67 Sumalubong sa akin ang nakabibinging tilian sa loob ng arena nang makatungtong ako sa pintuan. Siksikan ang mga tao na nakaupo sa bleachers, habang ang mga kalahok ay naghihintay sa stage sa gitna. Nang magsalita ang host sa stage, halos yumanig ang mundo ko nang biglang nagtakbuhan papasok sa arena ang mga tao, dahilan upang maitulak ako papasok at mapasama sa kanila. Sa liit ko, halos masubsob nila ako sa sahig at matapakan. Naramdaman ko na lamang na may humawak sa braso ko at hinila ako palayo sa mga nagdagsaang mga tao. “Ah, these people. They almost injured a kid,” rinig kong sabi ng lalaking hila-hila pa rin ako. Huminto lang siya nang makarating kami sa bleacher na bakante. Umupo siya rito at diretsong tumingin sa stage. Doon ko lamang nakita ang itsura nito. Hindi nalalayo

