nakaimprinta sa itaas, iba’t ibang istilo ngunit iisang kulay, kahel. Mababasa sa ibabang parte ng pabalat ang mga katagang Nobela ni Beyallus Avatta.   The Paraiah’s Tale   Pariah is our term for ordinary humans who live in a different world. Walang ebidensiya na totoo sila, pero may mga haka-haka na may isang pariah na raw na nakatungtong sa Magus. Walang nakakaalam kung paano ito nangyari. Interesting. I might read this later, kapag nabagot ako rito sa bahay na ito. Hindi ko rin alam kung gaano ako katagal mag-i-stay rito. Binitawan ko ang libro at nag-ikot pa sa silid. Doble ang laki nito kumpara sa kuwarto ko sa kuweba. Nagtungo ako sa malaking pinto na gawa sa salamin. Nasa gitna ito ng pader hindi kalayuan sa kama. Itinulak ko ito pakanan at pumasok sa panibagong silid. Lalo akong namangha nang makita ang iba’t ibang magagarang damit at mga sapatos sa loob. Mayroon ding mga alahas at bag na naka-display. Just to be clear, hindi ako namangha sa mga kagamitan sa loob dahil mahilig ako sa mga iyon at pinapangarap kong suotin ang ganitong mga saplot. Nope. The thing is, ngayon lamang ako nakakita ng mga ganito. I have been living in Master Acius’ cave and wandering around only Terra City all these years. Trust me, wala kang makikitang residente roon na mayroong ganitong pagmamay-ari. Magi Island is really something. Nandito ang mga mayayaman at makapangyarihang magians. Tama lamang na tinagurian itong Capital of Magus. Napabalikwas ako sa kinatatayuan ko nang marinig na bumukas ang pinto ng aking silid. Muli kong isinarado ang isang kuwartong aparador at nilingon ang pumasok. It was Vergel. Nakatayo siya sa pintuan at nakapamulsa habang pinagmamasdan ang kabuuan ng silid hanggang sa huminto ang tingin niya sa ‘kin. “My dear Niece, I’m sure tapos mo nang libutin ang iyong silid,” nakangiting sambit ni Vergel. “This room is indeed far better than mine. This is discrimination in my own house.” I shrugged. “Not actually enjoying it.” Umirap sa akin si Vergel at muling inikot ang paningin sa loob ng silid. Binawian ko rin siya ng irap, ngunit hinayaan ko lamang siyang mainggit sa silid na ibinigay sa akin. “Ah! Niece,” biglang sambit niya dahilan upang mapatingin ako sa kanya. Natatakot ako sa pagningning ng mga mata niya. Nawala rin kaagad ang ningning nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Wow, you are a total mess.” Tiningnan ko siya nang diretso. “Get out.” “I can’t do that in my own house,” tugon niya at nangiti sa akin nang nakakabwisit. “Anyway, dress up. I’ll be waiting at the dining room.” “Why?” “Lunch!” he replied as if it’s the most obvious answer. “You can find the bathroom at your walk-in-closet. I’ll be waiting!” he said while walking his ass out of the door. Sigh. Will I be able to stand that guy for a few weeks? I can’t really tell. Nang tuluyan nang mawala ang presensya ni Vergel malapit sa kuwarto ko, napaharap ako sa salamin ng tokador. Para akong nakipagsabunutan sa ayos ng buhok ko—uncombed and tussled, dirty hair. Isama mo pa ang saplot ko na nababalot ng kung anong mantsa at putik. I really am a total mess.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD