Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko para sa pag-alis naming mamayang madaling araw para sa misyon namin ni Cohen, pinapanood ako ng dalawang baliw mula sa pintuan ng kwarto ko.
“Elijah, Cian,” pagtawag ko nang lingunin ko sila. “Get out.”
“I can’t believe you’re getting your first mission on your first year in Academia,” mangha at hindi makapaniwalang sabi ni Elijah habang pinapanood pa rin ako.
“I went into a mission on my second year, second sem,” nanlulumong wika ni Frician.
I rolled my eyes. “This is supposed to be a secret, you know that?” iritable kong sabi at ibinalik na ang atensyon ko sa pag-iimpake. They’re hopeless.
“Trust us. We won’t tell anyone,” Elijah assured me. But there’s no way I’m going to believe that! We all know how Elijah spills almost everything!
Isa lamang backpack ang dadalhin ko. Although hindi namin alam kung ilang araw kami aabutin, minabuti ko na kaunti at magaan lamang ang bitbit ko. Dalawang pares ng komportableng mga saplot lamang ang dinala ko, isang jacket, at mga armas na binili ko sa Zero Market. Syempre, hindi ko rin makakalimutan ang dalawang bote ng tubig ko. Maaari naman akong kumuha ng tubig sa madadaanan namin kapag naubos.
Napaigtad ako nang biglang lumapit sa akin si Frician at inabot sa akin ang isang maliit na katsa. “Herbal medicines. Baka makatulong sa ’yo.”
Alangan ko iyong kinuha at pinagmasdan siya. Why is she acting nice to me when she knew who I am? But I didn’t bother to ask her that. Instead, I said, “Thank you, Cian.” Inilagay ko ang katsa sa backpack ko.
Sunod na lumapit sa akin si Elijah at mayroong inabot na isang parihabang kahon. “It’s popular and expensive in our territory. Hindi ko pa ’yan ginagamit.”
Binuksan ko ang kahon at nakita ang isang punyal na mayroong kakaibang disenyo. Sa handle nito ay mayroong simbolo ng Wind Palace. Halos masilaw ako nang tumama ang liwanag ng ilaw sa talim nito.
“Haven’t seen this one before,” komento ko at isinara ang kahon bago ipinasok sa backpack.
“Remember that it’s no ordinary dagger, Lierre,” pagyayabang pa ni Eli. “It’s connected to the wind. It’s like a boomerang! But I’m not sure if it works with a non-wind magian.”
Alas tres nang madaling araw nang magkita kami ni Cohen sa tapat ng gate ng Magi Academia. Nagsuot lamang ako ng komportableng mga damit na pinatungan ko ng isang itim na cloak na mayroong logo ng Academia. Nagtago na lamang ako ng mga maliliit na armas sa katawan ko na madaling hugutin in case of emergency.
Chineck muna namin ang mga gamit na dala namin kung mayroon pa kaming nakalimutan. Nang masiguro naming ayos na, nagdesisyon na kaming umalis na. Madilim pa ang kalangitan at malamig ang simoy ng hangin. It’s my favorite time of the day since it’s so peaceful that I could empty my mind for a while.
Hindi pa man kami nakakalayo ay natigilan kami nang mayroong maramdamang parang may sumusunod sa amin at tila mayroong mga pares ng mga mata na nagmamasid. Mabilis na nakadampot ng shurikens si Cohen at ibinato sa direksyon ng isang mataas na puno malapit sa gate ng Academia. Halos humagalpak ako ng tawa nang may narinig kaming humiyaw nang malakas. Maya-maya pa ay sabay-sabay na lumabas mula sa likod ng puno ang apat na pamilyar na mukha. Guess who?
“Why did you have to do that?” bulyaw ni Elijah na mayroong katuldok na dugo sa noo. Tumango-tango si Frician sa tabi niya na tila ba sumasang-ayon.
“Why did you follow us, then?” kompronta ni Cohen dito. Paulit-ulit ko silang tiningnan, ngunit wala talaga roon ang hinahanap ko. Mukhang napansin iyon ni Cohen kung kaya’t bumulong siya sa akin. “I’ll fill you in along the way.” He said that as if he knew what I was thinking.
“Still, you didn’t have to be so aggressive, man!” depensa muli ni Forest na may daplis sa pisngi.
“We just want to say good bye, dude,” napapakamot sa batok na sabi ni Pizselior habang hawak niya pa rin sa kabilang kamay ang isa sa shurikens na ibinato kanina ni Cohen. Natigilan ako nang tumitig siya sa akin nang ilang segundo. “Especially to Lierre. You’re going to Terra City, right?”
Alangan akong tumango. “May problema ba?”
Umiling siya. “We can meet there next weekend, if ever.” Tumango-tango lamang ako sa kanya. “And remember this… never let your emotions interfere again.” Again?
“Is that all?” tanong ni Cohen. “I’m sorry, man, but we should go.”
“Yeah,” tanging nasabi ni Pizselior na hindi piniputol ang tingin sa akin. “I’ll see you, okay?” The weird thing was he seemed very worried.
Hinila na ako ni Cohen palayo sa kanila, ngunit hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mat ani Pizselior. He knows something… but why did he look so sad and scared? I’ve lived in Terra City for almost seven years, so why fret? Nakabalik lamang ako sa sarili nang batukan ako ni Cohen.
“What are you doing?” nakangiwi niyang tanong.
“Do you think that we’re already close just because we trained together for two days?” bulyaw ko sa kanya. Nahahalata ko ang madalas na pambu-bully nito sa akin. Napahalakhak siya.
“What were you thinking? The absence of the great Primo Klausser or the look in the eyes of Payne Pizselior, the rebel?” mapang-asar na sabi niya at itinaas-taas pa ang mga kilay. “Ah! O baka naman yung reaksyon ni Forest kanina dahil ka man lang niya nalapitan?”
Sinamaan ko siya ng tingin. “And can you tell me why would I care about those three?”
Nakalabas na kami sa wakas ng kagubatan na pumapalibot sa Academia. Umabot kami ng halos dalawang oras na paglalakad papunta sa bungad ng karagatan kung saan may mga sasakyang pandagat patungo sa Terra City. Plano muna kasi naming manatili ni Cohen sa siyudad na iyon upang kumuha ng sapat na impormasyon. Doon kasi madalas umiikot ang mga balita na madalas ay hindi nakakarating sa Magi Island. Pugad kasi ito ng mga kriminal at ng mga gawaing iligal.
Lumapit si Cohen sa isang matandang lalaki na nakaupo sa isang maliit na bangka na tama lamang para sa apat na katao.
“Magandang umaga ho,” pagbati niya. “Maaari na ho ba kaming bumiyahe papuntang siyudad?”
Tumingin sa amin ang matanda at ininspeksyon muna kami bago sumagot. “Oo, pupwede na. Habang kalmado pa rin ang alon ng dagat.”
Nagbayad si Cohen ng isang paketeng gintong barya sa matanda. Gusto pa sanang tumanggi ng matanda dahil sobra-sobra ang binabayad nito, ngunit mukhang balewala lamag sa kanya iyon. Maging ako ay gustong bawasan ang baryang ibinayad niya. Pupwede pa iyong gawing puhunan sa Ace Tower!
Masama man ang loob ko’y hindi ko nagawang magdabog noong pasakay ako ng bangka. Tatlo kami roon, kabilang ang matanda na magsasagwan para sa amin.
“Aalis na tayo,” anunsyo ng matanda bago pinulot ang sagwan. Ngunit nahinto siya nang may isang babaeng pumigil sa matanda. Nakasuot siya ng pink na jacket at itim na maiksing pang-ibaba. Kayumanggi ang balat nito, ngunit kapansin-pansin ang magaganda niyang mga mata.
“Manong, pupwede ba akong sumabay?” hinihingal na sabi nito.
Lumingon ang matanda kay Cohen, tila ba humihingi ng permiso sa pakiusap ng dalaga. Tumango lamang ang huli na tila ba wala siyang pakialam sa nangyayari at saka ibinalik ang tingin sa tubig.
Dali-daling sumakay ang dalaga sa kabilang dulo ng bangka at nakangiting tumingin sa amin na para bang nahihiya. “Salamat, mamser!”
Malapit na kami sa pusod ng karagatan nang mapansin ko na hinihingal na ang matanda sa pagsagwan niya. Ilang beses ko rin siyang narinig na umubo mula pa noong nagsimula kaming maglayag sa tubig.
Nilingon ko si Cohen. Naka-krus ang kanyang mga braso sa dibdib at nakapikit. Rinig ko rin ang mahinang paghinga niya. Paano niya nagawang matulog sa ganoong posisyon? Sunod kong tiningnan ang dalagang nakisakay sa amin sa kabilang upuan. Napabuga ako ng hangin nang makitang nakaupo na ito sa sahig at nakasubsob ang mukha sa kanina’y upuan niya. Wow, these people! Alam kong nagawa kong matulog sa bangka noong kasama ko sina Emerald at Laura papunta sa Magi Island, ngunit may dahilan kung bakit nangyari ’yon at ayaw ko na ring alalahanin!
Sandali kong hinubad ang backpack ko at kinalkal mula roon ang jacket na dala ko. Umubo ako nang mahina bago hinarap ang matanda. “Err… Manong?”
“Hectov ang pangalan ko,” tugon nito nang hindi ako nililingon. Pagkatapos ay muli siyang naubo. Napatingin ako sa manipis na tela ng damit na suot niya. Sa lamig ng hangin, lalo na at nasa ibabaw pa kami ng tubig, tiyak na giginawin ang taong magsusuot no’n. “Pasensya ka na at mukhang lumubha ang ubo ko. Naulanan kasi ako noong huling biyahe ko.”
I heaved a sigh. Alam ko na mahirap ang pamumuhay sa Terra City. I was in fact used to it since I was a long time witness of the vicious cycle of poverty there. Ngunit noong tumira ako sa Magi Academia, mas lalo kong na-realize ang pagkakaiba ng mundo sa Capital at sa siyudad.
Inabot ko kay Manong Hectov ang jacket na hawak ko. “Isuot niyo na muna ito, Manong. Itigil niyo na muna ang pagsagwan.” Lumingon ito sa akin ngunit nagpatuloy pa rin sa ginagawa. Tiningnan niya lamang ako na para bang isa akong baliw. “Ang sinasabi ko, ’Tang, ako na ang bahala sa tubig.” Ipinatong ko sa kandungan niya ang jacket at kinuha ang sagwan mula sa kanya at itinabi muna iyon.
Hindi siya gumalaw at pinagmasdan lamang ako. Pumikit ako at kinontrol ang tubig sa abot ng makakaya ko hanggang sa mag-isa nang umandar ang bangka nang mas mabilis. Tiyak na pagagalitan ako ni Cohen kapag nalaman niyang nagsasayang ako ng enerhiya rito.
Nagulat ako nang biglang tumayo si Manong Hectov at nanlalaki ang mga matang tiningnan ang tubig at ang umaandar na bangka.
“Ah! Imposible! Matagal nang patay ang tubig,” naibulalas ni Manong. Napatingin siya sa akin at itinuro ako gamit ang hintuturo. “Anong ginagawa mo?”
“I am Lierre,” pagpapakilala ko. “The last sea child alive.”
“Imposible,” bulong niya sa sarili. “Walang nakaligtas sa sumpa na sinapit ng kaharian sa ilalim.”
Umikot ang mga mata ko. “I did.”
“Maaaring nasa labas siya ng kaharian nang mangyari ang insidente, Manong.” Nagulat ako nang biglang magsalita sa tabi ko si Cohen. Iminulat niya ang mga mata at diretsong tiningnan ang matanda. “Please sit down so we could land to the seashore safely.”
“Alam mong tama ako,” may diin na sambit ni Manong Hectov. “Kaarawan iyon ng cursed child, kaya lahat ng tao sa kaharian ay nandoon upang magdiwang. Lahat. Walang ni isang anak ng dagat na magpapalampas sa kaarawan ng anak ng prinsesa. Pati ang nag-iisa kong anak ay kasamang namatay roon.” Punong-puno ng hinanakit ang boses ni Manong Hector.
“Kaarawan nino?” singit ko.
Lumingon sa akin si Cohen at umiling. “Hindi maaaring pag-usapan ang bagay na iyan dito. Isa iyang kabastusan para sa yumaong diyos, kaharian at mga tao. Hayaan na nating mamayapa ang kanilang mga alaala sa kabilang buhay, Manong Hectov. Labindalawang taon na ang nakalilipas. Pagod na pagod na sila karirinig sa kuwento ng kanilang sinapit.”
Mapait na ngumiti si Manong Hectov. “Tama ka, ser. Pasensya na kayo sa mga nasabi ko.” Mababakas sa kanyang boses ang labis na kalungkutan. “Ngunit hindi ko maipapangako na kaya ko nang bitawan ang alaala ng anak ko at ang kanyang pagkamatay.”
“Hindi kasalanan ng bata ang nangyari sa kanilang kaharian,” paalala ni Cohen. Naguguluhan ko siyang tiningnan, ngunit tila ba sigurado siya sa mga sinasabi.
Umiling si Manong. “Babalik siya upang singilin ang Magus sa pagkamatay niya at ng kanyang mga magulang.”
“Cohen, anong sinasabi niya?” bulong ko kay Cohen na nakikipaglabanan ng tingin sa matanda.
“Hindi mo ba alam ang propesiya?” tanong ng matanda sa akin. “Alam nating lahat na magbabalik siya!”
Nagulat ako nang biglang tumayo ang dalaga sa kabilang dulo, tila ba naririndi na ito. Masama na ang mga tingin na ipinupukol niya kay Manong Hectov.
Fudge, I smell trouble.