Chapter 20

2295 Words

Pagbaba ni Lhevie sa sasakyan ay ramdam pa rin niya ang hapdi sa pagitan ng kanyang mga hita at ang panlalambot ng kanyang mga tuhod mula sa "parusa" ni Niccolo sa opisina. Ngunit ang kaba sa kanyang dibdib ay mas matindi pa sa pisikal na pagod. Pumasok siya sa mansyon na tila isang anino, pilit na iniiling ang lamig na ipinakita ni Niccolo matapos siyang angkinin sa ibabaw ng lamesa. Ngunit hindi pa siya nakakaakyat sa hagdan nang mahagip ng kanyang paningin ang isang pamilyar na pigura sa sala. "Isabela?" bulong niya. Nakaupo ang kaibigan sa sofa at mahigpit ang hawak sa kanyang designer bag. Pagkakita kay Lhevie saka agad itong tumayo. Ang mukha ni Isabela ay hindi bakas ng saya, sa halip ay magkahalong galit, pag-aalala, at purong frustrasyon ang nananalatay sa kanyang mga mata. "L

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD