MARIEL / GENEVIEVE POINT OF VIEW Tangina talaga ng kapalaran, oh. Akalain mong sa isang linggo kong pamamalagi sa katawan ni Genevieve, ngayon ko lang masisilayan ang mala-kutsara sa manipis na balat kong mga kapatid—este—ng katawan na kinalalagyan ko. Dalawang babae. Tatlong lalaki. Lima silang magkakapatid ni Genevieve at lahat sila? Mga certified na hindi marunong magmahal kundi sarili lang nila. Nasa cafeteria ako, dala ang tray ko na puno ng kanin, fried chicken na may ketchup, at isang piraso ng saging na saba na akala mo e pang-diyos. Habang naglalakad ako papunta sa bakanteng table, ayun sila—nakatumpok sa isang table na parang eksena sa mga rich kid teen movie. Kumpleto sa pa-hair flip, pa-pose na akala mo hindi natatae, at tawang may “I’m better than you” energy. Sumabog na a

