Twenty Two

1352 Words
Nasa labas kami ng Ace Tower at hindi ako mapakali. I was marching back and forth and couldn’t think of a place where we could find Master Acius. Wala na rin ang kuweba sa ibabaw ng dagat, so obviously, inalis ko na sa listahan ’yon. Halos masira ang ulo ko sa mga nangyayari. Minabuti na lamang namin ni Cohen na huwag pakialaman ang manipuladong daloy ng oras dito dahil baka maapektuhan ang kasalukuyang oras talaga ng Magus. ’Yon bang tinatawag na Domino effect. Nagulat ako nang hilain ni Cohen ang braso ko at pinatigil sa kakalakad. “Nahihilo ako sa ’yo,” reklamo niya. “I’m trying to think!” depensa ko. Maya-maya ay napabuntong-hininga. Nagagalit ako—nasasaktan! "Sa loob ng pitong taon, bakit pakiramdam ko estranghero pa rin sa akin si Master Acius?" Hinawakan ni Cohen ang magkabilang balikat ko upang pakalmahin ako at tiningnan ako diretso sa mga mata. "We are in year 2013. You are just ten today, Lierre. Don't you remember anything?" Natigilan ako. "You're right. I almost forgot! I remember now!" tuwang-tuwa kong sabi habang namimilog ang aking mga mata. "Isang buwan pa lamang ang nakalipas simula noong kupkupin ako ni Master Acius. Natatandaan ko na parati siyang bumabalik sa lugar kung saan niya ako nakita—" "Where would that be?" "The forest between Terra and Zero Labyrinth." Tumingin ako nang diretso sa mga mata niya. "That's where he found me." "Why would he go there?" I shrugged. "No idea." Tinungo namin ni Cohen ang daan patungo sa Terra Forest. Hindi naman ito mahirap puntahan at suyurin dahil hindi naman ito delikado tulad ng ibang mga kagubatan. Ngunit alam ko na wala nang may gustong magtungo rito dahil sa masangsang na amoy ng dugo ng mga taong nangamatay rito sa m******e at giyera noong 2005 at 2008. Naniniwala silang may sumpa ang lugar na ito at maaari pang mangyari ulit ang pagdanak ng dugo. Tatlumpung minuto na kaming naglalakad ni Cohen nang marating namin ang pusod ng kagubatan kung saan mayroong malaking espasyo sa gitna na walang mga puno. "It was here," bulong ni Cohen nang makita ang mga nakakalat na ilang armas at mga saplot sa lupa. It's been five years now (2013) since the last war (2008) but the memories of the deceased still linger around here. “But there’s no one here.” Pagkasabi na pagkasabi ko no’n ay biglang mayroong nag-appear na isang maliit na kuweba. Sa tabi nito ay mayroong nakatayong pinagtagpi-tagping mga kahoy na mayroong nakasulat na CAVE OF HORROR gamit ang pulang tinta. Lumabas doon si Master Acius. Ni hindi nagbago ang hitsura niya; ganito pa rin hanggang sa totoong kasalukuyang oras. Puting buhok na hanggang balikat at mahabang balbas. Hindi rin mawawala ang hawak niyang tungkod. And for the first time in forever, I wanted to run to him and hug him tightly so that he would change his mind about sending me to Magi Island. Napatingin sa amin ni cohen si Master Acius paglabas niya ng kuweba. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Tila ba hindi niya inaasahan na mayroong malalagi sa lugar na ito. “Master A—” Naputol ang sasabihin ko nang takpan ni Cohen ang bibig ko gamit ang kanyang palad. Sinubukan kong ituloy ang sasabihin ko pero mas lalo lamang niyang hinigpitan pagkakatakip doon. Ew, Cohen! Did you at least wash your filthy hands? “The Lord of the Shadows, was it?” pagbati ni Cohen kay Master Acius na kumunot lamang ang noo. “We were actually lost. Can you tell us the way out of Terra City?” Hindi kaagad nagsalita si Master Acius. Halos sumabog ang dibdib ko nang makitang nakatuon lamang ang pansin niya sa akin. Namumukhaan niya kaya ako? Sa kagustuhan kong sumabat, kinagat ko ang palad ni Cohen dahilan upang alisin niya iyon sa bibig ko. Dinura ko rin ang kung anumang dumi na nadilaan ko sa kamay niya. “We are from the Magi Island, sire,” saad ko na punong-puno ng respeto. “And we’re on a—” Pinutol ni Master Acius ang sasabihin ko. Halos manlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang galit niyang boses. “Lierre! Anong ginagawa mo rito?” “You recognize me?” tanong ko rito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nagkatinginan kami ni Cohen at mukhang nahihiya rin siya sa ginawa niyang pagsisinungaling. “You stupid brat!” singhal sa akin ni Master Acius at hinampas ako sa binti gamit ang kanyang tungkod. Magkapatid nga sila ni Gramps! “How dare you come here when I told Harold clearly not to let you go anywhere near Terra?” “Master—” Napadaing ako nang muli niya akong hinampas sa binti. “Do you want me to give the two of you a beating?” nanggagalaiting sabi nito at muli na naman akong hahampasin nang tumakbo ako palayo. Ngunit hindi talaga siya nagpaawat kaya naghabulan kami. Maging si Cohen ay nakikihabol upang umawat. “Master, let me explain!” sigaw ko sa pagitan ng paghingal ko. This old man just wouldn’t give up! “Yes, my Lord, let her explain!” segunda ni Cohen na hingal na hingal na rin. “Explain, my foot! Come here! I’ll cut your foot so you couldn’t roam around ever again!” pagbabanta niya nang huminto siya sa paghabol sa akin at hingal na hingal na sumandal sa tungkod niya na tila ba isa iyong matibay na punongkahoy. Huminto rin ako sa pagtakbo. Napahawak ako sa tuhod ko at halos hindi na makahinga nang sinubukan ko muling magsalita. “Master, we are on a mission,” sa wakas ay nasabi ko. Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. “We thought you are in year 2013, just like how they put the whole Terra City in a darn time manipulation. Aren’t you aware of this issue?” Natigilan si Master Acius at lalong nandilim ang mukha. “Let’s talk inside the cave.” Lumingon siya kay Cohen na hanggang ngayon ay naghahabol ng hininga. “You, too. Come in.”   Pagpasok namin sa isang maliit na b****a ng kuweba, namangha kami sa napakaaliwalas na loob nito. Ngunit walang kahit na anong kagamitan dito. Tanging mga nagkalat na kahoy lamang na mayroong nakasinding apoy. “Ito na ba ang bagong hideout mo?” tanong ko kay Master Acius habang inililibot ang tingin sa lugar. “I’m visiting an old friend,” tugon ni Master Acius at sinimangutan pa ako. Pagkatapos ay nilingon niya si Cohen. “How did you find out?” “We heard it from someone. Then we’ve just verified it earlier… that Terra City is being used as experiment in Shiro’s trial and error of time manipulation.” Tumango si Master Acius. “This time manipulation of his is obviously imperfect that both of you weren’t affected by it. Means, hindi pa niya kayang sakupin ang lahat ng tao sa Terra.” “I’m also glad that you weren’t affected by it,” singit ko ngunit inirapan niya lamang ako. “This cave was protected by a thin barrier made of monster’s energy. I will never be affected as long as I’m here,” paliwanag niya sa amin. Ngunit hindi ko pa rin lubusang maisip kung bakit badtrip sa ’kin ’tong si Master? Isn’t he glad that I’m back? Gods! “But where are the monsters who live here?” tanong ni Cohen at luminga-linga. “They dislike the smell of humans. Do you want to meet them?” mapanuya ngunit seryosong tanong ni Master Acius. Mabilis na umiling si Cohen at tumanggi. “I haven’t seen the cave on the sea. Lumipat ka na ba ng tirahan? How about Mr. Nickel?” sunud-sunod kong tanong sa kanya. Pinamulagatan niya ako ng mga mata niya. “Quiet! You must go back to Magi Island and report the situation of Terra City. Tell Harold that he should send my assassins to take care of it.” “But we’re in charge—” Nagulat ako nang maramdaman ang muling paghampas ni Master Acius sa binti ko. “I don’t want to go back yet,” tila batang sabi ko na hindi rin niya pinansin. “Hijo, kaladkarin mo itong batang ’to at diretsuhin ninyo itong kuweba. ’Wag na ’wag kayong liliko. This shall take you back to the Capital safely.” Tumango lamang si Cohen nang sabihin iyon ni Master Acius. Naku, takot mahampas ng tungkod. “O ano pang hinihintay niyo? Umalis na kayo!” bulyaw pa niya sa amin dahilan upang mataranta si Cohen at kaladkarin ako palayo. “Pero, Master! Marami pa akong mga katanungan sa ’yo!” sigaw ko habang hinihila ako ni Cohen. Pilit kong nililingon si Master Acius, ngunit nanatili lamang siyang nakatingin sa akin habang sinasambit ang mga katagang, “You’ll find all the answers soon enough.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD