Chapter 18

2275 Words
Ang sinag ng araw na tumatagos sa kurtina ng malaking bintana ay tila mga karayom na tumutusok sa talukap ng mata ni Lhevie. Sinubukan niyang iunat ang kanyang katawan, ngunit isang matalim na kirot mula sa kanyang puson hanggang sa kanyang mga hita ang nagpabalikwas sa kanya. "Argh..." ungol niya. Ngunit bago pa siya tuluyang makabangon, isang pares ng nanunuring mga mata ang sumalubong sa kanya. "Ay, kabayo!" halos mahulog si Lhevie sa kama nang makita ang mukha ni Bebang na ilang pulgada na lang ang layo sa mukha niya. "Anong kabayo? Sa ganda kong 'to, Lhevie, gagawin mo lang akong hayop? Napakasakit mo naman magsalita! Akala ko ba magkaibigan tayo?" Madamdaming humawak si Bebang sa dibdib niya, akala mo ay bida sa isang telenobela na naapi. "B-Bebang, ikaw pala. Ano’ng ginagawa mo rito? Bakit ka nakatitig sa akin habang natutulog ako? Nakakatakot ka naman!" sita ni Lhevie habang sapo ang kanyang dibdib na mabilis ang t***k. Imbes na sumagot ay isang mapanuksong ngisi ang gumuhit sa labi ni Bebang. Dahan-dahan itong lumapit sa kabilang panig ng kama at biglang hinila ang kumot. "Huwag kang maingay! May tinitingnan lang ako..." "Bebang, ano ba—" "Ayun!" tili ni Bebang sabay turo sa puting sapin ng kama. “Kita mo 'yan? 'Yang pulang 'yan? Hindi 'yan mantsa ng ketchup, Lhevie! 'Yan ang bandila ng tagumpay! Ang ebidensya na ang ating munting prinsesa ay isa nang ganap na reyna! Putragis, selyado na ang kontrata!" Namula hanggang tenga si Lhevie. Agad niyang binawi ang kumot at ibinalot sa sarili. "Bebang, manahimik ka nga! Nakakahiya!" "Anong nakakahiya? Aba, dapat ipagdiwang 'yan! Kung ako 'yan, ipapa-frame ko 'yang parteng 'yan ng bedsheet at isasabit sa sala. 'The Blood of the Innocent,' ganoon o kaya the evidence of pagsuko naks!” Humagalpak ng tawa si Bebang habang naglulundag-lundag sa tuwa. "Ano? Sabi ko sa ‘yo eh, dambuhala si Sir Niccolo, 'di ba? Mukha kang lantang gulay ngayon pero aminin mo, mukha ka ring nabuhayan ng dugo!" "Bebang, tama na... naiihi na ako," pag-iiba ni Lhevie saka pilit na bumabangon. Pero sa unang hakbang pa lang ng kanyang paa sa sahig ay muntik na siyang matumba. Ang kanyang mga binti ay tila naging jelly sa lambot. "Oops! Easy lang babae! 'Yan ang tinatawag na 'the walking duck' syndrome," anito saka mabilis siyang inalalayan ni Bebang. "Ganyan talaga kapag dinaanan ng bulldozer. Halika na, alalayan kita bago ka pa magmukhang lumpo riyan." Kahit hiyang-hiya ay hinayaan ni Lhevie na alalayan siya ni Bebang patungong banyo. Bawat hakbang ay may kasamang aray. Pagkatapos niyang mag-ayos at maligo ng maligamgam na tubig para maibsan ang pananakit ay pinainom siya ni Bebang ng pain reliever. "Inumin mo 'yan. Para naman hindi ka mukhang biktima ng krimen pagbaba mo. May mga bisita ang mahal na hari sa ibaba," wika ni Bebang habang inaayusan ang buhok ni Lhevie. Pagkababa nila sa grand staircase ay pilit na itinuwid ni Lhevie ang kanyang tayo. Ayaw niyang mapansin ng kahit sino ang hirap niya sa paglakad, pero bawat baitang ay tila isang pagsubok sa kanya. Napapamura na lang siya sa sakit. Pagdating sa malawak na sala ay agad na huminto ang t***k ng puso niya. Doon, sa gitna ng marangyang sofa ay nakaupo si Niccolo. He looked regal in his navy blue polo shirt, looking every bit of a man who owned the world. Kasama nito ang dalawa pang lalaki. Ang isa ay pamilyar sa kanya—si Vittorio, ang kapatid ni Isabela na may madilim na aura rin. Ang isa naman ay isang mestisong lalaki na ngayon lang niya nakita. "There she is," Vittorio’s voice boomed, his eyes scanning Lhevie from head to toe with a look that made her skin crawl. "So, this is the hidden gem of the Altierre mansion," sabi naman ng isa pang lalaki, na may malokong ngiti. “Niccolo, hindi mo naman sinabing may itinatago ka pa lang ganito kaganda rito. She looks so untouched." Naramdaman ni Lhevie ang tensyon sa hangin. Napansin niyang humigpit ang hawak ni Niccolo sa kanyang baso ng whiskey. Mabilis na tumayo ang asawa at sinalubong siya. Bago pa siya makapagsalita ay naramdaman na ni Lhevie ang malaking kamay ni Niccolo na pumulupot sa kanyang bewang. Isang mahigpit at mapang-angking hawak. "Lhevie, meet Vittorio and Luca,” malamig na pakilala ni Niccolo, pero ang kanyang mga mata ay matalim na nakatingin sa dalawang kaibigan. “She’s my wife,” mabigat niyang dagdag. "Easy, Nicco. We’re just admiring the view," biro ni Vittorio, pero may halong pait sa kanyang boses. “But honestly, Lhevie, you look too innocent for a man like him. Sigurado ka bang kaya mong sakyan ang ugali nito? Niccolo is a beast, in and out of the boardroom,” dagdag ni Vito. "He's right, Mrs. Altierre," dagdag naman ni Luca habang kinikindatan siya. “Swerte si Niccolo sa'yo, pero parang ikaw ang malas sa kanya. He’s not the type to play fair." Hindi alam ni Lhevie ang isasagot. Ang tanging nararamdaman niya ay ang init ng katawan ni Niccolo na nakadikit sa kanya. He was radiating possessiveness. "Excuse me, tutulong po muna ako kay, Bebang sa kusina," mahinang paalam ni Lhevie. Hindi na niya hinintay ang sagot ng mga ito at agad na lumakad palayo, kahit paika-ika pa rin siya nang kaunti. Sa loob ng kusina ay nakahinga naman siya nang malalim na. "Salamat naman at nakatakas ako," bulong niya sa sarili. Wala si Bebang sa loob. Nakita niya itong lumabas sa garden para kumuha ng bunga ng pinya. Naiwan siyang mag-isa, kaya minabuti niyang maghugas na lang ng mga gulay para sa kanilang tanghalian. Isinantabi niya ang sakit ng katawan at itinuon ang atensyon sa ginagawa. Ngunit hindi pa siya nakakatatlong minuto sa lababo nang maramdaman niya ang pagbabago ng hangin. Isang pamilyar na bango, ang amoy ng mamahaling sigarilyo, whiskey, at ang matapang na amoy ng lalaki. Biglang may malalaking braso na pumulupot sa kanyang bewang mula sa likuran. Napasinghap si Lhevie at muntik nang mabitawan ang hawak na carrot. "Niccolo..." mahinang sambit niya. Hindi sumagot ang lalaki. Sa halip, ibinaon nito ang mukha sa pagitan ng kanyang leeg at balikat. Ramdam ni Lhevie ang mainit na hininga nito na nagpapatayo ng kanyang mga balahibo. "Did they bother you?" paos na bulong ni Niccolo. Naramdaman ni Lhevie ang marahan ngunit mapang-akit na halik nito sa kanyang batok. "H-hindi naman... Nag-uusap lang naman kayo," sagot ni Lhevie, pilit na pinapakalma ang kanyang nagwawalang puso. "I didn't like the way they looked at you, Lhevie," wika ni Niccolo, habang ang mga kamay nito ay dahan-dahang gumagapang paitaas, kinukulong siya sa pagitan ng lababo at ng matigas nitong katawan. "Everything about you is mine. They shouldn't even be breathing the same air as you." "Niccolo, nasa kusina tayo, b-baka pumasok si Bebang," pagpigil ni Lhevie, pero ang kanyang katawan ay tila may sariling isip at sumasandal sa dibdib ng asawa. "Let her watch," kutyang sabi ni Niccolo. Iniharap niya si Lhevie sa kanya. Ang mga mata nito ay muling nagliliyab, katulad ng ningas na nakita niya kagabi. “You’re still hurting, aren't you? I saw how you walked." Namula si Lhevie. "Kasalanan mo naman 'yun.” Isang manipis na ngiti ang sumilay sa labi ni Niccolo, isang ngiting bihira niyang ipakita pero sobrang nakakalaglag-panty. “And I don't regret a single second of it. I could stay like this all day, Lhevie. Just you, me, and the fact that you belong to me now." Unti-unting inilapit ni Niccolo ang kanyang mukha. Lhevie closed her eyes, waiting for the impact of his lips, her hands clutching his polo shirt. "Aray! Aray ko! Aray mo shuta! Ba’t kaya matinik ‘tong pinya no? Ang sakit sa mata,” tarantang sambit ni Bebang na kapapasok lang. Agad na naghiwalay ang dalawa. Nakita nila si Bebang sa pinto ng kusina, may yakap-yakap na dalawang pinya, at ang mga mata ay halos lumabas sa socket sa gulat. "Huy! Anong ginagawa niyo? Sabi ko na nga ba, ang pineapple juice ay pampatibay ng resistensya, pero mukhang may mas matinding 'vitamin' na nagaganap dito!" wika ni Bebang habang tumatawa nang nakakaloko. "Sir Niccolo! Gutom na ang mga bisita niyo sa labas, huwag niyo munang ulam-ulamin 'yang asawa niyo! Reserba niyo 'yan mamayang gabi!" Napailing na lang si Niccolo, bagaman bakas ang inis sa mukha dahil sa naudlot na sandali. Pinisil niya ang pisngi ni Lhevie bago bumulong. "We’re not finished, Mrs. Altierre. Not by a long shot." Umalis si Niccolo na may mapanglarong ngiti, habang si Lhevie naman ay naiwang tulala at hawak ang kanyang nag-aapoy na pisngi. "Hayy grabe! Kung noon porno na may ads ang tinitingnan ko, ngayon malapit na magka-live viewing. Baka naman pwede niyo akong gawing sub kada round oh,” sambit nito at kinindatan pa siya. Kaagad na nangasim ang mukha ni Lhevie sa narinig. Ang tanghalian ay naging parang isang battlefield para kay Lhevie. Nakaupo siya sa tabi ni Niccolo, habang sa tapat nila ay sina Vittorio at Luca na tila mga buwitreng naghihintay ng pagkakataon. Si Bebang naman ay pabalik-balik sa paghahain, bawat daan ay may kasamang kindat kay Lhevie na lalong nagpapakaba sa kanya. "So, Lhevie," panimula ni Luca habang hinihiwa ang steak. "Tell me, how does it feel to be the woman who finally tamed Niccolo Altierre? No one thought this man had a heart, let alone a wife." "I... I just do my part," mahinang sagot ni Lhevie, at hindi makatingin nang diretso. "Your part?" Humalakhak si Vittorio. "Niccolo, don't tell me you're treating this goddess like an employee? That’s a sin." Napansin ni Luca ang bahagyang pag-angat ng collar ng damit ni Lhevie, sapat para makita ang isang purplish na marka sa kanyang maputing balat. “Woah. Looks like the 'boss' was very busy last night. Nice branding, Nicco. Talagang ayaw mong pakawalan, ha?" Halos mabilaukan si Lhevie. Ramdam niya ang biglang paglamig ng aura ni Niccolo sa tabi niya. Ang kubyertos na hawak ng asawa ay binitawan nito nang may tunog na nagpatahimik sa buong hapag. "Eat your food, Luca. And keep your eyes on your plate if you still want to use them tomorrow," malamig na banta ni Niccolo. "Chill, man! I'm just appreciating the... art," natatawang bawi ni Luca. Tumayo ito para kumuha ng wine sa gitna, pero sinadya nitong dumaan sa likod ni Lhevie at humawak sa balikat ng dalaga. “You know, Lhevie, if you ever get tired of the 'beast,' I'm just one call away." Bago pa makakurap si Lhevie, tumayo na si Niccolo. Sa isang mabilis na galaw ay hinablot nito ang braso ni Luca at itinulak ito palayo kay Lhevie. Ang mga ugat sa leeg ni Niccolo ay litaw na litaw sa galit. "Get out, you imbecile!” utos ni Niccolo. Ang boses nito ay parang galing sa hukay. "Whoa, Nicco, it was just a joke—" Tawang-tawa lamang si Luca. Tila ba sanay na sanay na nitong bwesitin ang kaibigan. "I don't joke when it comes to what's mine. Vittorio, take your friend and leave. Now!" Hindi na nakapagtalo ang dalawa dahil alam nilang seryoso na ang banta ni Niccolo. Pero kitang tuwang-tuwa rin ito. Matapos ang ilang sandali ng tensyon ay mabilis na lumabas ang mga bisita. Naiwan ang katahimikan sa loob ng bahay, isang katahimikan na mas nakakatakot kaysa sa sigaw. Hinarap ni Niccolo si Lhevie. Ang mga mata nito ay madilim, parang bagyong namumuo. "N-Niccolo, sandali—" hindi natapos ni Lhevie ang sasabihin dahil bigla siyang binuhat ni Niccolo na parang isang sako ng bigas. "Niccolo! Ibaba mo ako! Ano ba!" sigaw ni Lhevie habang hinahampas ang likod ng asawa. "Bebang!" sigaw ni Niccolo habang paakyat ng hagdan. "Opo, Sir! Go lang! I-lock ko na ang pinto para walang istorbo!" narinig pa nilang hiyaw ni Bebang mula sa baba. Dinala siya ni Niccolo sa malawak na veranda ng kanilang kwarto. Ibinaba siya nito pero hindi pinakawalan. Ikinulong siya nito sa pagitan ng railings at ng sarili nitong katawan. "You enjoyed it, didn't you?" asik ni Niccolo. Ang hininga nito ay amoy alak at galit. "Ang alin? Niccolo, wala akong ginagawa!" "The way he looked at you. The way he touched your shoulder. Bakit hindi ka umiwas? Bakit hinayaan mong bastusin ka niya sa harap ko?" "Ha? Nagulat lang ako! At saka, kaibigan mo sila—" "I don't care if they're my brothers! No one touches you, Lhevie. No one even dares to think about it!" Isinandal ni Niccolo ang noo niya sa noo ni Lhevie. Ang puso ni Lhevie ay parang gustong tumalon sa lalamunan niya. “You are my wife. My signature is on you. My marks are on you. Do you understand?" "N-Naiintindihan ko,” bulong ni Lhevie, nangangatog ang boses pero may kasamang kakaibang kilig sa kailaliman ng kanyang puso. "Pero sir, contract lang 'to, 'di ba?" Huminto si Niccolo. Tumingin siya nang malalim sa mga mata ni Lhevie, ang galit ay unt-unting napapalitan ng pagnanasa. "Contract or not, your body reacted to me last night. Your voice called my name. Don't you dare tell me this is just business." Dahan-dahang ibinaba ni Niccolo ang halik sa leeg ni Lhevie, eksakto sa markang nakita ni Marco kanina. “I need to remind you, Lhevie. I need to make sure that when you close your eyes, only my face is what you see." "Niccolo, b-baka may makakita sa ‘tin dito,” hiningal na wika ni Lhevie habang nararamdaman ang kamay ni Niccolo na humahaplos sa kanyang hita at itinataas ang kanyang suot. "Let them look," sagot ni Niccolo bago sinakop ang kanyang mga labi. “Let the whole world know that you are officially off-limits."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD