07

4272 Words
Lily's POV Natigilan kami sa paguusap ni Sydney dahil may tumawag sa aking pangalan na pamilyar na boses. Ibinangon ko nang kaunti ang ulo ko at nanlaki at mata ko. "E-ezekiel?" nahihirapan kong sabi. Hingal na hingal siyang tumigil sa harapan namin ni Sydney. Tinignan ko si Sydney kaya napatingin din siya sakin. Binigyan ko siya ng facial expression na kung pano nalaman ni Ezekiel na na-hospital ako. Siniko niya ako nang mahina kaya tumingin ako ulit kay Ezekiel. "Anong kailangan mo?" "I-I'm sorry.." I laughed sarcastically tapos umiling. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Matapos niya ako sigawan sa school tapos pinagtanggol niya pa si Kallie ganiyan lang ang sasabihin niya? "Ayos lang." I gave him a small smile. Pagkauwi ko sa bahay, natigilan ako nang ilang segundo. Sino nag linis ng bahay?! Taranta kong kinuha yung cellphone ko tapos nag chat ako sa gc. To: Ungas Uy sino nag linis ng bahay rito? Grabeng linis. Pagkatapos kong i-send yung mensahe ko, dumiretso ako sa c.r para mag half bath. Nang tanggalin ko ang pang itaas ko, napatigil ako sa salamin. "Grabe pala yung saksak?" mahina kong sabi. Matagal kong tinitigan ito tapos maingat na hinawakan. Medyo kumikirot siya lalo pag magalaw ako at pag nasasanggi. Nang matapos akong maligo, linagyan ako ng betadine yung sugat ko gamit ang bulak. Pagkatapos ko linisan ito at lagyan ng betadine to avoid infection, tinakpan ko ito ng surgical tape. Tinignan ko ulit yung sarili ko sa salamin at napa singhal. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Bakit ko pa sinaksak sarili ko kung alam ko namang hindi ako mamamatay? Sana hindi nalang nila nalaman. Gusto ko kasing mamahinga buong buhay. Ayaw ko nang magising. Pumunta ako sa kusina tapos chineck ko yung laman ref. Mayroong noodles kaya ito nalang ang kinain ko. Tinatamad pa ako mag luto-luto. Ako lang naman din ang kakain. Pagkaluto ng noodles, kumuha ako ng mangkok, tinidor at kutsara tapos pumunta ako sa dining area. Matagal ko lang tinitigan yung noodles. Wala akong ganang kumain. Napasinghal nalang ako tapos uminom ng tubig. Kahapon pa ako hindi nakakaramdam ng gutom. Kung hindi pa ako pinilit kumain ni Syd, wala akong kain kahapon. Nang mainip ako, binuksan ko yung cellphone ko tapos nag scroll scroll ako sa i********:. Nang mapansin ko nag story si Ezekiel, agad ko ito pinindot. Ewan ko ba. Wala naman akong pake rito pero bakit interesado ako sa mga ini-istory niya? Yung sa story ni Ezekiel, may kasama siyang babae. Nakahawak yung babae sa kamay niya habang nasa harapan niya siya tapos yung isang kamay niya, naka takip sa muka. Alam ko namang si Kallie ito. Katawan palang, height at buhok halata na. Maiinis ba ako? Magiging masaya ba ako para sakaniya? Ewan ko ba. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Tandang tanda ko yung sinabi niya sakin na hinding hindi niya magugustuhan si Kallie dahil unang una, kaibigan lang ang tingin niya kay Kallie at nabawasan yung closure nila simula nung umamin sakaniya si Kallie. Pero bakit ganoon? Simula nung iniwasan ko siya para kay Kallie, naging sila na agad? Ganon ba siya kabilis mahulog sa isang tao? o pinagloloko niya lang ako na kunware hinding hindi niya magugustuhan si Kal? Well, sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto? Maganda, seksi, sikat at anak ng may ari ng school. Anong laban ko roon? Sinearch ko yung i********: ni Kallie dahil sa curiosity ko. Pero gamit ko ang old fan account ko para kahit tignan ko ang story niya, walang problema. kallie_ayutthaya_ ☑ 48 posts 550k followers 10 following Hindi na ako nagulat sa followers niya at yung blue check. Ang ine-expect ko pa nga mas mataas pa sa 550k e. Nang i-view ko yung story niya, yung isa, video na boomerang. Pinakita niya yung view ng beach. Pangalawa, mga pagkain at panghuli, picture ng lalaki na kumakain pero naka takip yung muka gamit ang kamay niya. Halatang naka ngiti pa yung lalaki. Obviously, si Ezekiel yon. Kamay niya palang tapos buhok halata na. Bakit kaya nila parang tinatago? Takot ba silang malaman na they are dating? Baka nga sumikat pa itong si Ezekiel once na malaman siya yung boyfriend ni Kallie e. Nang bumalik ako sa main account ko, nag pop yung chat head sa gc namin kaya agad ko ito viniew. Ungas alina: LV tayo dali sean: whats that? louis vuitton? alivia: bobo. bryan: ano nanaman yang pakulo mo? alivia: lyric video yan. sean: how does that work? alivia: send ka lang ng pic mo with lyrics. but it depends on a song we will going to gamit. alina: ano? g? sydney: g karissa: h eiden: i sean: j lily: k l m n o p alina: tangina niyo ang ko-korni niyo. sydney: HAHAHAHA start na. anong song? alina:bundles by kayla nicole. Nang i-send ni Lina yung lyrics at lines namin, nag simula na sila hanggang kay Bryan. Siya kasi yung panghuli. alina: *picture* bad b***h, ass fat (ooh) alivia: *picture* 40 inch hair, yours came in a pack (ooh) sydney: *picture* camel toe fat, you can see it from the back karissa: *picture* ah, ah, ah, ah lily: *picture* go bad b***h, go bad b***h, go (ah) sean: *picture* go bad b***h, go bad b***h, go (what?) eiden: *picture* go bad b***h, go bad b***h, go (ah) bryan: *picture* go bad b***h, go bad b***h, go (go) Not gonna lie, halos lahat ang ga-ganda, ga-gwapo at ang ho-hot nila sa pictures nila. Si Alina, yung picture niya ay mirror selfie. Naka croptop siya na itim tapos pantalon while her faced are covered. Si Alivia, selfie yung picture niya. Naka make up siya tapos rebonded yung buhok niya at color brown ang buhok. Naka wink siya habang yung isang kamay niya, naka tukod at pisnge niya. Napansin ko rin na nude color yung nail polish niya. Si Sydney naman, naka mirror selfie siya while raising her middle finger. Naka oversized shirt na kulay white tapos naka flare siya na pants at naka Vintage Retro Oval Frame eyeglasses siya. Si Karissa, sun kissed selfie yung picture niya. Medyo kulot yung buhok niya sa picture tapos ang kulay ng buhok, dark red. She was smiling widely on her picture habang yung buhok niya, medyo magulo dahil sa hangin pero ang ganda niya parin tignan. Ako naman, picture ko nung birthday ko yung ginamit ko. Yun yung naka fitted dress ako tapos whole body picture while looking at the right side habang yung kanang kamay ko naka hawak sa bewang at yung kaliwang kamay ko, naka hawak sa black rectangular glasses ko. Si Sean, selfie yung picture niya. He was smiling widely habang naka unbutton yung butones sa may dibdib niya. He was wearing a white polo. Si Eiden, mirror selfie yung picture niya. Naka fierce siya while his black polo, ay naka unbutton lahat ng butones while his right hand ay naka pamewang. Kitang-kita rin yung abs niya. Naka g-gym kasi siya. And lastly, Si Bryan. Selfie yung picture niya at he was in the car. He was wearing a black polo while he was smiling widely. Kitang-kita yung dalawang dimples niya at ang pagka singkit ng mata niya. alina: my god! ang gaganda at ggwapo niyo. sean: smol thing haixx alivia; wala na lumaki na ulo hahahaha eiden: ang hot ko shet istg imma marry myself. bryan; same lol im so obsessed with myself. XD sydney: de, ako talaga pinaka maganda. karissa: @sydney kapal naman ng muka mo. ako pinaka maganda rito no. lily: sHuT oFf bItcHeS ako pinaka maganda rito. karissa; nah stfu im da prettiest here. sean: libre mangarap mga ulol. bryan: was just stating faxx bruh. alivia y'all stop. we all are pretty, handsome and hot. alina: at dahil diyan, jkaw ang mag e-edit ali HAHAHAHAHAHAHA alivia: ugh i hate u! alina: love u more Mga ilang minuto, sinend ni Ali yung video na inedit niya na LV namin. Maganda yung pagkaka edit niya. Lalo yung transition tapos effects. Ang sabi niya pa, alight motion daw yung ginamit niya pang edit. I heard that app is hard lalo pag hindi marunong mag edit o hindi mo kabisado yung app na 'yon. Kinagabihan, nasa living room ako, nanonood ng movie sa netflix. Hindi ko nanaman kasi maintindihan yung sarili ko. Naiiyak ako ng walang dahilan. My mind is literally in chaos. Ang daming bagay na pumapasok sa isip ko kaya naiistress ako lalo.  Marahan kong pinunasan yung luha ko tapos huminga nang malalim. Medyo naninikip din yung dibdib ko kaya dahan-dahan akong naglakad sa kusina para kumuha ng tubig. Habang ako naglalagay ng tubig sa tasa, parang biglang umikot yung paningin ko kaya muntik na ako mag out of balance. "Shit.." mahina kong sabi. Nabasag yung tasa habang yung tubig, patuloy lang sa pag agos. Matagal ko lang ito tinititigan. Parang ayaw gumalaw ng katawan ko.. hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin. Dahan-dahan kong kinuha yung bubog tapos pinunasan yung sahig.  "Iinom lang naman ako.. nabasag pa amputa." inis kong sabi. "Tanga mo talaga Lily.. kahit kelan. Kingina." Bumalik ulit ako sa living room tapos humiga sa sofa at nanood ulit. Nakaramdam ako ng antok kaya dahan-dahan kong ipinikit yung mata ko.  Nagising ako nang wala sa oras kaya napabangon ako. Chineck ko yung oras sa cellphone ko. 4:20 am na pala. Kinuha ko yung TV remote tapos pinatay ko yung TV. Napansin ko rin na ibang palabas na yung naka play. "Hey, why did you turned off the TV?" That caught me off guard. f**k! Who was that!? Nananginip ba ako!? Sino yon!? Nag ha-hallucinate ba ako!? May mag nanakaw bang naka pasok!? Putangina!  Dahan-dahan akong tumingin sa likuran ko at nanlaki ang mata ko.. "Ezekiel?!" sigaw kong sabi. "Tangina, anong ginagawa mo rito?!" "I came here to visit you.. but you were asleep. I'm sorry I startled you." he gave me an apologetic smile. Ang kapal naman ng muka nito mag 'sorry'!  "Gago ka ba, Ezekiel?! Pinasok mo yung bahay ko nang walang pasabi!? Sana naman kumatok-" Natigilan ako sa sinabi ko nang lumapit siya sakin tapos tumayo sa harapan ko. Mga ilang segundo ko siyang tinitigan habang naka angat ulo ko. "I texted you.. but you were not replying my texts nor calls." Napapikit ako nang mariin tapos hinimas yung sentido ko. "Malamang tulog yung tao! Anong oras ka ba pumunta, ha!?" "8pm." 8pm? Maaga nga pala akong natulog.. pero kahit na! Pumasok siya sa bahay ko nang walang pasabi manlang! Hindi naman ako bingi para hindi madinig ang doorbell o katok. Inirapan ko siya tapos tinignan ko yung paligid. Napansin ko ring may unan ako at kumot.. wala naman ako non kanina a'.. "Did.. you?" "Yeah. Nilalamig ka, e." sabi niyang tsaka uminom sa baso. Tignan mo 'to, ang kapal pa ng muka uminom sa baso parang kala mo bahay niya! Nanood pa talaga ng movie, ha! "Pano ka nakapasok dito?" "Bukas pinto mo. Nakalimutan mong i-lock" Napaawang labi ako tapos nagkamot ulo. Naalala ko nga pala.. dumiretso ako sa cr kahapon para mag half bath. "Ano pala pinunta mo rito? May utang ba ako sayo? May nakalimutan kabang gamit mo or..?" He licked his lower lip tapos umupo sa isang sofa. "I want to take care of you.. since your friends are not able to go here." "Huh? pano mo nalaman?" "Secret." he chuckled. Imposibleng isa 'to sa UNGAS dahil halos galit sila kay Ezekiel! "Pinag t-tripan mo ba ako?" masungit kong tanong. "Hindi naman.." he smirked at me "So anong kailangan mo? is-stressin mo'ko?" "I want to take care of you nga." "What about Kallie?" kunot noo kong tanong. Hindi niya sinagot yung tanong ko kaya I rolled my eyes. Bumangon ako para patayin yung ilaw tapos humiga ulit sa sofa para matulog. "Saan ka matutulog?" naka pikit kong tanong. "Sa tabi mo." Bigla ako napa bangon kaya tumawa siya nang mahina.  "Doon na ako sa kwarto ko or kung gusto mo roon kana lang sa kwarto ko tapos dito ako." "Ayoko nga.. baka may multo rito, e." "Ay takot?" natatawa kong sabi. "Hindi.. baka lang kunin ka nila. Baka hindi na kita makita ulit." Napaawang labi ako at nanatiling manahimik. Bakit parang may hidden meaning yung sinabi niya? Tsaka may girlfriend siya.. bakit ganyan yung mga salita niya? Hanggang nag umaga kami nag kwentuhan. Hindi narin ako nakatulog dahil nawala antok ko simula nung nagulat ako sakaniya. Ayaw niya rin matulog dahil yung habang niya ako inaantay magising, nakatulog daw siya sa lapag. Bahala siya, hindi ko na problema yon kung natulog siya sa lapag. Pwede naman kasi kinabukasan nalang siya pumunta. Tsaka kasama niya si Kallie sa beach, a'? "Ezekiel.." "Hmm?" tumingin siya sakin habang ngumunguya ng pagkain. Nag a-agahan kami ngayon. Siya ang nagluto ng sopas. Maulan kasi ngayon kaya napagpasyahan naming mag luto ng sopas. Mabuti nalang may mga stock ingredients kami rito. "Bakit mo 'to ginagawa?" I remember asking him this question before.. He looked at me for a second tapos uminom ng tubig. "Kasi tag-ulan.. kaya masarap mag sopas, ayaw mo ba?" Ang slow naman nito! Kailangan detailed pa ang sasabihin! "I mean.. ito.. you're showing that you care about me. Pumunta ka pa rito para alagaan mo ako.. I, uh.. saw your story.. you're with a girl sa beach.. iniwan mo ba siya roon?" "Kasi gusto kong alagaan kita. And yes, I left her there just for you. And that girl is Kallie." Alam ko namang si Kallie. Hindi ko lang masabi sakaniya baka sabihin niyang ini-istalk ko sila o masyadong interesado sa IG story nila. "Ikaw ba? Bakit wala si Sean?" Medyo nakaramdam ako ng kaba. Hindi alam kung anong sasabihin ko! "Uh.. mamaya pa raw siya, e.. p-pero ic-chat ko na siya ngayon.. kailangan mo na bang umali-" Tatayo na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kanang kamay ko kaya napatigil ako. "Don't.. don't call him nor Kallie.. I want to be with you.. kahit ngayon lang, Lily. Kahit ngayon lang." he smiled. I smiled back at dahan-dahang umupo tapos kumain ulit. Why did I feel butterflies in my stomach? Bakit parang ang sarap sa tenga pakinggan non? I never craved for love ever since I was a kid.. pero, ever since I met these people in my life, they changed me. So much. Buong araw kami nanood ng movie at nagkwentuhan ni Ezekiel. Not gonna lie, ang saya ko pag kasama ko siya. Sobrang saya ko ng araw na 'to. "Picture tayo." pagaaya niya. Pumayag naman ako kaya inayos ko yung buhok ko tapos ngumiti sa camera. Sa pangalawang picture, ginulo niya yung buhok ko habang siya nakangiti habang ako nakasimangot habang nakatingin sakaniya. Yung pangatlong shot, nakatingin ako nang masama sakaniya tapos siya, he was smiling widely at me. "Upload ko 'to ha." natatawang sabi niya habang nakatingin sa cellphone niya. "Wag!" inis kong sabi. "Bakit? Ang cute mo kaya pag ka naka simangot." Kapal ng muka nitong bolahin ako! Kelan pa ako naging cute pag naka simangot!? Sarap hambulusin. Inupload niya yung tatlong pictures namin. Pinagsama-sama niya itong tatlong picture tapos linagyan niya ng music na The Only Exeption by Paramore. Napaawang labi ako nang mapansin kong tinagged niya ako. Bakit si Kallie hindi niya tinagged yung kasama niya siya? Tapos yung music pa The Only Exeception. Kinuha ko yung cellphone ko tapos binuksan ko yung i********: ko tapos linagay ko rin sa story yung picture namin ni Ezekiel na tinagged niya sakin. Inadd ko rin ito sa f*******:. Hindi ko na alam ang ginagawa ko. Tuwang-tuwa pa ako dahil may picture kami ni Ezekiel tapos tinagged niya pa ako sa story niya. "Will you be okay here?" Medyo nakaramdam ako ng lungkot nang malaman kong aalis na siya. Hinahanap kasi raw siya ng Mommy niya dahil may family gathering daw sila. "Oo naman." I gave him a small smile. Lalabas na sana siya ng pintuan kaso natigilan siya nang tawagin ko yung pangalan niya kaya napatingin siya sakin. "Salamat.. salamat sa time. Thank you for taking care of me at nag effort para pumunta sakin dito." "You're welcome." he gave me small smile.  Lumapit siya sakin and he grabbed my waist closer to him. f**k. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.  He hugged me tight while his other hand are still on my waist. He leaned me more closer to him kaya napahawak ako sa dibdib niya. He held my chin tapos iniangat niya ito nang kaunti.  We are staring at each other so f*****g close. Dinig na dinig ko pa yung pag hinga niya. He was looking at me while smirking habang ako kabang-kaba. Napa pikit ako nang mariin nang idinikit niya ang labi niya sa noo ko. I feel.. happy. Marahan siyang humiwalay sakin. He smiled at me kaya I smiled at him back.  "Amoy Sean ah." natatawa niyang sabi. Hinampas ko siya sa dibdib niya tapos tumawa. "Siraulo." natatawa kong sabi. "Bye." ngiti niyang sabi. I waved at him while smiling. Nang mawala siya sa paningin ko, agad nawala yung ngiti ko. Bumigat bigla yung pakiramdam ko. Umakyat ako sa taas tapos pinuntahan ko yung kwarto nila Mom and Dad.  "Kumusta na kaya sila? Masaya na kaya sila sa sarili nilang pamilya?" mahina kong sabi. Dahan-dahan akong naglakad sa kama tapos ibignagsak ko ang katawan ko.  "Pota." sarkastikong tawa ko.  Bumangon ako tapos tinignan ko yung mga drawer, cabinet at aparador. Walang kagamit-gamit halos. Pumunta ako sa kwarto ko at napansin kong ang lungkot-lungkot pala ng vibe sa kwarto ko. Ngayon ko lang napansin. Nag vibrate bigla yung cellphone ko kaya agad ito tinignan. Napangiti naman ako nang makita ko ang pangalan ni Ezekiel. Ezekiel calling.. accept  decline Ngiti kong pinindot yung 'accept' button tapos agad niya akong kinamusta. Bakit ang saya saya ko? Marinig ko lang boses niya napapangiti na ako. Pano pa kaya sa tuwing nakikita ko siya?  "Ayos lang ako, ikaw?" ngiti kong sabi habang kinakagat yung kuko ko sa thumb finger. I'm trying not to blush! "I'm fine. By the way I asked my mom if I can stay there for awhile and thank god she agreed. She also wants to meet you." That caught me off guard. Tama ba yung narinig ko? Dito siya mag s-stay at gusto ako makita ng Mommy niya!? what the f**k? "A-ano? you don't need to do this. I swear I will be fine. Tsaka bakit gusto ako makita ng Mommy mo? Legal kayo ni Kallie diba? Ano bang sinabi mo? Baka naman akala niya ako si Kallie." seryoso kong sabi. "Lily.. the Doctor said hindi ka pwedeng iwan magisa. Wag mo sabihing hindi ka inaatake ng depression mo pag magisa ka?" "I-" "I care about you, Lily.. please just agree." This feels wrong. May girlfriend siya tapos pupunta siya sa bahay ko tapos babae pa naman ako? Anong iisipin non ni Kallie? Kahit pa sabihin ko hindi kami nag la-landian, magagalit pa rin. Babae ako kaya maiintindihan ko ang mararamdaman niya. "P-pano si Kallie? This is wrong, Mat. This is.. wrong. You even kissed my forehead and grabbed my waist! Anong iisipin ni Kallie kung makikita niya tayo? Naririnig mo ba sarili mo, Ezekiel?" "Kallie is not my girlfriend, Lily! Hindi ko siya gusto dahil ikaw ang gusto ko! Ginagawa ko ito because I care about you. Nag e-effort ako dahil I want to show you how much I love you, Lily." Please tell me I'm dreaming. Panong hindi niya girlfriend si Kallie? Ano yung sa IG story niya!? Ano yung endearment at monthsary na narinig ko noon!?  Ang daming tanong na nasa utak ko pero hindi ko manlang siya matanong-tanong. Sobrang hirap. Ang hirap. Maya maya, may nag doorbell sa baba kaya agad akong bumaba para i-check kung sino yung nag doorbell. Pagka bukas ko, bumungad sakin si Ezekiel. He's wearing a pink hoodie tapos naka jeans. May dala dala rin siyang bag pack, maliit na teddy bear at snacks. Itinaas niya yung kaliwang kamay niya tapos ngumti.  "Snacks?" he smiled. I licked my lower lip and I nodded. Tinanggal niya yung rubber shoes niya tapos pumasok sa loob. SInara ko yung pinto at linocked. Linagay niya yung mga gamit niya sa kwarto nila Mom and Dad. Nag lagay rin ako ng bed sheet. punda at kumot. May aircon naman sa loob kaya hindi niya na kakailanganin mag electric fan pag gabi.  "Labas muna ako. Bihis ka muna." pag papaalam ko. Tumango siya saka ko sinara yung pinto. Bumaba ako sa living room tapos tinitigan ko yung sarili ko sa salamin. Takte bakit ako pinag papawiasan at kinakabahan? Si Ezekiel naman 'yon! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Habang ko inaayos yung buhok ko, narinig ko sinara yung pinto at foot steps kaya agad ako pumunta sa kusina.  Bumungad sakin si Ezekiel. He gave me a small smile tapos linabas niya yung mga pinamili niya. He's wearing a black t-shirt tapos naka short na puti. Matapos niyang ayusin yung mga pinamili niya, inaya  ko siya na pumunta kami sa taas. May rooftop kasi sa taas.  "This was my favorite place when I was a kid." ngiti kong sabi while my eyes closed, feeling the wind. Nakaupo kami ngayon sa bench while staring at the sky. Ang daming stars tapos kitang-kitang pa yung buwan. "'E ngayon?" "I don't know." I shrugged. "Lilipat ako ng bahay pag may pera na ako pang pa lipat. I hate this house though." I sarcastically smiled. "I'm sorry.." "It's fine." Nanatili lang kaming tahimik. Maya maya, nakarinig ako ng tugtog galing sa maliit na speaker na dala dala niya. "Wanna dance?"  He stood up and he offered his hand. Tingala ko siyang tinignan tapos natawa. Tumayo ako tapos tumango. We both laughed.  Look at the stars Look how they shine for you And everything you do Yeah, they were all yellow I came along I wrote a song for you And all the things you do And it was called Yellow While the song was playing, he wrapped his hands on my waist while my hands are on his nape. I was smiling widely and he smiled at me back. I leaned on his chest and my tears started to fall on my cheeks.. So, then I took my turn What a thing to've done And it was all yellowYour skin Oh yeah, your skin and bones Turn in to something beautiful Do you know You know I love you so You know I love you so "Hey.. hey, why are you crying?" he said it in a soft voice. Ngiti akong tumingin sakaniya tapos pinunasan niya yung luha ko. "I just.. feel so happy when I'm with you, Ezekiel.." I swam across I jumped across for you What a thing to do 'Cause you were all yellow I drew a line I drew a line for you What a thing to do And it was all yellow "I feel the same too, Lily. Seeing your smiles and hearing your voice, my life feels so complete." And that made me feel butterflies on my stomach. And your skin Oh yeah, your skin and bones Turn in to something beautiful Do you know For you, I'd bleed myself dry For you, I'd bleed myself dry "But why would you date Kallie? What's with the endearment, IG stories and monthsary?" naiiyak kong tanong "It was all made up, Lily.." Napatigil ako sa pag iyak kaya natawa siya nang mahina. Pinunasan niya ulit yung luha ko tapos ngumiti. "When you pushed me away.. I  confronted her. I told her all about you. How I like you, how we met, how much I want you and many more. Hanggang sa umiyak siya sa harapan ko. She was apologizing though. Lumuhod pa nga siya sa harapan ko." Napaawang labi ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko ine-expect na gagawin yun ni Kallie. "And after non, sabi niya kailangan niya ng space. She was so upset sa sarili niya kung bakit niya na gawa 'yon sa'yo. She wanted to say sorry kaso hindi niya alam kung pano ka niya haharapin. Especially kila Alina at Alivia. She told me how much she loves those girls. Yung sa canteen naman, siya ang nag volunteer na pa selosin ka kaso si Sean pa epal. May pa forehead kiss pa." I laughed at him kaya sinamaan niya ako ng tingin. "It was all just made up too, Ezekiel." I chuckled. "Sean volunteered me to do that para paselosin ka." "Seriously? So all this time, nag lolokohan lang pala tayo?" "Yeah. I can't believe nga, e." He shook his head tapos tumawa. "Mag pinsan nga talaga sila." It's true Look how they shine for you Look how they shine for you Look how they shine for Look how they shine for you Look how they shine for you Look how they shine "One favor.." "Hm?" I looked at him. "Stop calling me Ezekiel. I prefer Kiel." "I thought you don't like it?"  "Nagustuhan ko. Nasabi ko lang 'yon kasi sa tuwing na tinatawag mo ako non, natutunaw ako. Ikaw ba naman gawan ng nickname ng favorite person mo, diba?" he chuckled. Look at the stars Look how they shine for you And all the things that you do "Gustong gusto kitang ipagdamot.." he said it in a soft voice. "Edi ipagdamot mo'ko." seryoso kong sabi. His eyebrows furrowed and looked at me straight. "How? Wala pa ngang tayo, e. Liligawan palang kita-" "Who cares? Although we are not YET together" I emphasized the word 'YET'  "I'm all yours, love." I leaned on his chest and smiled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD