Chapter 20

1677 Words
THE PAST.. LUCAS POV. Matapos nilang magbakasyon nang ilang araw sa isang beach resort ay bumalik na nga sila ng lungsod para naman Ipagpatuloy ang trabaho at pasukan naman ng mga anak.. At ngayon ay nasa loob lang sya ng opisina habang nagsusulat na naman, nang biglang dumating ang kambal. "Papa, see this oh." Anya Alexandra na patakbong tinungo sya. "Sa akin din papa, meron po ako." Wika naman ng kakambal nyang si Tyron habang malumanay itong naglalakad puntungo sa kanya. Magkaiba talaga ang mga ito na ang babai ay masyadong maliksi samantala ang lalaki nya ay napaka seryuso na parang sya lang din. Ipinapakita ng mga ito ang dala dalang maliit na keychain. Kinuha ang isa saka pinakatitigan ng mabuti. "Saan galing 'to?" Tanong nya sa mga anak, nang bigla namang pumasok si Trixie. "Sabi ng manong guard ay bigay raw ng isang tindera malapit sa school nila." Anya nito. Nagtataka syang tinititigan ang mga bata pati na ang maliit na manikang babai na may ispada.. "Papa, di pa po ba tayo uuwi?" Tanong sa kanya ni Alexandra. "Pwedi bang dito muna si papa, may tinatapos lang akong sulat.. Promise susunod ako. " Anya naman sa anak saka ito bumaba mula sa pagkakaupo sa kanyang hita. "OK po papa no problem, maglalaro nalang po muna kami ni kuya Tyron sa bahay habang hinihintay ka po." Wika ng anak na babai saka kumapit sa braso ng kakambabal nito at may binubulong pa. "Sige papa, take your time po sa pagsusulat." Anya naman Tyron na sumilip pa sa papel na sinusulat. "I love you po." Sabay sabi ng kambal at humalik pa sa kanyang pisngi. "I love you both." Nangingiting sagot nya dito. Saka naman lalapit si Trixie sa kanya na nagpapaalam at hahalik sana ito ngunit biglang hinila ng kambal sa kamay papalayo sa kanya kaya wala naring nagawa ang babai kundi umatras. "Tita, tayo na po sa bahay maglaro po tayo ng scrabble." Anya Alexandra. "Wag kana rin po kasi humalik kay papa, kasi magagalit si mama." Dinig namang sabi ng anak na lalaki. At ang sumunod na usapan ng mga ito ay di na nya pinakinggan, kahit pa naringgan ng pag aray si Tyron... Nang mapag-isa ay sinimulan naman ang pagsusulat.. Dear hon, Namimis na kita araw araw, lalo na't sa tuwing papalaki ang kambal mo lalo na si Tyron ay nakikita kita sa kanya. Alam mo bang may pinakita silang keychain na isang babaing kagaya mo? Sana tama nalang ang iniisip kong buhay kapa at nagmamasid lang sa paligid, ang kaso anim na taon kanang nasa langit. Nakakatawa lang isipin hon na sa loob ng anim na taon ay nangungulila parin ako sayo at pinagsisisihan parin ang ginawa kong kasalanan sayo... ANG NAKARAAN.... "Bat nandito kapa?" Tanong nya sa babai dahil matapos itong lumabas ng hospital at malamang nasa mabuting kalagayan din ang ipinagbubuntis nito ay nandito ito ulit at nakaupo sa sala habang yakap yakap ang sarili. "Wala na akong pupuntahan hon, kaya bumalik ako dito. Saka dika ba naaawa sa kalagayan ko, buntis ako at anak mo parin ito." Anang babai habang hawak na nito ang kamay nya. "Wala akong pakialam, pero sige pumapayag akong dumito ka muna hangga't dika pa nanganganak pero sa oras na lumabas ang bata at malaman kong hindi yan akin ay mananagot ka talaga sakin." Anya naman dito saka tatalikuran, ngunit bigla pa sya nitong niyakap mula sa likuran. "Salamat hon.. Promise sayo ang batang dala dala ko at-" Wika pa ng babai ngunit bumitiw na sya dito saka iniwan. "Dyan ka matutulog sa upuan." Galit pa nyang turan dito saka tuloy tuloy na pumanhik habang ramdam parin nya ang paghabol ng tingin ng babai sa kanya.. Pagsapit ng hating gabi ay naaalimpungatan sya dahil sa hikbing nararamdaman sa likod habang naririnig itong nagsasalita.. "Hon, sorry na, tanggapin mo na ako ulit please, kasi diko kayang malayo sayo, ikaw nalang ang pamilya ko dito pati ng anak natin na sa tiyan ko palang kaya please? Ako parin naman si Brianna na minahal mo na kinalimutan na ang Ellianang dati. Hon, binago mo ang pagkatao ko. Pero ang sakit lang isipin na sa ganitong sitwasyon tayo nagkakilala na kung kelan naman ako nangangarap ng matiwasay na pamilya ay saka naman tayo sisirain ng nakaraan.. Hon, pinagsisisihan ko na ang lahat ng nagawa ko, kaya sorry na tanggapin mo na ako ulit... " Nagising sya kinabukasan na wala ang asawa sa tabi pero bali wala lang iyon sa kanya.. Matapos maligo at makapagpalit ay bumaba narin para pumasok naman sa trabaho. "Hon, kanina pa kita hinihintay na bumaba. Halikana ng makapag almusal ka naman." Nakangiting pagyayay nito sa kanya habang hawak hawak na ang kanyang kamay pero winasiwas lang ito na parang walang narinig saka tiningnan ang oras sa relo. "May darating dito na Abogado mamaya at dala dala ang annulment papers kaya pumirma ka dahil ako ay tapos na." Wika nya, saka ito iniwang tulala.. Nasa loob sya ng opisina at abala sa mga papelis na pinipirmahan. Nang makatanggap pa ng mensahe at galing ito sa Abogadong pumunta ng kanyang bahay... "Mamaya ka sakin babai ka." Bulong nya sa sarili habang nanggagalaiti sa galit, matapos mabasa ang mensahe ng Abogado na pinunit pa raw ang papel... Mabilis syang nagpapatakbo ng sasakyan hanggang sa marating ang bahay saka humakbang ng malalaki upang marating kaagad ang loob.. "Bat dimo pinirmahan ang annulment papers, hah!?" Sigaw nya dito habang mahigpit na hinahawakan ang braso, pero imbis na masaktan ang babai at matakot ay yumakap pa ito sa kanya ng mahigpit. "Ayukong pirmahan dahil mahal kita at magkakaanak pa tayo." Sagot nito sa kanya at paulit ulit nalang nitong sinasabi. Hinawakan pa sa magkabilang balikat ang babai saka nito tinitigan ng masama. "Di kaba nakaintindi o tanga kanarin ngayon?! Pipirmahan mo ang mga papelis sa ayaw at sa gusto mo!" Sigaw nyang utos dito saka tinalikuran.. Pagsapit ng gabi ay bumaba sya upang kumuha ng tubig at ng papanhik na sa hagdan ay may maririnig na namang nagsasalita, sinundan ang boses at nakita ang babai na nakaupo habang hinimas ang tiyan nitong umuumbok na. "Baby, kahit na anong mangyari ay diko susundin ang utos ng papa mo na pumirma sa papel na yun.. Mahal na mahal ko ang papa mo anak kaya sana maging daan ka parin para maibalik ang pagtingin na mayron sya nuon para sakin.." Bulong ng babai. Iniwan nya ito kahit nariringgan pa ng pagsasalita.. Lumipas pa ang mga araw na nagmamatigas talaga ang babai sa di pagpirma nito, kaya nagpasya na syang magdala dala ng ibang babai sa bahay na baka sakaling sumuko na ito sa pagmamatigas at lumayas nalang din.. Dumating syang akay ng isang babai at habang papanhik sa itaas ay makakasalubong naman ito. "Bakit, kailangang magdala ka ng babai dito?" Tanong nito sa kanya habang hawak na naman ang kamay saka makikita ang mukha nitong nakakaawa. "At sino ka para tanungin ako ng ganyan? Pamamahay ko ito at kahit ilang babai pa ang dalhin ko rito ay wala kang pakialam." Sagot nya saka nilagpasan. Binubulongan naman sya ng kasamang babai sa anong gusto nyang posisyon, ng biglang nilagpasan sila ng asawa at harapin sya ulit. "Pwedi mo naman akong gamitin kung gusto mo eh, hindi na sa iba.. Please ako nalang, sakin nalang." Sabi pa nito habang niyayakap sya at paghahalikan, ng biglang sabunotan ng babaing kasama at ilayo sa kanya. Ngunit nakikita lang ng kanyang dalawang mata kung paano baliktarin ng asawa ang kamay ng babai dahilan para mamilipit ito sa sakit saka bubulongan ito ng di nya naiintindihan.. Makalipas ang insidenteng yun na naganap sa bahay nya dahil sa asawa, Ay wala na nga syang dinadalang babai kaya minabuti nyang sa bar nalang magpalipas ng oras at uuwi nalang pag sawa na.. Mabilis din lumipas ang mga buwan hanggang sa manganganak na ang babai, dinala ito ng mga katulong at driver sa ospital habang sya ay nasa trabaho lang na walang pakialam.. Nagdisisyong syang matagal ilalagi ang asawa sa ospital dahil hindi pa sya handang makita ang mga bata hanggat di nya nalalaman kung positibo bang sya ang ama o ng iba.. Palihim pa syang nakakatanggap ng mensahe sa isang katulong na kasa kasama ng asawa at sinasabing hinahanap raw sya nito at parating umiiyak, nagpadala rin ito ng maikling video na kalong kalong ang isa habang nangingiti na umiiyak saka pa mariringgan ng pagkaawa sa sarili.. Makalipas pa ang dalawang araw ay lumabas na nga ito ng ospital at pinatuloy nya sa ibang kwarto kasama ng mga anak nila.. Nalaman nga nyang positibo na sya ang ama ng kambal nilang anak na isang babai at lalaki, kahawig ang babai at ang lalaki naman ay sa asawa babai. Kalong kalong nya ang anak na babai habang nasa katulong naman ang lalaking sanggol, nakangiti nyang pinagmamasdan ang mukha ng mga maliliit na anghel saka maalala ang usapan nila nuon ng asawa, kaya di nya maiwasang makaramdam ng awa para dito. Bigla syang nakaramdam ng pagyakap mula sa likuran at ng lingunin ay nakita ang nakangiting mukha ng asawa pero imbis na gumanti sya dito ng ngiti ay nilayuan lang saka iniabot ang anak at walang sabing tinalikuran ito.. Sa paglipas pa ng mga buwan ay nasasanay na syang humawak sa mga anak habang ang nararamdaman para sa asawa ay wala paring pagbabago kahit pa nagbibihis na ito ng desinte.. Nang may isang beses ng hapon ay papauwi sya galing trabaho dahil nasasabik makita ang kambal na anak, ng madaanan ang babaing nakatalikod na sa tantya nya ay pabalik narin ng bahay, may kasabay itong lalaki habang natatawa pa sa pakikipag usap... "Kung mamasyal ka wag mo ng isama ang mga bata, baka mahawaan pa sa kakatihan mo." Anya rito ng makapasok na sa loob. "Hindi naman ako naglalandi, kapitbahay natin yun at nagkataon lang nagkasabay kami kasi nagjojoging sya" Paliwanag ng asawa habang nakayuko ito, pero sadyang umiinit ang kanyang dugo at di nya alam kung bakit. Tinalikuran ulit ang asawa saka lumabas at nagtungo nalang ulit sa bar upang dito uminom ng uminom..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD