THE NEW MORNING..
BRIANNA POV.
Nagising sya mga tawag ng mga lalaki, kaya bigla syang napabangon at mukha ng asawa ang nakita saka nya iyakap ito ng mahigpit habang kinakabahan parin.
"Sorry hon...
P-pero ang sama ng panaginip ko, pinata-"
"Isuot mo ang damit na yan."
Sagot nito sa kanya imbis na pakinggan sya.
Nakita ang paper bag sa kama na may lamang itim na kasuotan.
"Para saan yan, Hon?"
Tanong pa nya dito pero inirapan lang sya saka tumalikod..
"Saglit hon, sorry please..
D-diko alam.."
Sabi nyang yumakap narin sa likod ng asawa habang inaalis naman nito ang kamay nya.
Kahit hindi magsalita ang lalaki ay ramdam nya ang panlalamig nito sa kanya.
"Mag uusap tayo sa ibang Lugar, kaya Isuot mo yang dala ko."
Yun lang saka lumabas ang asawa.
Tinungo naman ang kama saka inilabas ang laman ng paper bag, isa itong damit gaya sa kanyang sinusuot nuon.
Napapapikit syang mariin habang iniisip na alam na ng lalaki ang tungkol sa kanya..
"Ilang oras mo balak tumayo dyan o baka ako pa ang maghuhubad sayo."
"Lucas, bakit pa?"
Tanong pa nya dito habang hinaharap ulit.
"Isuot mo na!!"
Sigaw nito kaya napapikit syang bigla..
Kahit nanginginig ang kanyang katawan ay hinubad parin ang suot saka kinuha ang itim na damit..
Nang matapos makapag bihis ay bumaba na sya suot suot pa ang malaking cardigan.
Lumabas syang giniginaw habang yakap yakap ang sarili, pero dito ay wala ang sasakyan ng asawa na sabi ay hihintayin sya..
Nang bigla namang huminto ang isa pang sasakyan sa kanyang tapat.
"Maam, sumakay na po kayo at ako na maghahatid sa inyo sa lugar."
Sabi ng tauhan nito.
Habang nasa loob na sya ay tinatanong parin ang tauhan ng asawa.
"Saan ba tayo pupunta."
"Sorry ma'am, pero diko po pweding sabihin."
Sagot nito habang nararamdaman ang panay nitong pagtingin sa kanya sa salamin..
Hanggang sa palabas na sila ng syudad saka malalagpasan ang wala ng kabahayan.
At habang binabagtas pa nila ang daan ay may tumawag naman sa lalaki, at naririnig lang nitong sabi sa kausap na paparating na sila...
Pinagbuksan sya ng lalaki ng pinto saka pinasaglit para piringan pa nito ang kanyang mata..
Papalakad syang inaalalayan lang nito hanggang sa huminto sila saka maririnig ang paparating at lalayo naman ang isa pa...
"Dapat wala na ang isang ito, dahil ang gusto ko lang makita ay ang nasa loob."
Boses ng asawa ang naririnig habang tinatanggal nito ang kanyang cardigan saka mararamdaman ang pagdampi ng labi nito sa kanyang balikat..
Inalis naman nya ang nakapiring sa mata saka nakita ang lamesang pabilog na may dalawang upuan at nakapatong ang kanyang mga ispada..
"Bat kailangan mo pang hintayin ang araw na ito?
Bakit hindi mo pa ako pinaslang nuon kahit alam nang ako ang anak ni Ellian Regor."
"Hon..hindi ko alam.."
"Sige, tawagin mo lang ako sa ganyang pangalan dahil papasaan bat matatapos rin ang buhay mo."
Sagot ng asawa habang naka tingin lang ito sa kanya.
"Wag ka namang magbiro ng ganito oh, please?"
Anya pa, pero ngumisi lang ito saka kinuha ang isang ispada sa lamesa.
"Ilan kaya ang napatay nito?
Sampu, dalawampo o mahigit pa?"
Sabi nitong sinisipat ang kanyang ispada, na di alam kung paano ito napunta sa kamay.
"Basta-basta mo nalang pinatay ang matanda na nagmahal din sayo at itinuring kang parang tunay na anak.."
"Hon, pinatay nya ang mommy ko at dahil dun nagpakamatay pa si daddy."
Malumanay parin nyang sagot sa asawa habang ito naman ay nakikitaan na nya ng galit sa mukha kahit pa mahinaon ito.
"Hindi mo man lang siguro pinakinggan ang paliwanag nya bago mo bawian ng buhay, diba?"
"Hindi ko kailangan ang paliwanag nya-"
"Kailangan!
Dahil sya parin ang nagpalaki sayo, minahal ka nyang lubos bilang anak nya, pero ikaw dimo man lang iniisip yun."
"Dimo ako naiintindihan dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko nuon."
Pagpapatuloy pa nyang sagot dito habang nag iinit na ang gilid ng kanyang mata.
"Pinagsisihan nya ang pagpatay sa ina mong si Aryana, kaya hinahanap ka nya ng ilang taon at napunta sa lugar kung saan ka galing..
Pero imbis na ibalik at ipakausap ka ng kinikilala mo pang ina ay tinago kaparin hanggang sa pati ang babaing yun ay pinaghigantian sya.. "
"Tapos na yun hon, pwedi bang kalimutan na natin, please?"
"Ang daling sabihing kalimutan diba?
"Please hon, umalis na tayo dito nilalamig na ako eh."
"Wala akong pakialam, ngayon kung gusto mong magmadali kunin mo ang ispadang isa."
"Ayukong labanan ka, hon."
"Kunin mo!!"
Sigaw pa ng asawa habang nakatayo ito at nagsisimulang iprepara ang sarili.
Sya naman ay pikit matang kinuha sa lamesa ang ispada..
"Hayan, bagay pala talaga sayo.."
Mahinang pagkakasabi nito saka sya nilapitan saglit at kintilan ng halik.
"Kung gusto mo pang mabuhay labanan mo ako bilang Elliana."
"Lucas, tama na to, bun-"
Anya ng natitigilan dahil ikinumpas ng asawa ang hawak nitong patalim saka huminto sa kanyang leeg.
"Tandaan mong ito ang tunay ko ring pagkatao dahil sa pagdiskubre ko sa nakaraan mo, kaya wala na akong pakialam sayo kahit ang nasa sinapupunan mo pa..
At total di naman ako nakakasigurong ako lang ang ama nyan dahil nakakasama mo rin pala ang Lee na yun at ng iba pa, kaya malay kong iba iba ang tumikim sayo. "
Mahabang litanya ng asawa na syang nagpabagting sa kanyang tainga dahilan upang sugurin na ito.
Sinasalubong ng asawa ang bawat kumpas nya na parang hindi sya buntis sa tatlong buwan nyang tiyan.
Hanggang sa muntik tamaan ang lalaki sa leeg na nagpahinto rin dito.
"Walang ibang lalaking gumalaw sakin kundi ikaw lang, matatanggap ko ang galit mo para sa magulang mong lalaki, pero sana wag na ang ating anak.."
Anya habang pinagmamasdan ang mata ng asawa na natitigilan parin.
Umatras sya dito saka yumuko pero bigla na naman syang aatakihin ng asawa kaya mapapaatras syang bigla dahilan upang tumama ang likuran nya sa pader.
"Blangko na ang isip ko sa mga dahilan mo, pati ng pagmamahal ko..
Kaya wag ka ng umasa na maaawa pa ako sayo."
Bulong pa nito sa kanya saka nya tinulak at atakihin din, ngunit tinamaan sya ng lalaki sa braso kaya nararamdaman ang hapdi nito. Hanggang sa bigla pa sya nitong aatakihin ngunit nailagan at malakas nyang ikinumpas ang gamit na ispada dahilan upang maputol ang hawak ng lalaki.
Kasabay ng paghinto nito ay sya namang ramdam nya sa tiyan na humihilab at biglang matutumba ngunit imbis na lapitan sya ng lalaki ay nanatili itong nakatayo at pinagmamasdan sya.
Hanggang sa nakikita nalang ang pagpulot ng asawa sa ispadang gamit nya, na sya ring pag dilim ng kanyang paligid..
*******
6 YEARS LATER..
LUCAS POV.
Naalimpungatan sya dahil sa mga patak ng tubig sa kanyang mukha kaya unti unti syang napapadilat at mukha ng babaing si Trixie ang nakikita.
"Hey, old man..
it's morning and you're still sleeping?"
Anang babai, na pakiramdam nya ay matagal syang natulog.
Bumangon sya sa pagkakahiga saka umupo at inaalala ang panaginip na namang paulit ulit nalang bumabagabag sa kanya.
Di sya sigurado sa panaginip na iyon na kapag tulog ay makikita kung sino ang babai at makakalimutan naman pag-gising..
"Papa! Tingnan mo oh, star fish."
Anya Alexandra
"Sa akin din papa, mas marami pa."
Anya naman Tyron na ipinagmamayabang ang hawak hawak na mga shell at kung anu-ano pa.
Walang ganang tumayo sya sa pagkakaupo saka kinuha ang kamay ng mga bata at naglakad sa dulo ng balkonaheng kahoy.
Tinatanaw ang malawak na karagatan habang papasikat palang ang araw.
"Your not talking to us papa..
Your still miss ma-"
"Sshhh, wag ka ngang maingay Alex, baka marinig tayo ng babai."
"OK, kuya sorry."
"Papa, dun nalang po muna kami ni Alex sa tabing dagat at mamumulot pa ng mga shell."
Anya Tyron at bumitaw na ang mga ito sa pagkakahawak saka nag unahan sa pagtakbo.
Maganda sa pakiramdam nya ang bagong umaga ngayon..
Nang maramdaman ang pumulupot na kamay sa kanyang baywang at iyakap pa sa kanya.
"Breakfast is ready hon, kaya halikana kain na tayo.."
Anya Trixie saka bumitiw at tinungo naman ang mga bata.
Pinagmamasdan ang likod ng babai habang papalayo, saka maalalaa ang babaing matagal ng nawala sa kanila..
Napayuko pa sya saka walang sabing tinungo ang loob at tuloy tuloy sa itaas saka sinara ang pintuan ng kwarto.
Dito, kinuha ang litrato ng babaing mahal saka inaalala ang lahat ng pasakit na ginawa nya rito.
"Sorry, kung nasaktan kita ng paulit ulit hon..
Pero sana, kung nasaan kana ngayon ay tanggapin mo parin ang Paumanhin ko..
Nagsisisi na ako sa lahat ng nagawa kong pagkakamali-"
Bulong nya sa litrato ng asawa ngunit napukaw na naman ang pag iisip nya dahil sa sunod sunod na mga katok sa pinto at siguradong mga anak nya ito, at sa tuwing kakatok ay paglalaruan pa at ginagawang tambulan lalo na ni Tyron.
Lumabas syang seryuso ang mukha na ikinatigil ng mga anak saka nagtitigan at pigil ang pagtawa.
Lumuhod sya sa mga ito at isa isang tinitigan..
"Sino nagtatambol?"
Tanong nya sa mga ito ngunit nagturuan saka kumawala ang matitinis nilang tawa habang tinatakpan pa ang mga bunganga.
"Si Tyron, papa."
"No papa, si Alex yun."
Nagturuan ang mga anak na kahit alam din nya ang sagot..
"Tyron anak, Alexandra ang pangalan ng kapatid mo, hindi Alex."
Anya rito.
"It's ok papa, no problem po saka sa school ay ganun narin ang tawag nila sakin at dahil yun kay kuya Tyron!"
Anya naman Alexandra na parang ipinagmamalaki pa ang kakambal.
Kambal ngang ituring ang mga anak nya ngunit magkaiba ang itsura dahil ang kanyang babai ay kanyang kamukha at ang lalaki naman ay ang mama nila...
"Hon..Mga anak, halina kayo kain na tayo."
Anya Trixie.
Ang kambal naman nya ay nagkatinginan pa saka sya tinitigan ng masama...