RAVI POINT OF VIEW Sa dami ng araw na pinagsisihan ko ang career path ko, tingin ko ito na ang peak. Standing here in the middle of a university covered court, habang ang mga estudyante ay nagtitilian at nagwawagayway ng mga papel parang sabay-sabay silang nahulog sa K-pop rabbit hole, all because of one man—my boss. Ali Murat Ozcan. Half-Filipino, half-Turkish, one hundred percent walking migraine. Ako nga pala si Ravi. Thirty-two years old, may bachelor's degree sa Business Administration, at master's degree sa stress management—self-taught, courtesy of working for this emotionally constipated man for five years. At habang pinapanood ko siyang nakatayo sa harapan ng libu-libong estudyanteng mas kinikilig pa sa kanya kaysa sa lifetime crush ko nung high school, bigla siyang napahint

