CHAPTER 6

2006 Words
MARIEL / GENEVIEVE POINT OF VIEW Pagbaba ko sa jeep, parang may slow-mo effect ang buong paligid. ‘Yung tipong bawat hakbang ko, may sound effect na “BOOM. BOOM. BOOM.” Oo. Gano’n katinde ang dating ko. Uniform na may pagka-rebelde ang style, may lollipop sa bibig, buhok na naka-bun pero may kalat na strand sa gilid, at bitbit ang backpack sa isang balikat lang—the ultimate siga aesthetic. Ramdam ko agad ang mga mata ng estudyante sa paligid. Pagtapak ko pa lang sa gate ng campus, huminto ang ilang grupo ng estudyanteng nag-uusap. Napatingin silang lahat sa akin. “Genevieve Santos ‘yun, ‘di ba?” “Bakit parang… ibang tao siya ngayon?” “Putek, si Genevieve ba ‘yan o bagong recruit ng frat?” “Ang angas naman!” Pigil ang tawa ko habang patuloy lang ako sa paglalakad. Pakiramdam ko, may theme song akong background—**‘yung tipong pang-entrance ng bida sa action movie.** Naglalakad ako pa-main building nang marinig ko ang pamilyar na tawa. TANGINA. ETO NA. Sa gilid ng pathway, sa ilalim ng puno, nakatambay ang tatlong babaeng mukhang sinakluban ng insecurity pero binalot sa Louis Vuitton. Kilala ko sila—oo, kilala ko dahil nakita ko sa alaala ni Genevieve. Sila ang triyong lagi siyang ginagawang basahan. Palagi siyang pinapahiya sa harap ng iba, tinatawag na weakling, crybaby, at slut. Lalo na nung kumalat noon ang balitang obsessed siya kay Ali Murat, eh yung lalaki naman, ni hindi siya pinapansin. Pambansang kahihiyan daw siya. E ngayon? Pambansang ganti na ang dala ko. “Uy, tignan mo sino ang dumating,” sabi ng isa, si Tricia, sabay pamewang at tingin mula ulo hanggang paa. “Wow, Genevieve! Saan ang cosplay? Kapatid ka ba ni Manny Pacquiao ngayon?” Tumawa ‘yung dalawa niyang sidekick. “Girl, ang weird mo na talaga. Like, you look like a trying hard rebel,” dagdag naman ng isa pa, si Nicole, sabay irap. “Trying so hard to be relevant after being the pathetic weakling-slut of this school? Cringe much.” Tumayo ‘yung isa pa, si Aubrey, ‘yung pinaka-retokado sa tatlo. “Feeling ko after mong ma-ICU, nawalan ka na talaga ng brain cells. You’re literally embarrassing yourself, Genevieve. Like, what the hell are you even wearing?” Sumandal ako sa pader, nilaro-laro ang lollipop sa bibig ko. Tinitigan ko sila isa-isa. Hindi ko agad sinagot. Pinatikim ko muna sila ng katahimikan—yung tipong bago ka sapakin ng katotohanan, pinapatagal mo muna ‘yung impact. Tumingin ako kay Tricia. “Ang dami mong sinasabi, ah,” sabi ko, kalmado. “Hindi ka pa rin nagbabago. Para kang lumang radyo, tunog pa lang, basura na.” Natigilan siya. Humakbang ako palapit. Nilabas ko ang lollipop sa bibig at itinuro sa kanila, parang baril. “Kung dati, si Genevieve iyakin at tinatanggap lahat ng salita niyo... eh, newsflash. Hindi na siya ‘yun.” Nilapit ko pa ang mukha ko kay Nicole, habang nakangisi. “Kaya kung may problema ka sa suot ko, o sa asta ko, aba, may optometrist naman sa tabi ng gate. Magpa-check up ka. Baka hindi mo lang matanggap na kahit naka-tiklop ang manggas ko, mas may presence pa rin ako kaysa sa mga fake-ass personalities niyo.” Tahimik. Hindi sila makasagot agad. “Slut ka pa rin,” bulong ni Aubrey. “Kahit magpanggap kang siga, ikaw pa rin ‘yung babaeng niloko, tinapon, at iniwan.” Ngumiti ako. Hindi yung bait na ngiti. Yung ngiti na pag nakita mo, alam mong delikado na ang usapan. “Talaga ba?” sabay tawa. “Mas gusto ko nang masabihan ng slut kaysa masabihang palamunin, insecure, at palaging nakikisiksik sa sikat para lang mapansin. At least ako, may sariling kwento. Kayo? Mga side characters lang sa buhay ng ibang tao.” Pak. Boom. Sapul. Kung may audience kami, baka naka slow clap na sila ngayon. Tricia stepped forward, halatang galit na. “Anong nangyari sa’yo? Nasa ospital ka lang ng isang linggo tapos biglang ganyan ka na?!” “Baka kasi dapat matagal na akong natuluyan para matauhan ka,” sagot ko, hindi na ngumingiti. “Pero malas mo, Tricia. Ako pa rin ang nasa katawan na ‘to, at ngayon, hindi na ako si Genevieve na magpapakamartir.” Hinawakan ko ang bag ko, inilagay sa likod ko. Tumingin ako sa kanilang tatlo, matapang. “Kaya kung gusto niyong bumalik sa dati, sa panahong kaya niyong durugin ang isang tao para lang maramdaman niyong may silbi kayo—mali kayo ng panahon.” Bigla silang natahimik. Pumipitik ang mga mata nila, parang hindi makapaniwala sa naririnig. Marami ring estudyante sa paligid ang nakapansin na sa confrontation namin. May ibang napapangiti, may iba namang naglilingon-lingon, parang first time makitang maghagis ng granada si Genevieve Santos gamit lang ang bibig. Ilang saglit pa, tinalikuran ko na sila. “Mag-CR na lang kayo, baka mabasa kayo sa lakas ng presence ko,” sabi ko habang papalayo. Hindi na ako lumingon pa. Pero habang lumalayo ako sa kanila, naramdaman kong may mainit na tingin sa likod ko. Hindi na ako sanay sa ganito. Pero hindi na ‘to tungkol sa pakikipagpatigasan ng ego. Ito na ‘yung bagong simula. At sa campus na ‘to, kung saan dati akong palaging binababa ang ulo, ngayon, ako na ang sisira ng status quo. Sa bawat yapak ko papasok ng hallway, ramdam ko ang pagkakagulo sa loob ng sistema ng mga taong nakasanayan na ang isang Genevieve na mahina. Hindi na ako mahina. Ako na si Genevieve… na may kaluluwa ni Mariel. At sa pagsisimula ng panibagong araw sa kolehiyong ito, wala nang puwang para sa pang-aapi—dahil kahit anong sablay ninyo, siguradong may isa kayong hindi kayang buwagin: ang isang taong hindi na takot sa kahit kanino. __________ Pagkapasok ko sa hallway ng main building, damang-dama ko pa rin ang tension na iniwan ko sa mga chismosang kabit-bit ni Satanas. Pero wala akong pake. Sila ang may problema, hindi ako. Ang importante, ako na ang bagong Genevieve—hindi ‘yung tahimik, hindi ‘yung martyr, at lalong hindi ‘yung papaapi. Naglalakad ako sa pagitan ng mga estudyanteng para bang hindi makapaniwala sa bagong version ko, habang ako? Chill lang. Nakalollipop pa rin, bitbit ang backpack sa isang balikat, at nakataas ang kilay, ready sumipa ng mayabang kung kinakailangan. Pero habang papalapit ako sa isang hallway pa-library, may biglang humarang sa harapan ko. Isang lalaki. Matangkad siya. Maayos ang pagkakatayo, suot ang school uniform na para bang sinukat sa katawan niya. Maputi, may matalim pero malungkot na mata, parang ang daming iniisip sa buhay. Pero ang pinaka tumatak sa akin ay ang ngiti niya—malambing, parang ngumiti sa taong mahal niya buong buhay. Napakunot ang noo ko. “Gene...” Hala. ‘Di ko alam kung ako ba ang tinatawag niya, pero malamang oo. Kasi ako lang naman ang Genevieve na bagong reborn sa campus ngayon. Pero ang mas nakakaintriga? Kung paano niya ako tinawag. “My Gene.” ‘Tangina. Parang romcom. Pero hindi ako natutuwa. Napatigil ako. Tumibok ng mabilis ang puso ko pero hindi sa kilig. Sa kaba. Dahil habang nakatitig ako sa mukha niya, walang pumasok na pangalan sa utak ko. Wala. Kahit isa. As in blanko. “Uhm…” Umiling ako ng bahagya, pilit na ngumingiti. “Hi…” Lumapit siya sa’kin. Hindi lang basta lapit. Yung tipong almost mayakap ka na sa sobrang lapit. Medyo napaatras ako ng kaunti, pero di halata—ayoko magmukhang defensive. “You’re okay na talaga? Hindi ka na nasasaktan?” tanong niya, punong-puno ng concern ang tono. “Nagulat ako kanina nung nakita kita sa gate. Hindi ka man lang nag-message sa’kin.” Nagkibit-balikat ako, pilit pa rin ang ngiti. “Ayun, biglaan lang akong bumalik. Gusto ko lang na… alam mo ‘yun, balik agad sa normal.” Napatingin siya sa uniform ko, mula ulo hanggang paa. Lalo siyang ngumiti. “Mukhang hindi lang normal ang gusto mo. You look... different. Parang ang lakas ng aura mo ngayon.” Gusto kong tumawa. Tangina mo, ‘di mo alam kung gaano kalakas talaga. Pero pinigil ko. Kailangan ko munang alamin kung sino ba talaga tong lalaking ‘to. Sobrang close niya. Pero bakit hindi ko siya maalala sa kahit anong parte ng memorya ni Genevieve? Usually, may kaunting flash kahit papaano, diba? Pero ngayon? Wala. Zero. As in parang di siya bahagi ng dati niyang mundo. Pero baka hindi pa buo lahat ng alaala. Baka may nakaharang pa. Parang may manipis na kurtinang nakatakip sa kabuuan ng dati niyang buhay. Pinagmasdan ko siya ulit. Malinis siyang manamit, simple lang ang ayos ng buhok pero may dating. Tapos ‘yung mga mata niya—malungkot pero may halong pag-asa. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon meron sila ni Genevieve, pero sure akong malapit sila. Halata sa bawat galaw niya. Parang nasanay na siya na lagi akong nandyan. “Sorry ha,” sabi niya bigla. “Hindi kita pinuntahan sa hospital. Pinagbawalan kasi ako ng mom mo. Sabi niya baka mag-trigger lang ako ng stress. Pero nung nalaman kong nadischarge ka na, halos liparin ko na ‘tong campus para lang makita ka.” Tangina. May slight guilt akong naramdaman. Kasi he’s genuinely worried. Pero bakit naman siya pagbabawalan ng impaktang nanay ni Genevieve na makita ito sa hospital? Basta Pero ako? Wala talaga akong maalala patungkol sa lalaking ito. Pinilit kong ngumiti. “Okay lang. Nandito ka na ngayon, diba?” Parang lumiwanag ang mukha niya. “Oo naman. Kahit saan ka pa magpunta, susundan kita, My Gene.” Nagsalubong ang kilay ko ng bahagya. ‘Tangina. “My Gene” talaga siya kung makatawag. Parang akin ka talaga, ‘no? Naramdaman ko bigla ‘yung init ng palad niya sa braso ko. Hawak niya ako, parang sinisigurado niyang hindi ako mawawala. “Dahan-dahan ka lang sana, Gene. I know you're trying to act tough, but please... take care of your heart.” Boom. Napahinto ako. Heart. Yung mismong dahilan kung bakit nasa ospital si Genevieve dati. Yung puso niyang mahina—literal. Yung kinamatay niya bago ako pumasok sa katawan na ‘to. May kakaibang kirot sa dibdib ko. Hindi dahil nasaktan ako. Pero dahil nag-trigger siya ng alaala. Sandaling sumulpot sa isip ko ang imahe ni Genevieve. Nakaupo siya sa bench sa garden, hawak ang dibdib niya. Si lalaking ito? Nakatayo malapit. May hawak na bottled water. Hindi ko marinig ang usapan nila sa alaala, pero ramdam ko ang emosyon—sobrang lapit nila sa isa’t isa. “Gene?” tanong niya, napansin niyang natigilan ako. Umiling ako agad, nagbabalik sa realidad. “Sorry, na-out of it lang saglit.” “Okay ka lang talaga?” Ngumiti ako, medyo mas natural na ngayon. “Oo. I just need to get used to a lot of things. You know… baby steps.” “Take your time. I’m just here. Always.” Shit. Always daw. Kung totoo man ang sinasabi niya, ibig sabihin, parte siya ng mundo ni Genevieve. At kung ganoon, kailangan kong alamin kung sino siya talaga. Pero hindi ngayon. Kailangan ko muna siyang i-obserbahan. Lalaruin ko muna ang papel ko. “So, uhm… saan ka papunta?” tanong ko, kunwari clueless. “Same building as yours. Diba magka-course tayo?” ngumiti siya ulit. “Classmate mo pa rin ako, remember?” Kumunot ang noo ko. Classmate ko siya?! Pucha, ang lapit pala talaga nila. “Sabay tayo?” tanong niya, sabay abot ng kamay para kunwari tutulungan akong dalhin ang bag ko. Tiningnan ko lang siya. Then, ngumiti ako. Game. Lalaruin natin ‘to. “Let’s go, classmate,” sabi ko, habang nilalagay ulit ang lollipop sa bibig ko. Habang naglalakad kami papasok sa hallway ng building, ang tanong sa isip ko ay hindi kung sino siya sa buhay ni Genevieve... Kundi anong klaseng papel ang ginagampanan niya. Kaibigan? Secret lover? O ang mas delikado—kasama sa mga taong sisirain ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD