BEGGAR... LUCAS POV. Dinala ang mga anak sa puntod ng asawa dahil ito ang ika-pitong anibersaryo ng pagkamatay nito.. "Hon, Andito na naman kami sa harap mo. Ang kaso yung mga makukulit mong kambal ay nandun at naghahabulan lang, imbis na samahan akong kausapin ka dito." Anya sa asawang nasa lupa habang nakaupo at hinahawakan pa ang pangalan nitong nakaukit. "Ngayon, damang dama ko ang sakit hon ng mapag isa dito mundo, lalo na't ilang taon ka ng nandyan.." Pagpapatuloy pa nya habang nangingilid na ang kanyang luha. "Papa, umiiyak ka po ba?" Tanong sa kanya ni Tyron habang hawak ang balikat nya. "Sabi naman po namin sayo ni kuya na wag na tayong pumunta dito papa, kasi yan iiyak ka lang." Anya naman Alexandra habang pinupunasan pa nito ang kanyang mata. "Anibersaryo

