Four

1966 Words
Hindi ko alam kung dapat akong ma-disappoint sa bathroom ng kuwarto ko. Hindi ito tulad ng banyo ko sa kuweba na mayroong lagusan diretso sa karagatan. Isang maaliwalas na bathtub lamang ang nandito, mga bulaklak, sabon, at kung ano pang pampabango. Hindi ako sigurado kung anong klaseng herbal na likido ang mga nasa garapon na nakapatong sa maliit na cabinet sa pader, kung kaya’t ibinuhos ko lahat ng mga iyon sa bathtub na halos mapuno na ng tubig hanggang sa kusa itong bumula. Pagkatapos ay hinubad ko ang mga saplot ko sa katawan at sumisid na sa mabulang tubig. Ah!!! Relaxing! Inilubog ko ang buong katawan ko sa tubig at sumandal sa bathtub. Nilaro-laro ko ang tubig, ang bula, at marahan na kinukuskos gamit ang palad ko ang balat ko. Pakiramdam ko ay sobrang linis ko na, walang bahid na dumi. Ilang minuto akong nagbabad at lumanguy-langoy sa mabulang tubig. Pagkatapos ay umahon na rin ako at nagmadaling gumayak dahil nakaramdam na ako ng gutom. Kumuha lamang ako ng kahit na anong damit sa closet. Isang bulaklaking bestida na hanggang tuhod na mayroong mahahabang mga manggas. Then I slipped on a white slippers lying under my bed. Hindi ko na nagawang nagpatuyo ng buhok. Nagsuklay lamang ako at halos patakbo nang magtungo sa dining hall—which is hindi ko alam puntahan dahil sa dami ng pasilyo at pasikot-sikot sa bahay na ito. Sa paghahanap ko ng tamang pasilyong pupuntahan, napadpad ako sa tapat ng isang wooden double door na mayroong nakaukit na isang napakalaking araw. Sa kulay ng pinto, mukhang daan-daang dekada na itong nakatayo roon. Sa lahat ng pinto sa mansyon, ito lamang ang may kakaibang klase ng kahoy at disenyo. And... I know this sounds crazy, but I saw the engraved sun glowed while whispering my name a couple of times. “What are you?” I managed to ask without feeling in awe. I faced thousands of monsters in the forest in Terra, but I never expected that I’ll encounter one in someone’s home. Sa halip na sumagot, muli na naman nitong binanggit ang pangalan ko. This time, the voice was soft and hypnotizing. “Lierre...” It sounded like a mother singing a tranquil lullaby on a hot and windy afternoon. I felt a warm breeze sweeping around my feet, up to my chest. I suddenly felt sleepy. Sinubukan kong labanan ang unti-unting pagbigat ng talukap ng mga mata ko, but the flooding of blurry images in my head seems to completely overtake my body. Nagising ako sa isang madilim na lugar. Wala akong makita na kahit na anong liwanag o bagay. It seemed like the darkness was endless. Nagsimula akong maglakad without knowing kung saan ako mapapadpad. Then that voice rang in my ears once again, “Lierre...” I kept walking forward. All I thought about was to find the beholder of that smooth and mesmerizing voice. But what I heard next wasn’t what I expected—a familiar cries of magians, wailings from pain, loud sounds of whip tossed on a human’s body, deafening explosions and exchanges of magaè attacks. Pagmulat ko ng mga mata, nakita ko na lamang ang sarili ko na nasa gitna ng giyera. Hindi ko na matukoy kung saang lupalop ng lugar ito dahil lahat ay sirang-sira na. Mga puno, mga bundok, ang dagat—all were gone! Magus pa ba ang lugar na ito? Nagsimula na ulit akong maglakad habang paulit-ulit na iniisip na ilusyon lang ang lahat ng ito. Nilagpasan ko ang iba’t ibang magians na nagpapatayan gamit ang kani-kaniyang mga armas at mga mahika. Lahat ay punong-puno ng poot, nagbabaga ang mga mata, at tila wala na sa sarili. Napahinto ako sa paglalakad nang may makita akong isang malapad na pinto. Bumukas iyon dahilan upang masilayan ko muli ang liwanag. Nakita ko rin ang mga magagandang mga puno at bulaklak sa isang makulay na hardin na naghihintay sa akin sa labas ng pinto. Isang klase ng halaman na nakapulupot sa isang puno ang pumukaw sa atensyon ko. Halos hindi ko maalis ang tingin ko rito. Nang dahil nakuha ng halamang iyon ang buong atensyon ko, hindi ko napansin ang dalawang pigura ng tao na nakatayo sa pintuan, nalilito na nakatingin sa akin. Wala sa sarili akong naglakad, tila tinatawag ako ng halaman na iyon. Wala itong bulaklak. It was plain boring, but it got me. Gusto kong lumapit. Hinihila ako nito papalapit... hanggang sa may mabangga ako. Tila bumalik ako sa kasalukuyan. Napakurap ako nang maraming beses at doon ko lamang tuluyang nakita ang dalawang lalaki sa harapan ko. “Oh,” naibulalas ko at napatalon paatras nang mapansing sobrang lapit ko sa kanila. Pareho silang hindi pamilyar sa akin. “W-Who are you?” Inikot ko ang tingin sa paligid ko at napagtantong nandito na ulit ako sa mansyon ni Gramps, ngunit wala na ang pinto na kanina’y mayroong nakaukit na malaking araw. Hindi ko alam kung paano ako nakabalik, o kung paano ako napunta sa ilusyon na iyon. Ni hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari. Nagkatinginan ang dalawang lalaki sa harapan ko at pagkatapos ay humarap sa akin at awkward na nangiti. “Are you Vergel’s sister?” pagbalik-tanong sa akin ng lalaking mayroong maamong mukha. Hanggang balikat niya ang natirintas niyang blond na buhok. “Lover, maybe?” the other guy seconded. He has this intimidating presence that tells me how superior he is in this island. Hindi ko rin gusto ang mga ngisi niya na tila ba magdadala ng kapahamakan sa kung sinumang mapagti-tripan nito. Unti-unting nawala ang tensyon sa katawan ko. Pilit kong inalis sa isipan ko ang ilusyon na iyon at itinuon ang pansin sa dalawang kausap ko. Umubo ako nang mahina. “That’s disgusting. I am his niece.” Bahagyang tumaas ang isang kilay ng huli, ngunit kaagad ding ngumiti at inabot ang mga kamay ko. I almost hit him with my fist, but I calmed myself. “We apologize, sweetheart. We were not aware that our friend, Vergel, has a niece with such a beauty.” He then kissed the back of my hand which made my eyes bigger while I unconsciously gaped in disbelief. Nang bumitaw siya, muli siyang nangiti sa akin as if he casted a spell on me. This guy! ”Name’s Primo Klausser. This buddy here is Cohen Valentin.” Cohen gave me a very delighted innocent smile which made me calm my nerves. What a cute big guy! Before I could say anything, my uncle Vergel showed up beside me. Otomatiko na ipinatong niya ang braso sa mga balikat ko. “You’re here? I was waiting for you at the dining hall for an hour,” he said. I rolled my eyes. “Don’t whine at me. You didn’t give me directions.” Primo chuckled upon hearing our conversation but didn’t say anything. Cohen, on the other hand, just kept his signature smile on. Matapos ang batian naming apat, iginiya na kami ni Vergel sa dining hall. Doon ko lang ulit naramdaman ang matinding pagkalam ng tiyan ko. This stupid uncle of mine heard from his father that I was unconscious for two days and haven’t eaten anything since. Umupo ako sa tabi ni Vergel. Kaharapan namin ang dalawang bisita na ngayon ko lang nalaman na miyembro pala ng Mortal Seven. And guess what? This Primo guy is the leader of that group! And he came here to talk with Vergel about something important. Ilang minuto lamang pagdating namin dito sa dining room, nagsilabasan na ang mahigit sampung maids upang ihanda ang aming tanghalian. Halos malula ako sa dami ng putahe na inihapag nila sa hindi kahabaan na mesa, ngunit hindi ko alam ang tawag sa mga iyon. After we prayed and thanked the gods for the food, I started gobbling anything served on the table. I really was starving! “The Lord is really worried about the people. The prophecy is already spreading around the island and will soon fly on every corner of Magus,” panimula ni Primo habang diretsong nakatingin kay Vergel. “It brought endless fear to the people. The idea of Magus being destroyed by one magian alone drives them mad.” “Not even the gods can prevent it from happening. Truly scary,” Cohen commented. He finally stripped his signature smile off his face. Means, the topic was really serious. “It brings back the story behind the death of Eldoris.” Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain nang marinig ang pangalang binanggit ni Cohen. Eldoris was the god who created the Kingdom of the Waves where, Master Acius suspected, I used to live as a child since I am a sea child—one who posseses a magaè related to sea or water. According to History books, Eldoris died in 2003, when an unknown energy blasted the whole Kingdom of the Waves and wiped out every single resident under the sea. Some said that this god tried to stop the prophecy, but it happened anyway. Nang dahil wala nang natirang magians na sasamba sa kanya at nasira na rin ang sagradong lugar na noon ay itinayo niya gamit ang lahat ng kapangyarihan niya, Eldoris ceased to exist. Just like what was written on the prophecy. “Father already met with the Lord to sort things out, maybe.” Vergel was also bothered. “Did you get the prophecy?” Tumango si Cohen at inilabas ang isang nakatuping papel mula sa bulsa niya. Ibinaba niya iyon sa mesa at itinulak papalapit kay Vergel. “And apparently, Lord Kira sent his men outside the island to collect magians whom he addressed as Magus weapons,” Primo said in a low, calm voice. “Also, just a few days ago, Master Harold ordered Laura and Empress to fetch a very special weapon,” Cohen whispered as if he had just found the missing piece in a very complicated puzzle. “He said he should find it before the Lord gets his hands on it.” Nanatiling tahimik si Vergel, tila mayroong malalim na iniisip... or was he just bluffing? Parang hindi ko kayang maniwala na marunong mag-isip ang isang ’to. Matapos ang ilang minutong katahimikan, inabot niya ang nakatuping papel at dahan-dahan iyong binuklat na tila isang bomba itong sasabog kung hindi ito iingatan. Nilingon ko si Vergel na halos manginig ang mga daliri sa pagbubuklat ng papel. “Can you read it louder?” I asked. “S-Sure.” So he did, word by word. Nagawa ko ring sumilip sa papel na hawak niya. I couldn’t help but feel this unusual tingling sensation in my chest, as if it would burst any moment.   Chaos after chaos, Another prophecy was born.   “Grim, bloody, red eye Burning with dark, threatening flames. Cursed, venomous blood Flows in through thy veins. When the darkness awakened; The seal shall break, The power shall breakthrough With the dark stone of death, And overthrow the sun.   Sleeping beast Of forgotten past. A gleam of light Will end the moon, Hatred in heart, And the aching soul.”   Whichever shall prevail Lies on the hands Of the last child of prophecy.   “This is an old one,” I muttered after reading and listening to the said prophecy. Napalingon sa akin ang tatlo nang sabihin ko iyon. I shrugged. “Madalas ako sa luma at halos abandonado nang silid-aklatan sa Terra City. I remember reading this exact, same prophecy. It said in the book that it was written in 1998.” “Are you sure?” asked Vergel. I nodded. “It was in the Magus’ Book of Prophecy, the second edition. The original book must be somewhere in Magi Island.” Ilang minutong nanahimik ang apat na sulok ng silid, tila ina-absorb pa ng tatlo ang lahat ng impormasyon na natanggap. “Hindi ito tulad ng iniisip ko, right?” Clyde broke the silence with a forced smile. “I mean… may dahilan kung bakit nagparamdam ulit ito, hindi ba? The keeper of the book saw it clearly—lumiwanag ang pahina ng propesiyang iyon sa libro. The official oracle of Magus had also spoken about it last night. Bakit mauulit ang propesiyang iyon ngayon?” Clyde had no chill. Kitang-kita sa mukha niya na nangangamba at nalilito siya. “Hindi ito naulit,” mabilis na tugon ni Primo. “Dahil hindi pa natupad ang propesiya noon.” “That means—” Hindi kaagad umimik si Primo, tila nag-iisip pa rin. “That proves that the prophecy warned us twenty-two years ago about the calamity, and obviously, people neglected it.” “Are you telling me—” Hindi naituloy ni Vergel ang sasabihin at napalunok na lamang. “That’s right, buddy. It means it will begin anytime this year.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD