Linggo ng madaling araw nang gisingin ako ng tatlong kasambahay upang paliguan at bihisan. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa ang pag-scrub na ginawa nila sa buong katawan ko. Sinabi ko naman sa kanila na kaya ko namang mag-isa ngunit nagpumilit pa rin sila. In the end, hinayaan ko na lang din sila because they wouldn’t take a ‘no’ for an answer. This is the first time na may humawak sa balat ko. Usually, sa environment na kinalakihan ko, the moment na nahawakan ka ng kalaban e talo ka. That was what Master Acius taught me and his other trainees. I shrugged the thought off since nasa Magi Island ako ngayon, The Capital, at alam kong hindi basta-basta ang mga magians dito—mga maimpluwensiya at makapangyarihan. I shouldn’t be hasty. Kailangan ko munang malaman kung bakit ako nandito.
Ipinasuot nila sa akin ang isang asul na bestida na lagpas tuhod, mahaba ang manggas, mayroong dilaw na ribbon sa dibdib at limang pares na mga butones pababa sa pusod bilang disenyo. Pinaresan nila iyon ng puting rubber shoes.
Matapos iyon ay hinila nila ako papunta sa harap ng salamin. Sinimulan nilang ayusin ang buhok ko habang ang isa ay nilalagyan ako ng kung ano sa mukha. Napansin ko na natakpan ng kung ano mang nilalagay niya sa mukha ko ang maliit na galos na gawa ng paghagis sa akin ng punyal ng dalawang miyembro ng Mortal Seven.
Nang matapos nila akong ayusan, tiningnan ko ang hitsura ko sa salamin. Kaunting ayos lang naman ang ginawa sa akin. Natakpan yung maliliit na cuts sa mukha at sa ibang parte ng katawan ko. Nakuha ko ang mga iyon usually sa training ko with Master Acius, minsan naman ay sa missions.
Bukod sa luminis ang hitsura ko, wala namang nagbago sa akin. My eyes were still the same—green as ocean and fierce like the strong waves and currents of the sea. I, myself, am always lost whenever I stare at my own eyes.
Ilang minuto lamang ay biglang bumukas ang pinto sa kuwarto ko at sumilip si Vergel. Suot niya ang uniporme ng Magi Academia. Puting polo shirt na mayroong three-fourths na manggas. Pinatungan ito ng isang puting tela na mayroong kulay abong mga linya sa parteng braso at leeg. Sa bandang dibdib ay makikita ang logo ng Academia. Ang pang-ibaba niya ay gray na shorts na hanggang tuhod at puting rubber shoes.
If I’m not mistaken, classes in Magi Academia follows S-M-T-W-TH schedule.
“You ready, Niece? Naghihintay na si Dad sa labas,” wika niya at sandaling natigilan at napangiti nang makita ang hitsura ko. “Pretty.”
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Vergel. In my world with Master Acius, I never once dreamt of having a flawless skin and looks. My magaè and sword skills were the only things that matter. I exterminate evil in Terra City—such compliment wouldn’t help me in executing my job.
“I heard Gramps will meet The Lord,” salubong ko sa kanya nang makalapit ako.
“Yes. It is only to introduce you as his granddaughter. You know him, he likes to brag about anything.” Umakbay siya sa akin at isinabay ako sa paglalakad. I am not Master Acius’ real granddaughter, so technically, I am not in any way related to Vergel nor his father, but I am strangely comfortable around them. Maybe because they’re my Master’s family.
Habang naglalakad kami patungo sa labas ng mansyon, naisipan kong magbato ng mga katanungan ko kay Vergel.
“Uncle,” pambasag ko sa katahimikan. “Alam mo ba kung nasaan si Master—Grandpa Acius ngayon?”
Napaisip siya. “Hmm... hindi ko pa siya nakitang tumapak dito sa Capital. I guess nandoon pa rin siya sa Terra City, ginagawa ang trabaho niya.”
“He’s working under Lord Kira... isn’t he?” usisa ko pa. Come to think of it, I didn’t really know anything about Master Acius. Ang alam ko lang ay kinupkop niya ako noong maglalabing-isang taong gulang ako, taong 2013, at malaki ang utang na loob ko sa kanya. Since then, tumatanggap na ako ng misyon mula sa kanya kasabay ng walang tigil na pagsasanay. I never questioned his ways of doing things. I just trust him.
“You didn’t know?” Sandaling lumingon sa akin si Vergel ngunit kaagad ding ibinalik ang tingin sa daanan. “I heard that Uncle Acius was a real genius, he could easily become The Lord of Magus if he wanted to, but he didn’t,” he whispered.
Nangunot ang noo ko. “Are you sure? That dirty old man?”
Natawa siya nang mahina at naglatuloy sa pagbulong. “So he became the current Lord’s shadow. Meaning, he works and assists The Lord behind the curtains. Lord Kira vested the power and authority onto him, he is practically the Lord, but he only moves in the dark. That was when he got the nickname Lord of the Shadow.”
“Lord of the what?”
“Everyone was so shocked about it. Wala ka talagang alam?”
Umiling ako. “You know how Terra City is since the m******e in 2006. It’s as if the city was ripped off the Magus map. We got no news about the Capital and the other four territories.”
“Right, I also heard that on our History class. The war in 2008 made it worse, though. Father said that that year was erased from our history, but he remembers the damages and the killings from that war.” He paused for a second. “I was only eight then. All I remember was all kids, including me, were sent to the underground safe until the two weeks chaos ended.”
“I was five then,” naibulong ko. “I don’t remember anything, though.” After my last psychological session with Miss Aviel, I can now remember three unfamiliar names: Tatay Mario, Mara, and Zalchad. Who were they, though?
“Yeah, I heard you’d lost your childhood memories when you were ten.” Vergel gave me an apologetic look which made me roll my eyes. “We’re here.”
Nang tumingin ako sa harap, nakita ko si Gramps na nakatayo sa labas ng bahay, katabi ang isang hindi pamilyar na hayop na mayroong karwahe. Maraming mababangis na hayop sa Terra City dahil malapit ang siyudad sa gubat, ngunit hindi pa ako nakakita ng katulad ng isang ’to. Leon kasi ang katawan nito ngunit ang kalahati nitong katawan ay may pakpak at ang ulo nito ay isang ibon.
“What took you so long?” salubong ni Gramps sa amin. “Sinabihan ko na ang ating alagang Griffon na ihatid kayo sa Academia. Kung sasama pa kayo sa akin ay hindi na kayo makakaabot sa appointment ni Lierre.”
“My appointment?” gulat na tugon ko.
“Yes, dearie. We have to pull some strings so you can enroll at the Academia. Don’t worry, Vergel will take care of it.”
“I am attending Magi Academia?” paniniguro ko. Like wait—pwede bang simplehan niyo muna? Nabibilisan ako sa mga pangyayari.
Ngumiti si Gramps. “It’s my brother’s request.”
Master Acius? By any chance, did he contact Harold Grenvoir so I can come and live here in Magi Island? Unti-unting nabibigyan ng linaw ang rason kung bakit ako nandito ngayon. Kaya ba sinundo ako nina Emerald at Laura dahil inutos iyon ni Gramps? That explains the note that Master Acius left back at the cave. So he wanted me to live here and attend Magi Academia... but why?
Sumakay kaming tatlo sa karwahe. It is unexpectedly spacious. Kung titingnan kasi mula sa labas ay napakaliit lamang nito. Nagsimula nang tumakbo nang mabilis ang Griffon ngunit hindi naging magalaw ang pagtakbo ng karwahe.
“Son, make sure na makakapasok si Lierre sa Magi Academia,” muling paalala ni Gramps kay Vergel nang makitang malapit na siya sa opisina ni Lord Kira at ng Ministry of Magus.
“Will do,” tanging tugon ng huli.
Nakatingin lamang ako sa bintana ng karwahe. Sobrang payapa sa Magi Island. Para itong isang maliit na mundo ng mga Paraiah. Wala akong nakikitang gumagamit ng magaè nang hindi kinakailangan. Malayung-malayo sa kinalakhan kong siyudad ng Terra na puro kaguluhan. Maya’t maya ay naglalabasan ang mga armas at mahika sa pakikipag-away. Madalas nga ay trip-trip lang.
Pinagmasdan ko ang paligid. Halos mala-mansyon ang mga bahay na nakatirik sa lugar na ito. No one could ever deny the fact that the rich dominates this island.
Mula rito ay tanaw na tanaw ko ang Wind Palace. Ang isla kasi na ito ang pinaka-malapit sa teritoryong iyon. May kasunduan kasi na hindi maaaring sakupin ng Palasyo ang ulap sa ibabaw ng ibang teritoryo.
Natatanaw ko rin ang lumulutang na mga gusali ng Magi Academia. Hindi raw kasi magkasya ang ibang gusali sa lupa, kung kaya’t humingi ng permiso sa pagtatayo ng gusali sa ere at ulap ang Academia upang matugunan ang nasabing problema. Wala namang pagtutol ang Pinuno ng Wind Palace at ang Lord of Magus.
Ilang sandali pa, bumaba na si Gramps sa tapat ng napakataas na gusali ng opisina ng mga ministro. Nagpaalam siya sa amin sandali at nagsabi ng kaunting mga paalala bago muling tumakbo ang Griffon.
Sampung minuto ang nakalipas mula nang makaalis kami sa opisina, narating na namin ang mapunong parte ng isla. Nang malampasan na namin ang daan-daang mga puno ay narating na namin ang kulay gintong gate ng Academia. Sa tayog nito ay hindi na namin masilip ang hangganan nito dahil umaabot ito sa kalangitan. Sa gitnang parte nito ay mayroong malaking bilog na parang plato na may nakaukit na mga simbolo ng Five Great Territories.
Unang bumaba si Vergel mula sa karwahe habang sinisilip ko ang gusali ng Academia. Nagulat na lang ako nang higitin niya ang kamay ko at inalalayan akong bumaba, as if I’m a weakling. Napaismid na lamang ako at hindi na pinansin ang ginawa niya.
“Paano na si—” Nilingon ko ang Griffon na naghatid sa amin at itinuro, ngunit hindi ko na ito mahagilap. “Oh, that was fast.”
Napahalakhak lamang sandali si Vergel sa naging reaksyon ko at muli nang itinuon ang pansin sa gate ng Academia. Pinagmasdan ko lamang ang bawat galaw niya.
Itinaas niya ang kanang palad niya at mula roon ay naglabas siya ng napaka-init na kulay asul na apoy. Nagtagal lamang iyon ng mahigit tatlumpung segundo bago namatay—at bigla na lamang nagkaroon ng nagliliwanag na marka sa kanyang palad, ang logo ng Magi Academia.
Sumunod ako sa kanya nang humakbang siya paabante. Inilapat niya ang palad niya sa golden plate ng gate at naglabas iyon ng nakakasilaw na liwanag. Napatakip ako sa mga mata ko nang dahil doon.
Ilang sandali pa, narinig ko na ang unti-unting pagbukas ng gate. Nang muli akong tumingin, kitang-kita ko na ang kabuuang gusali ng prestihiyong paaralan ng Magus.
“Welcome to Magi Academia,” said Vergel, exposing his full white teeth.
I arched a sincere smile while enjoying the ethereal beauty of the place. “Beautiful.”
Nandito kami ngayon sa opisina ng Supreme Student Council. Nakaupo ako rito sa sofa habang kinakausap ni Vergel ang President. Hindi ko talaga akalain na Vice President si Vergel ng Student Council at talagang nirerespeto siya ng mga estudyante sa paaralang ito.
“Your niece?” naibulalas ng Presidente ng Student Council nang ipakilala ako ni Vergel bilang pamangkin niya. Tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa. “Impossible.”
“I will enroll her today, bro,” sambit ni Vergel with full confidence.
“Can you convince the school committee, though? She’s a month late on our enrollment,” tugon ni President at pinirmahan ang endorsement letter na inabot ni Vergel sa kanya noong pagdating namin.
“I can if I use the Grenvoir card.” Ngumisi si Vergel at kinuha ang letter sa table ni Mr. President. Lumingon siya sa akin at ginulo ang buhok ko. “Niece, stay here with Trese. I’ll be back in a minute.”
Nang makaalis si Vergel ay tumayo si Trese mula sa kanyang table at umupo sa sofa na katapat ko.
“You are a Kingsley?” bungad niya sa akin pagkaupo. “How is that possible?”
“I am the sole survivor of our kingdom,” taas-noong tugon ko. “I can’t remember who I was, so the old man gave me that surname. Kilalang pangalan daw iyon noon sa Kingdom of the Waves.”
Tumango-tango siya. “I see. So you are a sea child.” Suminghot-singhot siya at nangiti. “You reek of salt and seaweeds.”
I rolled my eyes. “Then shall I tell you that you reek of gold and weapons?”
Napahalakhak siya. “How did you know that I came from the Great Territory of Zero Labyrinth? We were pretty rare.”
Ang Zero Labyrinth ay teritoryo ng mga gumagawa ng mga armas, nag-iimbento ng mga kagamitan, at ng mga magagaling sa pagtatayo ng mga gusali. Usually, sa ilalim ng lupa or underground ang workplace nila. That’s why I mentioned gold at weapons dahil doon sila kilala. Though mayroon din naman silang maliit na village na nakatayo sa ibabaw ng lupa.
They may have the smallest territory in Magus, but they are one of the wealthiest.
Sarkastiko akong ngumiti kay Trese at itinuro ang kanyang school identification card. “It says there. Zero Labyrinth and.... what is Supreme House?”
Napahawak siya sa kanyang I.D. nang ituro ko iyon at napatawa nang mahina. “Sharp eyes,” he noticed. “Supreme House is where I stay here in the Academia. Aren’t you aware of the Houses?”
Nagkibit-balikat ako. “I wouldn’t ask you if I am.”
Muli na namang umarko ang mga labi niya. “Right. Since magiging official student ka na rito at trabaho ko na pagsilbihan ang mga kapwa ko estudyante, I’ll try to fill you in until Vergel gets back.” And he did.
Nalaman ko na mayroong iba’t ibang Houses sa campus. Ito ay mga gusali na provided ng Academia na kailangang tuluyan ng mga estudyante base sa kanilang ranking. Nabuo ang ganitong twist nang dahil sa patakaran ng paaralan na kailangan manatili ang mga estudyante sa loob ng campus sa loob ng limang araw alinsunod sa general class schedule, regardless kung may tutuluyan ang estudyante sa Magi Island. Sa madaling salita, tuwing Biyernes at Sabado lamang sila pupwedeng lumabas ng campus. This rule was created to establish fairness to those students who do not have properties within the island.
Nang dahil sa patakarang iyon, naisip ng naunang Supreme Student Council na bigyan ng twist ang buhay ng mga estudyante sa loob ng campus. Doon nabuo ang House Rules na isinagawa ng dating council at inaprubahan ng school committee.
Una. Binabase sa ranking ng estudyante kung saang House siya patutuluyin. Sa oras na decided na ang House mo, kailangan mong tumira doon hanggang sa matapos ang semester. Ang magiging House mo naman sa susunod na sem ay ibabase sa resulta ng previous sem’s final exam mo. Kapag pasok ka sa Rank 100, excluding the members of the SSC and Mortal Seven, mapupunta ka sa tinawag nilang Elite Subdivision. Sa loob no’n ay mayroong sampung elite dormitory buildings na mayroong magagara at eleganteng disenyo. May mga pribilehiyo rin sila na makukuha na exclusive lang para sa kanila.
Ang Supreme Student Council at ang Mortal Seven ay exempted sa ranking dahil given naman daw na they’re above us. Muntik akong masuka nang marinig iyon mula kay Trese. Ang tataas ng tingin nila sa mga sarili nila. Nabanggit din niya na nakatira ang buong Student Council sa Supreme House habang ang Seven Idiots ay sa Mortal House.
Dahil sa House Rule na ito, mayroong nagaganap na House Ranking Test na supervised ng SSC at Mortal Seven the week before first semester starts. Ito ay naging tradisyon na ng mga estudyante upang ma-determine kung saang House sila kabilang sa pagpasok niya. Ayon kay Trese, ang test na iyon ay hindi accurate. Maraming estudyante ang gumagamit ng pera at impluwensya upang makapasok sa Elite Subdivision.
Pangalawa. Ang lahat ng estudyante na hindi umabot sa Rank 100 ay mapupunta sa Common House kung saan lahat ay ordinaryo. Umaabot sa limampung gusali ang House na ito. This offer is not that bad!
Pangatlo. Ang mga estudyante na babagsak sa test ay mapupunta sa Precariat House, originally named Krymmenos. Ito ay isang bodega-like na bahay na mayroong hanggang sampung silid. Nag-iisa lamang ito sapagkat madalang lamang ang mga bumabagsak.
Students in Elite House describe this House as their worst nightmare. Bukod sa malapit ito sa mapanganib na kagubatan, may ilang rules din sila na kailangan sundin. Una, kailangan nilang maghanap at maghanda ng sarili nilang pagkain. Pangalawa, tuwing Sabado lamang sila pupwedeng umuwi kada linggo dahil ang Friday sa kanila ay araw ng mga gawain na tulad ng paglilinis, pagtatanim, etc.
Kinunutan ko ng noo si Trese. “That’s discrimination!”
He shrugged. “That’s why you need to pass that test. According to the past leaders, kung hindi nila kayang pumasa sa simpleng test na iyon, hindi sila nararapat sa Academia.”
“Then what was the entrance exam for?” reklamo ko. What a stupid mindset!
“Lierre, all you have to do is pass the test. It is just a simple test,” natatawang sambit niya habang pinagmamasdan ang hitsura ko. “We only have three students in that House... so far.”
“What?” I expected at least eight or seven.
Sumandal siya sa sofa at ngumiti. “Three interesting students.”
Bumuntong-hininga ako. “Okay, so what’s the next rule—”
Naputol ang pagtatanong ko nang pabalang na bumukas ang pinto ng opisina at iniluwal si Vergel. Hawak pa rin niya ang letter na kanina’y pinirmahan ni Trese.
Hinihingal siyang umupo sa tabi ni Trese at sandaling nagpahinga bago niya ako hinarap.
“They said they would approve her enrollment,” pauna niyang sabi at seryoso akong tinitigan. “But with one condition.”
“What is it?” singit ni Trese.
Sampung segundong katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng opisina bago sumagot si Vergel. Nanatili lamang siyang nakatingin nang diretso sa mga mata ko, as if nahihirapan siyang tapusin ang sasabihin.
“She has to stay at Krymmenos.”