Twenty

2745 Words
Akmang magsasalita na ito nang bigla itong natigilan at dumiretso ng tayo, saka nag-iba ng kulay ang kanyang mga mata—noong una ay pula ito na naging asul, na kalauna’y naging berde. Blanko at diretso lamang ang tingin niya sa kawalan.   “Grim, bloody, red eye Burning with dark, threatening flames. Cursed, venomous blood Flows in through thy veins.”   Para kaming binuhusang tatlo nina Cohen at Manong Hectov ng isang balde ng malamig na tubig nang tapusin ng babae ang unang stanza ng propesiya. Matapos no’n ay bumalik na ang kulay ng itim niyang mga mata at pabagsak na napaupo muli, tila ba nanghihina. “It happened again, didn’t it?” hinihingal at balisang sambit ng dalaga. “I need to leave this place. This is insane.” Isang kilometro na lamang ang layo namin mula sa pampang at tanaw na tanaw ko na ang mataas na pader na kasalukuyang tinatayo malapit sa karagatan. It’s to prevent the waters from dominating the land of Terra City. Para akong binunutan ng tinik sa lalamunan nang maramdaman ang mapolusyong hangin ng siyudad. I missed this place! Hindi ko man nakita ang kuwebang tinitirhan ni Master Acius sa ibabaw ng karagatan, natutuwa pa rin ako na makita ang isang pamilyar na lugar kung saan alam kong nabibilang ako. Naririnig ko na nagwawala si Manong Hectov at gusting umalis ng bangka, ngunit pilit siyang pinipigilan ng dalawang kasama ko. Hindi ko na lamang pinansin iyon at mas binilisan pa ang pagtulak ng tubig sa bangka. Napakunot ang noo ko nang mayroon akong makitang isang batang lalaki na patakbong sumusulong sa tubig ng dagat. Sa likod niya ay mayroong tatlong guwardiya na humahabol sa kanya. Takot na takot ang hitsura ng bata, at mukhang pagod na pagod. Hindi pa man kami nakakadating sa pampang ay tumalon na ako sa tubig at tumakbo sa ibabaw no’n upang salubungin ang batang lalaki. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Cohen ngunit hindi na ako nag-abala pang lumingon. Terra City is in a much worse situation than I expected. “May problema ba?” tanong ko sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Napatingin muna siya sa akin, tila ba nag-iisip kung dapat ba akong pagkatiwalaan o hindi. “Don’t worry, I used to live around here. Ano’ng problema? Bakit ka hinahabol ng mga guwardiya?” muli kong tanong at sinulyapan ang mga guwardiya na nakamasid sa amin sa pampang. Nang marinig ng bata ang sinabi ko, nakahinga siya nang maluwag. “Namumukhaan nga kita, Ate.” Tumango ako. Ang tantiya ko ay nasa edad na labing-apat na siya. Kahit na mas mataas siya sa akin, halata sa hitsura niya na mas bata siya kaysa sa akin. Napaiwas ako ng tingin nang maalala ko sa kanya ang isang batang lalaki na parati akong dinadalaw sa panaginip ko. “Ano’ng nangyari?” tanong ko muli. Sandali siyang lumingon sa mga guwardiya sa likod niya, pero kaagad ding humarap sa akin at bumulong. “Nasakop na nila ang siyudad, Ate! ’Wag na kayong tumuloy at delikado sa loob. Baka hindi na kayo makalabas.” Kumunot ang noo ko. “Ipaliwanag mo sa akin. Sino sila? Ano’ng nangyayari sa loob?” “Ang mga rebelde, Ate. Nagbalik sila.” Garagal ang boses ng bata at palingon-lingon sa kanyang likod na tila ba mayroong bigla na lamang dadampot sa kanya mula roon. Nanlaki ang mga mata ng bata nang makitang papalapit sa amin si Cohen na para bang namukhaan niya ito. “Mga rebelde?” Naramdaman ko ang kamay ni Cohen sa balikat ko. “What about them?” Ngumiti ako sa bata. “I’m with him. Gusto mo bang mag-usap na lang tayo sa ibang lugar?” Muling lumingon ang batang lalaki sa likod niya. Nang makita niyang nandoon pa rin ang mga guwardiya, mabilis siyang tumango at humawak sa kamay ko. Lumingon ako kay Cohen na tumango lang din sa akin bilang pagpayag sa gusto kong mangyari. Nagtungo kami sa isang tavern na nasa bungad lamang ng siyudad. Pinangako namin sa batang lalaki, na nalaman namin na ang pangalan ay Kroye, na poprotektahan namin siya mula sa mga humahabol sa kanya. “Maisasalaysay mo na ba nang mas maayos ang sitwasyon ngayon ng Terra City?” kalmado kong tanong dito. “And what about the rebels?” segunda ni Cohen. Huminga muna nang malalim ang bata bago nagkuwento sa amin. “Naalala niyo pa ba ang mga rebelde noon dito sa Terra na nagsimula ng giyera laban sa iba pang mga teritoryo?” mahina lamang ang pagkakasabi ni Kroye at may bakas pa rin ito ng takot. “Nabuo sila muli, Ate. Naikwento sa akin ng Lola ko ang mga nangyari noong taong 2005 at hindi ko gustong mangyari ulit ’yon ngayon. Namatay ang mga magulang ko sa giyerang iyon.” Tumango si Cohen. “We won’t let that happen. That’s why we’re here, to save Terra.” Napalingon ako kay Cohen. He looked and sounded sincere. Yumuko si Kroye. “Pero mukhang huli na ang lahat. Hindi alam ng mga tao rito na tuluyan na kaming nasakop…” Tiningnan ko sa mata ang bata. “Ano ba talaga ang sitwasyon ng Terra City, Kroye?” Bumuntong-hininga siya. “The time here in Terra.” Tumingin siya sa akin nang diretso. A glint of fear flickered in hi teary eyes. “It’s under manipulation.”   Hinatid namin si Kroye sa pampang ng dagat. Isinakay siya ni Cohen sa isang bangka papunta sa Magi Island at ibinigay ang susi ng isang maliit na pag-aari niya roon. Pumayag naman ang bata dahil naniniwala siyang ligtas siya sa Capital. Cohen turned to me, looking frustrated. “Go stick to our plan. I need to confirm something.” “But—” Pipigilan ko pa sana siya ngunit nakita ko sa mga mata niya na desidido siya na malaman ang totoo at iligtas ang Terra. I would say that Cohen really is a true warrior of Magus. He totally got my respect. Napabuntong-hininga ako. “I’ll be in the Ace Tower.” Umismid ito sa akin na tila ba nakikita niya ang totoong intensyon ko ng pagpunta roon. Ngunit napangiti ako nang hagisan niya ako ng dalawang pakete ng mga gintong barya. “Use them well,” paalala niya bago siya naglakad patungo sa ibang direksyon. Tinimbang ko ang mga pakete sa palad ko. Mabigat-bigat ang mga ito. Itinapat ko ang mga ito sa ilong ko at sininghot-singhot ang amoy ng mga ito. “I missed you, my babies,” bulong ko sa mga ito at excited na naglakad patungo sa gitnang parte ng siyudad kung saan matatagpuan ang Ace Tower. Hinubad ko muna ang suot kong cloak at itinago sa backpack ko bago sumulong. Sa bungad pa lamang ng tore ay makikita na ang pila ng mga nagpapapalit ng chips para ipansugal. Nakipila ako roon at pasimpleng nakiusyoso. “Ang daming tao ngayon, a?” sabi ko sa kasunod ko sa pila. “May laban kasi sa taas. Taga-Capital,” nakangising tugon niya. Ang taas na tinutukoy niya ay ang Arena. Iyon kasi ang nasa huling palapag ng tore na mayroong malaking sugal. Bawat palapag kasi rito ay ibang pasugalan, depende sa kung gaano kalaki ang budget mayroon ang isang sugarol. “Talaga, sa Capital pa?” “Big time ’to, bata. Hinamon pa siya ni Venom, yung kanang-kamay ni Windav, upang ipaghiganti ang kanyang boss.” Oh, I see... “But who would that Capital guy be?” Hindi na ako sinagot ng kausap ko dahil turn na niyang magpapalit ng chips. Sumunod din ako at ibinagay ang dalawang supot ng gintong barya. Isang medium-sized na bag din na chips ang kapalit no’n. Tiningnan ko ang bulletin board na nakadikit sa pader na halos katabi lang ng malaking pinto ng unang pasugalan sa unang palapag. Ang oras ng susunod na laban sa Arena ay mamaya pang alas dos ng hapon. Mukhang malaki-laking match nga ito. Dire-diretso akong umakyat hanggang sa pangalawang pinaka-mataas na pasugalan dito sa tore, ang ika-apat na palapag. Mapapansin mo na halos mayayaman at taga-labas ang mga nagsusugal dito. Kakaunti lamang ang makikitang mga taga siyudad talaga. Lumapit muna ako sa isang mesa kung saan nagsisimula na ang larong baraha. Apat na babae ang nakaupo roon na sa tingin ko ay nasa late 40s. Mukhang mag-aamiga ang mga ito base sa mga tinginan at ngitian nila. “Naniniwala ka ba sa propesiya, sis? Mas mauuna pa akong maniwala sa pagsakop ni Shiro dito sa siyudad,” panimula ng isang ginang at marahang napahalakhak. Shiro? Where did I hear that name again? “Bumisita sa amin ’yang si Shiro. Nagkasundo na sila ng asawa ko,” tugon ng isang ginang na mayroong mabalbon na hayop sa balikat. “’Wag ninyong ipagsabi pero malapit na niyang pamunuan muli ang Terra.” “Naririnig ko ring tinatawag na siyang Lord ng mga tao. Ano ba ’yan, mabuti na lang din ay mataas ang ranggo ng asawa ko. Ayokong madawit sa gulo, ano,” komento ng isa pang ginang habang marahan na binubuklat ang mga hawak na baraha. Tahimik lamang ang isa sa kanila, ngunit nang magsalita siya ay halos mapapalakpak ako nang mabagal. “Wala talagang hustisya ang mundo. Kung sino pa ang mga walang pagmamahal sa sariling bayan nila, sila pa ang tumatamasa ng kalangitan nito.” Ibinaba niya ang kanyang mga baraha. Napa-ooh ako nang makitang royal flush ang ayos nito, ang pinaka-malakas na baraha sa laro nila. Tumayo na ang ginang nang makuha ang pinanalunan. “Naniniwala ako sa propesiya. Iyon na siguro ang ganti ng Magus sa mga katulad ninyong baliw sa sariling ginhawa at salapi.” Matapos kong mag-ikot ikot sa mga mesa upang mangalap ng impormasyon, hindi ko na napigilan na humanap ng sariling puwesto. Bukod sa espada at libro, ang pagsusugal din ang naging buhay ko noon dito sa Terra. Hindi ko hahayaang sakupin ni Shiro-somebody ang siyudad na kinalakhan ko. Paupo pa lang ako sa isang mesa nang mayroong nakabangga sa aking tumatakbong babae na halos ka-edad ko lamang. Sa likod niya ay isang matandang lalaking humahabol at sumisigaw ng, “Magkikita tayo ulit, bata!” Natigilan ako nang biglang mayroong isang alaala na sumagi sa isip ko. Muntik ko nang makalimutang nangyari pala ito sa pamamalagi ko rito sa Terra noong nasa murang edad pa lamang ako. Kaya ba gano’n na lamang ang pag-aalala sa akin ni Pizselior kaninang bago kami umalis ni Cohen?   “Talo ka na, bata.” Ibinaba ni Mr. Cromnus ang kanyang limang baraha. Tatlong King at dalawang Ace. “Full King.” Lumakas ang halakhakan sa paligid ko. Kanina pa kami naglalaro rito kung kaya’t dumami na ang mga nanonood sa ’min. Ngumisi ako. “May natitira ka pang oras para umurong.” Namilog ang kanyang mga mata. Nag-iisip siya. Kung lalaban siya at matatalo, maaari ko pang ipadagdag ang pera na nasa gitna. Kapag naman sumuko siya, akin pa rin ang pera ngunit hindi na niya kailangan magdagdag. “Call.” Nanginginig ang kanyang boses kaya lalong lumapad ang ngisi ko. “Plus isang dakot na gintong barya.” Aakma akong ilalapag na ang baraha ko nang muli siyang magsalita. “Teka!” puno ng pangamba niyang sabi. “Hindi na ako lalaban.” Nangiti ako. “Okay.” Inilabas ko ang kaluping dala ko at ipinasok lahat doon ang pera at chips sa mesa. Tumayo na rin ako at nangiti kay Mr. Cromnus bago naglakad paalis. “Teka, bata! Ano yung baraha mo?” pahabol na sabi sa akin ng mga nakikiusyoso. “A, oo nga pala!” Bumalik ako sa mesa at inilapag ang limang baraha ko. “Two Pairs.” Nang iangat ko ang tingin ko kay Mr. Cromnus, nakita kong galit na galit ang mga tingin niya sa ’kin. Mas mataas kasi ang Full House kaysa Two Pairs. Panalo dapat siya kung hindi siya umurong. “Magkikita tayo ulit!” Nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Ngumiti ako. “We’ll see, Mr. Cromnus.”   Pababa na ako ng hagdan nang may biglang humila sa akin mula sa ere. Nilipad ako nito palabas at palayo sa tore. Pilit kong tiningnan kung sino o ano ang nanlilipad sa akin. Tumingala ako at nakumpirma ko namang tao ito. “Hoy! Ibaba mo nga ako!” Napunta kami sa bungad ng Forest of Life and Death. Doon kami lumapag. Nilingon ko siya, pinaniningkitan ng mata. “You’re in trouble, miss,” tanging sambit niya habang pinagmamasdan ako. Nangunot ang noo ko nang mapansing pamilyar ang hitsura niya. Umiwas siya ng tingin. “’Wag mo ’kong tingnan nang ganyan. Nakikita kita sa kampo.” Natigilan ako. Dumadalo kasi ako sa kampo para sa libreng pagsasanay roon tuwing summer. Nagkibit-balikat na lang ako nang hindi ko talaga matandaan ang pagkakakilanlan niya. “Thanks for your concern, my dear campmate, pero kaya ko ang sarili ko.” Umirap ako sa kanya at naglakad na palayo, pero hindi pa ako nakakahakbang nang may makita akong lalaki na nakatayo sa dadaanan ko. Halos maputol ang paghinga ko nang makita ang kanyang mukhang may ngiti sa labi. “Long time no see, Lierre and Payne.” I guess you all are dying to know what happened that day, no? I messed up big time. That man, Payne Pizselior, witnessed how horrible of a monster I could be once I lost my mind and turnover my body to my aching hatred. I did not want to stop until I snatch the bastard’s head and feed it to my wolves, but Master Acius came. Good thing he came. “Had I not interfered, you’ll be a rotting corpse by now!” “I lost control. I’m sorry.” That man is alive. That son of a bastard–the Lord of the Rebel–who led my family into their death is f*****g alive! Hindi ko mapigilang magngitngit sa galit. I want to become stronger. I will definitely kill that man with my own hands and bring justice to the death of my friends and family. Sending him to hell next to his brother is not a bad idea at all. Binalikan ko ang mga pangyayari sa pagitan namin ni Shiro kanina. I have to admit that he was good. He fought with me bare-handed, enjoying every second of my madness. Natamaan ko siya nang ilang beses but he did not seem hurt. There was something strange about him. He would laugh like a hysterical devil preparing to devour a tasty sin. Nang tumama ang isang daliri niya sa sikmura ko, bumulwak ang dugo mula roon. Tila isang patalim ang bawat dampi ng kanyang mag daliri sa balat ko. He is overwhelmingly powerful even without flicking magic. Hinawakan ko ang mga sugat natamo ko sa pakikipaglaban kay Shiro. Hindi ko problema ang mga ito. Kayang-kaya kasing gamutin ng tubig ang anumang pisikal na sugat.   Matapos ang araw na iyon, parati na kaming nagkikita ni Pizselior sa Ace Tower. Wala siyang binabanggit tungkol sa mga nangyari sa gubat pero alam ko na tulad ko, may tanim din siya na galit kay Shiro. Dahil nanalo siya sa kanyang sugal, isinama niya ako sa malapit na karinderya at inilibre ako ng tanghalian. “Talo ka ’ata ngayon, love?” Masama ko siyang tiningnan. Sinimulan na rin niya akong tawaging ganyan matapos ang insidente. Gusto ko siyang sapukin, pero ipinagkibit-balikat ko na lang dahil nandito lang naman kami sa Terra. Walang may pakialam sa amin dito. “Alam mo bang bali-balita sa kampo ang kagaspangan ng ugali mo?” tanong ko sa kanya dahilan upang maibuga niya ang tubig na iniinom. Napatingin siya sa akin at napahalakhak. “Wala lang talaga akong oras para sa kanila,” simpleng tugon niya. Lumingon siya sa Manang na may-ari ng karinderya. “Love, isa pang rice!” Tinaasan ko siya ng kilay. Love din ang tawag niya sa mga kakilala niyang matatandang babae rito. “But you seem close with them–the people of Terra.” Ngumiti siya. “Dito ako lumaki.” Lumapit sa mesa namin si Manang na may ngiti sa labi. Inilapag niya ang isang plato ng kanin. “Ganda natin ngayon, love, a!” pambobola ni Pizselior sa Manang. “Nako talaga ’tong batang ’to! Baka magselos ’yang kasintahan mo!” biro nito at tumingin sa akin. “Nako, medyo selosa nga po ’to!” sang-ayon niya sa matanda at kinindatan ako. I swear, gusto kong pilipitin ang leeg niya noong mga oras na ’yon! Lumapad ang ngiti ni Manang.“’Wag kang mag-alala, hija. Ganyan lang talaga ang tawag ng batang iyan sa aming mga nanay-nanayan niya rito sa siyudad. Sa aming mga matatanda na!” Humalakhak si Pizselior. “Hindi naman halata sa hitsura, love.” “Ewan ko sa ’yong bata ka!” Nang makaalis na si Manang, binato ko ng kutsara ko si Pizselior. Walang kahirap-hirap niyang sinalo ito. “Love pala tawag sa matatanda, a?” Ibinato ko rin sa kanya ang tinidor, plato at mangkok na muli niyang sinalo. “Ano ako, matanda?” “Bakit, akala mo kasi love kita?” Hindi siya tumigil kakahalakhak. “Pareho kaya kayo ng Lola ko kung magalit!” “Bwisit ka talaga, Pizselior!”   Napahawak ako sa isang upuan dahil tila nanlambot ang mga tuhod ko. Tama, iyon nga ang unang beses na nagkakilala talaga kami ni Pizselior ngunit wala pang dalawang linggo, bigla siyang nawala dahil nakapasok siya sa Magi Academia. Doon ko rin unang beses nakita si Shiro na tinatawag nilang Lord of the Rebel. How could I forget that day? Malabo na sa akin ang bawat detalye kung bakit malaki ang galit ko sa Shiro na ’yon, pero ang alam ko ay galit na galit sa ginawa ko si Master Acius no’n kung kaya’t ikinulong niya ako sa isang silid ng ilang araw. And weirdly enough, paglabas ko roon, unti-unti ko na ring nakakalimutan ang mga bagay-bagay. Si Master Acius lang talaga ang sagot sa lahat ng mga katanungan ko—sigurado ako roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD