Chapter 21

2023 Words

Nakatitig lang si Lhevie sa kawalan habang nakaupo sa kusina. Madaling araw na, at ang kape sa harap niya ay matagal na ring lumamig. Hindi maalis sa isipan niya ang mga baril, ang mga blueprints, at ang malamig na titig ni Niccolo sa loob ng vault. "Hindi ka pa rin ba tinatablan ng antok, Lhev? O baka naman masyadong naging 'masigla' ang asawa mo kaya gising na gising ang diwa mo?" Napatingala si Lhevie. Si Bebang, bitbit ang isang tray ng mga baso, ay kapapasok lang sa kusina. Kahit madaling araw, tila hindi ito napapagod. "Bebang... kailangan nating mag-usap," seryosong sabi ni Lhevie. Nahalata ni Bebang ang bigat ng boses ni Lhevie kaya dahan-dahan nitong ibinaba ang tray at naupo sa tapat niya. Wala ang karaniwang biro sa mukha nito. “Tungkol ba ito sa nakita mo sa West Wing?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD