Chapter Five

1025 Words
MALI nga ba ang narinig ni Dara o may diperensiya lang ang mga tainga niya? Sinasabi ba talaga nang lalaki na maging pet siya nito? Nararamdaman na niya talaga ito kanina pa. Sabi na nga ng instinct niya na may binubuo ang lalaki na masamang balak laban sa kaniya at hindi nga siya nagkamali. Nais nitong gawin siyang alila para makabawi ito sa kaniya. Hindi naman siya makakatanggi sa lalaki dahil sigurado siyang tapos ang buhay niya sa libu-libong fan nito kapag isinumbong siya nito sa kanila. Wala na ba talagang ibang way para hindi ako matali sa lalaking ito? Nagpaikot-ikot si Dara nang paglalakad sa harapan nito at taimtim na nag-isip ng paraan kung paano ba niya malulusutan ang lalaki. Pero kahit na mag-isip siya nang mag-isip ay walang pumapasok sa isipan niya ng mga sandaling iyon. Idagdag pa na nakatingin sa kaniya nang mariin ang lalaki at nararamdaman niya ang nakakainis na presensiya nito. “Pag-iisipan ko na munang mabuti bago ako pumayag sa iyo, okay?” Hanggang sa bigla na lang itong lumapit sa kaniya nang paunti-unti. Teasing her. Napaatras tuloy siya hanggang sa mapansdal siya sa may pader. Wala na siyang aatrasan pa. Wala na siyang tatakasan pa. And just like that, she can’t escape this man in front of her. "Times up!" sabi nito sabay layo sa mukha niya. “Tapos na ang pag-iisip mo.” "Eh, p-paano kung ayoko?" lakas-loob niyang sabi. “Paano kung ayokong pumayag sa inaalok mo? “Well, refusing isn’t an option, my dear pet.” “Ano naming magagawa mo kung ayokong maging utusan mo?” "Then, I'll just call my manager and tell him that a crazy fan just barge in my apartment and harassed me!" Kinuha nga nito ang cellphone at umaktong nagda-dial na nga. "Hoy, lalaking mayabang na m******s hindi kita hi-narass kaya 'wag kang feeling d'yan! Aksidente ang nangyari. Walang may gusto. Hindi ko ginustong makita iyang ano mo!" sigaw niya. "Then, should I just hold a presscon with my fans and tell them that you just saw m—" "Stop, tumigil ka na! Puwede ba?" pagpigil niya sa mga pagbabanta nito. Napa-isip nga siya, siguradong kapag nalaman ito nang isang katutak niyang fans ay babalatan nila ako ng buhay o kaya ipapalapa nila ako sa mga pirana dahil sa nangyari. At tiyak na hindi nila ako titigilan hangga't hindi ako na-chuchugibells! Omg, ano na ba ang gagawin ko? “So?” tanong nito na tila naiinip pa sa tagal ng pag-iisip niya. "Oo na, ako na ang may kasalanan. 'Wag mo na ulit-ulitin pa kung ano nangyari," mahinahon niyang sabi. “I’m sorry.” "Then... from now on, you will be my pet and I'll be your Master. Okay ba iyon?” “No, it’s not okay.” Hindi talaga iyon okay sa kaniya. Ayaw niyang maging alila. Lalo na ng lalaki. Ni sa hinagap ay hindi niya iyon lubos maisip. Sigurado siyang magte-take advantage ito sa sitwasyon nila at pahihirapan nito ang mahirap na nga niyang buhay. “You have no choice left, my dear. So… it’s final. Understand?" At saka nito kinuha ang damit nitong nakalapag sa sofa at nagsuot na ng sando pero nanatili siyang tulalang nakatingin dito. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. How did it come to this? "Do you want me to dress in front you?" tanong nito. Napakurap-kurap pa siya bago matauhan. "P-Pero..." "Oh, I forgot to tell you. I won't take a no for an answer, my bad!” Lumapit ito sa kanya sabay hawak sa magkabila niyang balikat at itinulak siya palabas ng pinto. Papayag na lang ba ako sa gusto niya nang walang laban? Paano na ang tahimik kong buhay? “Pero hindi ako magiging utusan mo, okay? Tutulungan lang kita. Oo, gano’n nga. Puwede kang humingi sa akin ng tulong. Not in a bad way, ha? Ganoon, ah?” mariin niyang sabi rito pero patuloy lang ang lalaki sa pagtulak sa kaniya palabas ng kuwarto nito. "Whatever you say. See you later, my dearest pet!" he smiled then closed his door. “Ang sabi ko nga, hindi ako pet mo! Ayokong maging utusan mo! Tutulungan lang kita!” sigaw niya. She stood there for a while and realized her life won't be the same as before, like the way she used to. Ano ba itong gulong pinasok ko? Napabuntong-hininga siya. Just like that, I've become a pet...faster than a blink of eye, faster than a cupid. Ang masama pa doon siya si Acer Kim Lopez, si Ice ang mayabang at m******s niyang kapit-kwarto! Did he just trick me? Anong g**o ba itong nangyari? "Wah!" sigaw niya sabay sabunot sa sarili. SA KABILANG banda naman ay ngingiti-ngiti si Ice habang nakaupo sa sofa at kinakain ang pagkaing inihanda ng babae sa kanya. Lumamig na ‘yon pero todo kain pa rin siya at inom sa hot choco na gawa nito. Hindi niya akalaing masarap pala magluto ito at lalong hindi niya akalain na magkikita silang muli. Ang kagandahan pa ay sa iisang boarding house lang sila nakatira. Hindi niya alam kung bakit siya nakipagkasundo sa babaing iyon nang biglaan. Hindi pala nakipagkasundo kundi inubliga niya ito na maging pet niya ng hindi man lang niya iniisip ang kahihinatnan no'n pero natutuwa kasi siya rito. Tuwang-tuwa siya na makita ang mukha nitong galit na galit everytime na inaasar niya ito. Hindi niya matanggal ang ngiti lalo na kapag naalala niya ang itsura nito nang makita siyang nakahubad kanina. Pulang-pula kasi ang mukha nito na tila mo umakyat lahat ng dugo sa magkabila nitong pisngi. Sigurado siyang magiging masaya ang pag-iistay niya sa school ng isang sem at dahil iyon sa babaing nakilala niya. "Hindi ko pa pala naitatanong ang pangalan niya, hmmm... sabagay magkikita naman kami mamaya sa school at saka mas bagay sa kaniya ang pangalang utak-talangka." Napatawa siya sabay subo ng hotdog. Dahil sa nangyari ay may maituturing na siyang utusan, he has a real life pet na dati ay napapanood niya lang sa television. Napatawa siya nang malakas nang maisip ‘yon. "Ano na kaya ang gagawin ko sa iyo, utak-talangka?" Napangiti na lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD