MARIEL / GENEVIEVE POINT OF VIEW Wala akong balak maghahanap ng kabaduyan ngayong gabi, pero dahil walang kwenta ang mga kasama ko sa bahay na akala mo mga extra sa horror movie—tahimik, walang emosyon, at parang laging galit—napagtripan kong maghalungkat ng kwarto. Para sa akin, therapeutic ‘yon. Baka may matuklasan akong sikreto ni Genevieve. O baka may baril. O baka may kayamanan. Pero hindi, diary ang natagpuan ko. A pink, glittery, lock-and-key type of diary na parang kinuha sa tindahan ng mga pa-sweet na high schooler. Hindi ko sure kung tatawanan ko ‘to o ibabaon ko na lang sa lupa. Pero dahil wala rin akong magawa, binuksan ko. Walang susi? Walang problema. Ako pa ba? Sinipa ko lang ng kaunti yung lock at boom—open sesame. Page one pa lang, napa-facepalm na ako. “Dear diary…

