MARIEL / GENEVIEVE POINT OF VIEW Kung may isang bagay akong kinamumuhian noong buhay pa ako bilang si Mariel De Leon sa Tondo, bukod sa mga siga na feeling boss sa kanto at sa mga tsismosa sa karinderya, ito ‘yung tinatawag na group project. Dahil kahit kailan, hindi siya naging group effort. At guess what? Sa bagong buhay ko bilang si Genevieve Santos, hindi pa rin exempted ang buhay ko sa ganitong klaseng kamalasan. Kalahating linggo pa lang akong nagta-transform mula sa princess-turned-siga, eto na—boom, group project agad. Napadpad ako sa block section nila Genevieve sa isang subject na parang Public Speaking and Professional Writing. Mukhang fancy, pero sa totoo lang, mukhang class lang ito ng mga pa-importante at grammar police. At heto na nga. Pinasok ko ang classroom nang may

