NAKASIMANGOT si Dara habang dahan-dahang naglalakad papasok ng school. Nawala ang mood niya dahil sa nangyari kanina at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. "Beshy! Ano ba ang ginagawa mo riyan? Nagpuprusisyon ka ba?" tanong ni Andrei habang nagmamadaling tumakbo papasok ng school. "Bakit ka ba nagmamadali?" habol na tanong niya pero nawala na ito sa paningin niya saka lang niya napansin na walang katao-tao sa school. "Teka, nasaan ang mga tao rito?" takang tanong niya. Dumiretso siya nang lakad at sinundan ang daan kung saan pumunta ang bestfriend niyang luka. Sa Activity Center. Napakunot ang noo niya nang makitang napakaraming edtudyante ang nagkukumpulan doon pati na rin ang mga teacher. "Ano ba ang kababalaghang nangyayari?" kunot-noo niyang tanong hanggang sa marin

