Twenty One

1219 Words
Namataan ko ang isang pamilyar na lalaki na may suot na business suit. Inayos nito ang kanyang neck tie habang nakangising naglalakad papunta sa direksyon ko. "Mr. Cromnus?" I uttered. Lalong lumawak ang ngiti niya nang huminto siya sa tapat ko. "Long time no see, Lierre Kingsley," aniya at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. "You've totally grown up, kid. What about a game?" Umayos ako ng tayo at nagkunwaring hindi siya natatandaan. "I'm sorry but I don't know you." Saka ako nagmamadaling tumalikod upang tunguin ang hagdan. "Stop right there, sea kid," sigaw niya dahilan upang sandali akong mapahinto. Mahina akong napamura. "Come back here while I'm being nice to you." Ha, trouble kept sticking on me. Muli kong inihakbang ang mga paa ko at halos patakbo nang bumaba sa hagdan. Narinig ko ang sigaw ni Mr. Cromnus at ang paghabol niya at ng mga alagad niya sa akin. Upang tuluyan nang makawala sa paningin nila, tumalon ako sa hawakan ng hagdan at nag-slide doon, paikot-ikot pababa, hanggang sa marating ko ang unang palapag. Nagmamadali kong tinahak ang pinto palabas ngunit naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ko sa sahig nang mayroon akong makabanggaan. "Lierre?" Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Cohen na mabilis na lumapit sa akin at tinulungan akong tumayo. Why does he have such a sturdy body? I almost broke my bones. "Let's go somewhere," aniya at kinaladkad ako kung saan. Nakarating kami sa tapat ng isang karinderya na nasa loob-looban pa ng mga kabahayan na tila ba ayaw magpahanap. Pamilyar ang lugar na ito sapagkat minsan na akong idinala rito ni Pizselior. Umupo ako sa isang upuan habang um-order naman ng pagkain si Cohen. Pagbalik niya ay kaagad niyang binuklat sa akin ang tungkol sa mga impormasyong nakalap. "Totoo ang sinasabi ni Kroye. Pinalilibutan na ang Terra ng mga rebelde na pinamumunuan ni—" "Shiro," pagtuloy ko sa sasabihin niya. "I heard. But nothing's strange, from what I see." Sumeryoso ang mukha niya. "I think the manipulation is still imperfect. There are very rare magians who hold the power of Time and Space, let alone skilled ones. No matter how powerful he is, he wouldn't be able to manipulate the time in this big city . . . alone." "You don't mean—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang tumango si Cohen. "They need more?" Muli siyang tumango. "I heard from one of them that they've been having a dry run for a week now." "And?" Bumuntong-hininga siya at sumandal sa kanyang upuan. "It starts at two o'clock in the afternoon until dawn. If they could recruit at least three skilled magians, it'll be possible to take over Terra." Napatingin ako sa orasan ko. Two o'clock. Pagturo pa lamang ng maliit na kamay sa two at ang mahabang kamay sa twelve ay biglang muling umikot nang umikot ang parehong kamay hanggang sa bumalik muli sa two at twelve. Napatayo ako nang makita iyon at dali-daling tumakbo palabas ng karinderya. "Lierre, saan ka pupunta?" sigaw ni Cohen. "I need to check something in the Arena. See you later!" pasigaw kong sabi at dali-daling lumabas sa mahabang eskinita na punong-puno ng sukal. Tinakbo ko ang kalayuan ng Ace Tower mula rito. Hindi ko alam, pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa time manipulation thing na iyon. Narating ko ang tore sa loob ng tatlumpung minuto. Dali-dali kong inakyat ang hagdan, hindi alintana ang pagsikip ng dibdib ko nang dahil sa matinding paghingal, hanggang sa marating ko ang huling palapag. Napahawak ako sa tuhod ko nang makitang hindi pa tapos ang laban. Rinig na rinig ang sigawan mula sa mga manonood. Lahat ay nakaabang sa kung sino ang mananalo. Kumuha ako ng isang bote ng tubig nang mayroong waiter na may hawak na tray na puno ng inumin ang lumapit sa akin. Sunod naman na tumabi sa akin ay isang matabang lalaki na mayroong hawak na papel at panulat. Punong-puno rin ng barya ang magkabilang bulsa niya. "Gusto mo bang humabol tumaya?" tanong nito sa akin habang nakatuon ang pansin sa hawak na papel. Ininom ko muna ang tubig sa bote at itinapon iyon sa isang gilid. "I'll go with the Capital guy," sabi ko at inilabas lahat ng chips ko mula sa backpack. Napaangat ang tingin sa akin ng matabang lalaki. "The Capital guy?" Bigla siyang napahalakhak nang mahina. "Martes ngayon, hija. Walang manlalaro ngayon na galing sa Capital." Kumunot ang noo ko. "Pero sabi kanina—" Naputol ang sinasabi ko nang maalala ang sinabi ni Cohen kanina. The time manipulation starts at two in the afternoon. "Who are the players then?" Akmang sasagot muli ang lalaki nang mayroong isang batang babae na lumapit sa kanya. "Pizselior, The Rebel," anito at inabot ang isang pakete ng mga barya. What? Pizselior is here? Inilibot ko ang paningin ko. Nahinto ito sa stage sa baba kung saan mayroong dalawang magians na naglalaban. Isa rito ay isang batang lalaki na nakapusod ang hanggang balikat na buhok. Duguan ang mukha at mga labi nito, ngunit halatang siya ang nananalo sa laban. Para akong tinamaan ng kidlat sa dibdib nang ma-realize ang nangyayari. It was the young Pizselior! Hindi ako pupwedeng magkamali. Sigurado akong si Pizselior ang batang iyon, pero— "Mukhang malaki ang tiwala mo kay Pizselior, bata," rinig kong natatawang sambit ng matabang lalaki sa batang babaeng kausap. "I don't know him. Wish me luck," matabang na tugon ng bata. Lumingon ako sa dalawa upang muli sanang magtanong tungkol kay Pizselior, ngunit natuon ang pansin ko sa pamilyar na mukha ng batang babae. Nabitawan ko ang hawak kong bag ng chips at halos hindi ako makagalaw at makahinga. Gusto kong umatras at tumakbo palayo ngunit tila napako ang mga paa ko sa sahig. Nagkatinginan pa kami ng bata bago siya naglakad papunta sa bleachers upang maupo at manood. Napahawak ako sa pader upang suportahan ang pagtayo ko. The f**k is happening in Terra? "Okay ka lang, miss?" tanong ng matabang lalaki ngunit halos hindi ko na siya marinig. Nakatuon lamang ang atensyon ko sa batang babae kanina. It was me... The young Lierre Kingsley. The time was set back to 2013. It was just a month after Master Acius saved me. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ito ang napiling taon ng mga rebelde. May gusto ba silang baguhin sa araw na ito? But... could they possibly change the past, if ever? Maraming tanong na gumugulo sa isip ko. If I were Shiro and if I wanted to change something from the past, I will go back to the year 2005—a few months before their failed m******e—and definitely change the outcome of the war that he himself declared. But what the hell does he want to do in this year? Nagulat ako nang mayroong humawak sa balikat ko. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang makitang si Cohen lang iyon. "It has started," he murmured. Bumuntong-hininga ako. "It's year 2013. Look." Itinuro ko ang batang Lierre na nakaupo sa gitna ng mga manonood at ang batang Pizselior na nakatayo sa gitna ng stage sa ibaba. Halos lumuwa ang eyeballs ni Cohen nang mamukhaan ang mga itinuro ko. Pabalik-balik ang tingin niya sa dalawa. "Oh, gods, this is crazy!" naibulalas niya. "It's really possible... oh, gods. It's my first time seeing this despicable and insane situation." “I think mayroon lang tayong isang dapat na gawin ngayon,” ani ko ngunit maging ako ay nag-aalangan sa sariling ideya. “Ano naman ’yon?” “We need to find Master Acius.” So from our real mission to ‘find the hideout of the rebels’ that suddenly changed into ‘saving Terra City,’ now it has finally become ‘finding Master Acius.’ I really do not have any idea where we were heading now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD