MARIEL / GENEVIEVE POINT OF VIEW Alam kong wala akong kinabukasan sa PE. Hindi dahil mahina ako, kundi dahil kung meron mang subject na perfect para sa “accidental violence,” ito na ‘yon. Kaya habang nakatayo ako sa gilid ng covered court, naka-tuck out ang PE shirt ko, naka-fold hanggang siko ang sleeves, at nakataas ang kilay habang pinagmamasdan ang mga pa-sweet mag-stretching, isa lang ang nasa isip ko: This is gonna be fun. “Genevieve, ikaw na ang team captain ng Blue,” sabi ng PE teacher, si Coach Paolo na halatang hindi pa rin makamove-on sa kape niyang walang asukal. Nilingon ko siya. “Ako? Sure ka? Hindi ba dapat ‘yung may skill sa takbuhan o ‘di kaya ‘yung hindi pa na-ICU?” “Exactly. You need to build endurance. Plus, challenge ‘yan. Character building.” Ah, gano’n? Charac

